Sa aking paggising ay talagang sumasakit ang ulo ko. Kahit hindi ko pa imulat ang aking mga mata ay nararamdaman ko na ang araw na tumatambay sa balat at mukha ko.
Napahawak ako sa aking ulo at hindi ko pa rin mataim ang kirot nito. Kahit pilit ko ring alalahanin ang nangyari kagabi ay wala talaga akong matandaan.
"K-kelly? Kelly? Okay kana ba?"
Dinig ko ang pamilyar na boses na nanggagaling kay Candy. Dahan-dahab kong iminulat ang mga mata ko pero hindi ko talaga kaya. Ramdam ko rin ang paghawak niya sa braso ko at dnig ko ang sobrang pag-aalala niya.
Tumango-tango nalang ako bilang pagsagot sa katanungan niya, "Oh ito. Kumain ka ng noodles para mahimasmasan ka. Kape? Kape? Gusto mo bang kape?"
Ramdam ko ang pagtataranta ni Candy dahil bakas ito sa boses niya. Tumango nalang ako at ilang saglit pa ay hindi ko namalayan na nakabukas na pala ang mga mata ko.
Sa aking pagmulat ng tuluyan ay nakita ko ang cup noodles na nasa tabi ko at nang tingnan ko si Candy ay nasa kusina siya at mukhang nagtitimpla ng maiinom ko.
"A-anong nangyari sa'kin? At nasaan ang iba?" Kunot-noong tanong ko. Napansin ko kasi na wala ang mga lalaki dito kung kaya't natanong ko iyon sa kanya.
Ilang saglit pa ay narinig ko ang pagbagsak ng isang bagay na babasagin.
"C-candy? Okay kalang ba?" Kinakabahan ako sa mga oras na ito kung kaya't napatayo ako bigla.
"Kelly! Baka mabubog ka!"
Hindi na ako natuloy sa paglalakad papunta kay Candy dahil sa agad akong pinigilan nito. Nangangatog ang mga paa ko at pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda.
Ilang saglit pa ay nakita ko ang pagyuko ni Candy, "P-pasensya na Kelly. Natabig ko kasi yung baso."
Kitang-kita ko sa mga mata ni Candy ang labis na pagkatakot magmula nang mabasag ang baso na pinagtitimplahan niya. Huminga naman ako ng malalim ngunit hindi pa rin maiaalis sa puso ko ang takot at pangangamba.
"H-hayaan mo na muna 'yan. Halika na at linisin na natin 'to. Baka mabubog pa yung iba." Tugon ko kay Candy at tumango naman ito sa akin. Mabuti na lamang at may suot siyang tsinelas ngunit ako ay wala.
Ilang saglit pa ay kumuha na rin ako ng tsinelas at saka tinulungan si Candy na pulutin ang mga bubog sa sahig.
"A-aray!—"
"Kelly, ayos kalang ba?!"
Tila ba'y namanhid ang buong katawan ko nang maramdamang may nakatusok na bubog sa hintuturong daliri ng kamay ko.
Kahit na maliit ang bubog na pumasok dito, ay ramdam ko pa rin ang sobrang pagkasakit at sunod-sunod na pagtulo ng mga buong dugo sa sahig.
Tumango ako kay Candy at hindi naman maiiwasan sa mga mata niya ang mag-alala sa akin kung kaya't lumapit siya sa akin saglit at saka umalis rin.
"Oh, ito. Hihilahin ko yung bubog tapos tatakpan ko nitong maliit na puting tela—"
"Pero masakit 'yan Candy!"
"Malamang! Dumudugo eh. Nabubog! Alangan namang hindi sumakit?"
Napailing nalang ako at pakiramdam ko ay katapusan ko na. Takot na takot pa naman ako sa dugo at ayoko na pinapahawak ang buhay ko sa ibang tao.
Kahit na maliit lang ang sugat na natamo ng daliri ko, pakiramdam ko eh ikamamamatay ko na'to. Marami kayang namamatay sa tetanus! Charing!
Napapikit ako dahil sa ayoko talagang makita ang mga dugong pumapatak sa sahig.
YOU ARE READING
Virtual Asylum [COMPLETED]
Tajemnica / ThrillerKelly Salcedo-A fourth-year college student from University of the East and went to a specific game of virtual reality to achieve her dreams and graduated as Bachelor of Psychology (Honours) together with her classmates. Her life was full of misera...