DIECIOTSO

166 12 13
                                    

WARNING: Some parts of this story will disturb you. Some of these will give you facts and realistic thoughts about learning mental illness. Please don't be bothered especially on the pictures listed below. Thank you!
••

Sobrang blurred ng paligid at tila ba'y nasa puti akong silid.

"Mommy? What are you doing?" Tanong ko kay Mommy na busy sa pananahi.

"Ito ay tinatawag na knitting o panggagatsilyo sa tagalog." Tugon ni Mommy at patuloy naman akong humahanga sa kanya dahil sa taglay niyang talento sa pagtatahi ng mga damit at iba pa.

Limang taong gulang pa lamang ako ay ninanais ko na maging katulad rin ako ni Mommy. Maganda, matalino, at may iba't-ibang talento. Hindi rin ako magtataka kung bakit na inlove si Daddy sa kanya at pinakasalan nila ang isa't-isa. Parehas silang may magagandang mukha at hindi mo maipagkakaila na bagay na bagay talaga silang dalawa.

"Halika, anak. Tumabi ka sa akin." Saad pa ni Mommy at saka naman ako tumabi sa kanya dito sa sofa habang abalang-abala sa panggagantsilyo.

Habang pinapanood ko si Mommy sa panggagantsilyo ay kitang-kita ko ang nagniningning at nakangiti niyang labi. Tila ba'y may gusto siyang ipahiwatig sa akin ngunit hindi ko lang alam kung ano iyon.

"Kelly..." Pagtawag sa akin ni Mommy na naging dahilan para mapatingin ako sa mga mata niya.

"Y-yes Mommy?" Utal kong tugon.

Nakita ko ang pagharap sa akin ni Mommy at saka niya hinawakan ang mga kamay ko. Nakangiti siya ng todo sa akin at ang mga ngiting iyon ang naging dahilan para mapangiti rin ako ng husto.

"Ano ang magiging reaksyon mo kung sakaling malaman mo na magkakaroon kana ng kapatid?" Tanong pa sa akin ni Mommy at kasabay n'on ay ang pagkunot ng aking noo.

Tumagilid ang aking ulo habang pinagmamasdan ang mukha ni Mommy. Tila ba'y todo ang aking pag-iisip kung ano ang magiging reaksyon ko kung sakaling magkaroon ako ng nakababatang kapatid.

Sa totoo lang, ay naisip ko na magiging malungkot ako sapagka't alam ko na kapag nagkaroon ako ng kapatid ay magkakaroon na ako ng kahati sa pagmamahal sa'kin nina Mommy at Daddy. Pero kahit ganoon pa man...

Ay natutuwa rin ako sapagka't gusto ko ring maranasan na magkaroon ng nakababatang kapatid. Para kahit papaano ay hindi ako nalulungkot o maramdamang malumbay.

"M-masaya ako Mommy!" Masagana kong saad kay Mommy at kitang-kita ko naman ang pagkagalak sa kanyang mga mata.

Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Mommy at saka ko rin naman siya niyakap pabalik, "You're really a good girl, Kelly. Hindi mo binibigo ang Mommy." Tugon pa nito at kasabay n'on ay ang paghimas niya sa aking buhok.

I'm so happy to be your child, Mommy.

Nagising ako nang may ngiti sa labi dahil sa aking napaginipan. Sobrang saya ng puso ko ngayon at pakiramdam ko eh muling bumabalik ang mga alaala ko kasama si Mommy.

Nang tuluyan ko ng imulat ang aking mga mata ay tuluyan na akong nakangiti ng husto. Kailangan kong maglakad-lakad sa mga oras na'to para naman ma-enjoy ko ang kagandahan ng araw na'to!

Akmang tatayo na sana ako mula sa aking pagkakahiga nang...

Mapagtanto kong nakatali ng lubid ang magkabila kong kamay sa isang riles!

Nakahiga ako sa kama!

Tila ba'y gulat na gulat ako at pilit kong kinakalas ang pagkakatali sa aking mga kamay ngunit sobrang higpit nito at pakiramdam ko ay matatanggal na ang kamay ko!

Virtual Asylum [COMPLETED]Where stories live. Discover now