Sobrang sakit ng ulo ko at tila ba'y parang may nag-umpog nito.
"K-kelly, ayos kalang ba?" Ramdam ko ang paghawak sa aking braso ngunit bigla naman akong napa-aray. Alam kong si Candy ang nagtatanong sa akin ngunit hindi ko pa talaga magawang imulat ang aking mga mata.
Nang mahimasmasan, ay kaagad kong naramdaman ang liwanag at nasa tapat ko si Candy at ang iba pa naming mga kasamahan. Iminulat ko ang aking paningin ngunit sa kasamaang palad, ay nandito pa rin ako sa hall.
H-huh?! Nasa hall ako?!
"Nasa hall ako?!" Pag-uulit ko pa. Bigla naman akong napa-upo mula sa matigas na sahig at bigla nanamang kumirot ang aking ulo. Tsk!
"K-kelly, huminahon ka. Yung mga sugat mo, hindi pa magaling." Kitang-kita ko ang pag-aalala ni Candy sa akin maski ng iba pa. Inikot ko ang aking paningin, ngunit sa kasamaang-palad ay wala dito ang taong hinahanap ko.
Teka, ano nga bang nangyari kagabi? Sa huling natatandaan ko ay nakita ko si Queen at hinabol ko siya sa gubat! Tapos n'on ay nakita ko ang nakakatakot niyang mukha at saka ako sinunggaban ng malalakas na pagsabunot at matatalim na pagkalmot sa aking braso.
Nang tingnan ko ang aking braso ay nakabenda naman na ito, mabuti nalang at hindi ganoon kalalim ang mga sugat na natamo ko.
Nakita ko ang paghinga ng malalim ni Candy at saka hinawakan ng mariin ang aking kamay, "Narinig ka ng lahat na nagsisisigaw sa gubat kung kaya't dali-dali kaming nagpunta doon. Oo Kelly, nakita ko rin si Queen. Ngunit.."
"N-ngunit pinatay na siya ni Chad kagabi nang makita naming hila-hila ka ni Queen at balak ka niyang ilayo sa'min."
Nakita ko ang pagpatak ng mga luha ni Candy at mistulang maski ako ay napaluha na rin. So totoo pala, totoo pa lang kapag sa oras na kinuha ka ng mga baliw ay papatayin ka nila—ngunit mabubuhay ka rin.
It seems like I'm in the Horror Movies wherein I encountered bunch of zombies. Kahit alam ko sa sarili ko na hindi naman sila nangangain ng utak ng tao, ngunit alam ko pa rin na delikado sila.
Sa aking paghikbi ay patuloy kong hinahanap si Chad ngunit wala talaga siya sa loob.
"N-nasaan siya?" Tanong ko kay Candy na ngayon ay iniikot rin ang paningin pero mukha rin naman siyang nadismaya nang wala siyang makitang Chad na nandirito. Sobrang kilala na kasi ako ni Candy at parang siya rin si Amanda dahil alam nila ang bawat kilos at galaw ko.
Nagkibit-balikat siya, "H-hindi ko alam eh. Kanina lang ay nandito lang siya sa loob at binabantayan ka."
Napatulala naman ako bigla at napaisip. Seryoso? Binabantayan ako ni Chad o baka nanggu-good time lang 'tong si Candy dahil alam niyang weakness ko 'to?
"W-weh?" Saad ko at parang sinasabi ng mukha ko na, 'ows-di-nga?'. Si Chad? Babantayan ako? Sus! Napaka-impossible.
"Totoo nga. Simula nung nakita naming hila-hila ka ni Queen na ngayon ay nag-iba na, eh halos hindi na iniwas ni Chad ang tingin niya sa'yo. Pinatulog niya muna kami after nung nangyari kung kaya't ayun! Paniguradong puyat siya ngayon." Saad ni Josh na kararating lang mula sa likuran ni Candy.
Parang nabuhusan naman ako ng malamig na tubig nang marinig iyon. Ayokong maniwala at mag-assume pero talagang may nag-uudyok sa'kin na mag-assume eh. Hay!
Teka, puyat ngayon si Chad ng dahil sa'kin? Oh my goodness. Patay na!
"A-asan siya ngayon?" Natatarantang tanong ko kina Josh at Candy. Nagkatinginan naman silang dalawa na parang nagtataka kung bakit ako naghi-hysterical kung kaya't kinalma ko muna ang sarili ko.
YOU ARE READING
Virtual Asylum [COMPLETED]
Mystery / ThrillerKelly Salcedo-A fourth-year college student from University of the East and went to a specific game of virtual reality to achieve her dreams and graduated as Bachelor of Psychology (Honours) together with her classmates. Her life was full of misera...