Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayong gabi.
Nakatingin ako sa isang maliit na salamin at pakiramdam ko ay ilang oras na akong nakatitig dito nang wala manlang imik.
"Hindi ka pa ba mag-aayos?"
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang katanungan ni Candy. Nang tingnan ko siya sa di kalayuan ay nakatingin lang ito sa akin at mistulang napanganga ako nang makita ko siya.
Sobrang ganda ni Candy ngayon at mas lalong nagpapaganda sa kanya ang kanyang mga ngiti!
Why am I feeling this way? Hindi naman ako tomboy.
Napangiti rin ako ng bahagya sa ayos na ayos na si Candy. Naka-red cocktail dress ito at simpleng-simple lang ang kanyang itsura. Naka-lugay rin ang kanyang buhok ngunit may ilang hibla na nakatirintas. Ang mga kolorete niya sa kanyang mukha ay mistulang sobrang bagay na bagay sa kanya!
Hindi ko alam na sa kabila ng pagtagal namin ng ilang buwan dito sa loob ng Asylum ay humahaba na rin pala ang buhok namin.
Habang abala ako sa pagtingin sa kanya ay hindi ko namalayan na unti-unti na pala siyang lumalapit sa akin. Nakangiti lang ito at saka niya ibinaba ang kanyang sarili upang tingnan ako.
"Alam kong nagtataka ka kung saan ko 'to kinuha. Syempre, saan pa ba? Edi sa grocery na mayroon lahat! Remember? Doon tayo nakakuha ng mga damit?"
Naalala ko. Oo nga pala, doon kami sa grocery nakakuha ng mga damit pero...
Pero wala akong gown o dress na maisusuot para sa sarili ko.
Huminga ako ng malalim at parang nalungkot naman ako bigla. Wala nga pala akong maisusuot ngayon. Ngunit kahit ganun pa 'man, ay okay na rin ito. At least okay na kami ni Candy.
Naalala ko kanina nang yayain kami ni Lachlan na magdiwang daw ngayong gabi. Kahit anim nalang kami ay dapat pa bang magdiwang kami? Ngunit para saan?
Mistulang natauhan ako bigla at muling bumalik sa reyalidad nang marinig ang boses ni Candy.
"Huwag kang mag-alala sa susuotin mo Kelly. Humingi ng permiso si Chad kay Dr. Salazar na kuhanan ka ng masusuot mamayang gabi."
Tila'y napaismid ako sa sinabi ni Candy. So alam niya pala ang tungkol sa paghiling ng kahit anong materyal na bagay kay Dr. Salazar? Pero paano? Bakit late ko na nalaman lahat ng 'to? Pfft.
Ilang saglit pa ay parang nanigas ang katawan ko nang makitang may kinuha si Candy na asul na damit sa loob ng kanyang bag. Nang buksan niya iyon, ay naistatwa ako sa kinauupuan dahil sa kumikinang ang cocktail dress na iyon.
Parang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon! Ang cocktail dress na ito ay may iba't-ibang beads na mukhang gawa sa sapphire stones!
"Hawakan mo ang dress na'to Kelly. Ang beads ay gawa sa tunay na bato. Kahit kagat-kagatin mo pa eh mas mauuna pang masira ang ngipin mo kaysa dito."
Napatayo ako at nakita ko naman ang paghagikgik ni Candy magmula sa sinabi niya. Nakakaloka! Nang hawakan ko ang beads ay kahit maliliit lang ang mga ito, ay ramdam mo ang pagkamabigat dahil hango talaga siya sa tunay na bato!
Napatulala ako habang unti-unting ninamnam ang buong dress. Parang ayokong mabahidan ito ng dumi.
Nang makuha ko na ng tuluyan ang dress sa kamay ni Candy ay hanggang ngayon eh hindi pa rin ako makapaniwala na makakapag-suot ako ng ganitong kagandang damit! Parang tube ang istilo ng dress na ito ngunit may pa-floral sa bandang itaas. Palobo naman ang bandang baba at makikita mo ang pagka-flowing skirt niya.
YOU ARE READING
Virtual Asylum [COMPLETED]
Mystery / ThrillerKelly Salcedo-A fourth-year college student from University of the East and went to a specific game of virtual reality to achieve her dreams and graduated as Bachelor of Psychology (Honours) together with her classmates. Her life was full of misera...