Chapter 1: The Mysterious Sender

3 0 0
                                    

Clei's POV

Bumangon na ako at dumiretso sa bathroom kaagad akong naligo para mahimasmasan ako dahil pawis na pawis ako at pakiramdam ko tumakbo talaga ako kahit alam kong panaginip lang iyon. Sino kaya siya bakit niya ako hinahabol at ano ang pangakong tinutukoy niya. Sa pagkakatanda ko wala naman akong pinangakuan atsaka my halimaw pa ba ngayon eh 21st century na baka wala lang iyon maghahanda na lang ako para pumasok sa trabaho ko marami pa akong dapat gawin.  Papunta na ako sa trabaho ko ng pakiramdam ko ay may nakatingin at nakasunod sakin kaya naman lumingon ako pero wala naman akong makitang nakatingin sakin sa dami ng tao baka guni guni ko lang iyon. Nakarating naman ako ng matiwasay sa trabaho ko. "Cleizsel Xyhree Venice!!!" Sigaw ng bestfriend ko na si Vivian. "Bakit mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa ngayon beshie?" Tanong niya. "Wala naman beshie hindi lang ako nakatulog ng maayos." Sagot ko sa kanya. "Beshie I know you may gumugulo sa isip mo ano yun spill it!" Pangungulit niya pa pero narinig na namin ang pagtunog ng orasan sa opisina hudyat na kailangan na naming magtrabaho kaya naman nauna na ako sa kanya at pumunta na sa cubicle ko.  Habang nagtatype ako ng mga data na kailangan kong matapos iencode ay nakatanggap ako ng isang email mula sa isang estranghero nagdalawang isip pa ako kung babasahin ko pero sa huli ay binuksan ko na rin. "Naghihintay ako sayo tuparin mo ang pangako mo pakiusap wag kang sasama sa kanila." Kaagad akong nagtaka ano ito may connection ba ito sa panaginip ko? Ano ba talaga ang pangako na iyon, sino siya at kanino ako dapat hindi sumama? Naguguluhan ako.  Hanggang sa makauwi ako ay ito lang ang nasa isip ko. Ano ba talagang nangyayari may nakalimutan ba ako? Bakit hindi ko alam.
---------------
Sorry sa typos,wrong grammars at wrong choices of words.
Sana po magustuhan nyo.

Being Hunt By The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon