TREINTA y SIETE

129 12 2
                                    

"Halika na apo, kumain na tayo ng paborito mong adobong pusit." Masayang pagbungad sa akin ni Lola Anna.

Nandito kami ngayon sa aming probinsya sa Cavite at tuwing sasapit ang pasko o holiday ay pumupunta kami dito ni Daddy para bisitahin si Lola.

Maraming specialties si Lola Anna pagdating sa pagluluto. Sabi niya sa akin ay hilig niya ang pagluluto magmula noong bata pa lamang siya at hindi ko nga mapagkakaila iyon dahil sa sobrang sasarap ng mga luto ni Lola!

"Masarap ba ang luto ko Kelly?" Masayang tugon ni Lola habang sama-sama kaming tatlo na kumakain sa hapag-kainan.

Nakakatuwang-isipin na sobrang tanda na ni Lola Anna pero talagang buhay na buhay at malakas pa rin siya. Wala pa ring palya ang pagluluto niya at lasap na lasap mo pa rin ang masarap na lasa!

Tumango-tango ako kay Lola Anna, "Opo." Tugon ko at kasabay nito ay ang aking matamis na pagngiti bago isubo ang huling kutsara ng adobong pusit.

Habang abala ako sa paglilibot ng buong bahay ni Lola Anna, ay makikita mo ang kalumaan nito. Ang sahig ay makintab na gawa sa kahoy ngunit natatakot ako na baka sa paghakbang ng isang malaking tao ay lumusot ang paa nito sa sahig.

Ang buong dingding ay ibang-iba sa dingding namin sa bahay sa Maynila. Gawa rin ito sa purong kahoy at may ilang sabit-sabit ng gagamba. Nakakatakot 'man ngunit wala naman akong pakielam doon.

Sa kalagitnaan ng aking paglilibot sa buong bahay ni Lola Anna, ay may nakita akong isang mahaba at manipis na lamesa na nasa living room. Nakatapal ang kahoy na lamesa ng makalumang tela at may iba-ibang picture frames, vase, at kung ano-ano pang makalumang bagay ang nandodoon.

Tumambad sa aking paningin ang isang picture frame at kaagad kong hinawakan iyon. Picture iyon ni Lola Anna noong 75 years old pa lamang siya. Tandang-tanda ko pa noon n'ong nag-celebrate kami ng birthday ni Lola Anna dito sa Cavite kasama ang pinsan at malayong kamag-anak namin.

"Hindi ko alam na magkakaroon ka pala ng interes sa mga lumang bagay, apo."

Bigla akong napatalon at nagulat nang marinig ko ang boses ni Lola Anna mula sa aking likuran. Dahan-dahan kong inilingon ang aking sarili mula sa kanya at natatakot na baka magalit sa akin si Lola sa oras na malaman niyang tinitingnan at hinahawakan ko ang mga gamit niya.

Sa aking paglingon ay nakita ko ang nakangiting itsura ni Lola Anna. Ooft! Medyo creepy.

"Huwag kang mag-alala apo, hindi ako magagalit sa'yo kahit ilang beses mo pang tingnan at hawakan iyang mga luma kong kagamitan." Tugon pa ni Lola at dahan-dahan naman akong tumango.

Lumapit si Lola sa akin ng paunti-unti. Hindi pa rin maiaalis sa itsura ko ang labis na pagkatakot magmula nang gulatin ako ni Lola Anna.

"L-lola? Kabadong tanog ko at saka naman siya tumingin sa akin.

"B-bakit wala po kayong pictures ng family n'yo? Si Lola Maria? Yung mga pinsan at kapatid niyo po?"

Alam kong wala ako sa lugar upang tanungin si Lola ng ganoon. At imbes na makatanggap ako ng kasagutan ay ningitian lamang ako nito. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin maiaalis sa aking isipan na bakit never pa akong nakakita ng mga larawan ng mga ninuno ko?

Ilang saglit pa ay kaagad lumapit si Lola Anna sa akin at hinimas ang aking buhok, "May mga bagay talaga apo na hindi mo na pupwedeng ungkatin pa, hindi mo na pupwedeng balikan pa, at hindi mo na pupwedeng ulitin pa."

Tumango na lamang ako at saka napaisip sa sinabi ni Lola Anna. Kahit ano sa sinabi niya ay wala akong naintindihan, ngunit isa lang ang nasisigurado ko. Kasinglalim ng pagsasalita niya ang pinaghuhugutan niya.

Virtual Asylum [COMPLETED]Where stories live. Discover now