Chapter 8: Caught

2 0 0
                                    

Clei POV Nagising na lang ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha kaya naman napabangon ako at naiinis na isinara ang bintana nagtaka ako bakit ganito ang ayos ng kwarto ko kaya inilibot ko ang aking paningin saka ko naalalang wala pala ako sa sarili kong bahay at kwarto dala mg sobrang pagod ay nakaligtaan ko na haish. Ngayon ano naman kayang gagawin ko hmm maglilibot na lang muna siguro ako baka sakaling malaman ko na kung ano yung dapat kong matuklasan kaya naman pumasok ako sa isang pinto na nakita ko at hindi naman ako nagkamali na ito ang banyo agad akong naligo naalala ko wala nga pala akong susuotin paano yan sumilip ako sa pinto nakakita ako ng cabinet ayun baka meron dung damit kaya lumapit ako laking pasasalamat ko at mayroong mga damit sa loob agad naman akong nagbihis at lumabas na.  Naglalakad lakad ako hanggang makarating ako sa kagubatan wala akong kasama dahil hindi ko alam kung nasaan si Zyder. Habang naglalakad naramdaman kong parang may sumusunod sa akin kaya lumingon ako bago pa ako makalingon ay may nagtakip na ng panyo sa ilong ko may pampatulog ito kaparehong kapareho nung naaamoy ko sa tuwing matutulog na ako sa kwarto ko agad akong nawalan ng malay dahil sa tapang nito.  Nagising na lang akong nakatali ang mga kamay at paa at mayroon akong piring sa mata hindi naman ako nakaupo sa upuan dahil nakadiretso ang aking paa kaya malamang ay sa sahig lang ako nakaupo.  "Mabuti naman at nakuha niyo na siya." Isang nakakapangilabot na boses sapalagay ko ay nasa harap ako ng halimaw hindi naman ako makapagsalita kahit walang takip ang bibig ko dahil sa sobrang takot pakiramdam ko ay nanginginig ang katawan ko at nanlalamig ako.  "Kamusta ka na Clei o mas dapat siguro ay Mira natatandaan mo pa ba ang pangako mo sa akin diba ang sabi mo ay tutuparin mo iyon kahit anong mangyari at kahit na mamatay ka ay tutuparin mo iyon sa pangalawa mong buhay." Sabi ng halimaw sa akin.  "H-hindi ko m-matandaan ang p-pangako na s-sinasabi mo." Nanginginig kong sagot.  "SINUNGALING! Kailangan mong alalahanin ang pangako mo sa akin!" Galit na galit na sigaw niya kaya lalo akong natakot at hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.  "Kung hindi mo matandaan pwes ipapaalala ko sa iyo."  -Flashback-  Habang nasa kakahuyan si Mira (ang pangalan ng babae sa unang buhay ni Clei) ay nakarinig siya ng kaluskus hindi naman siya natakot dahil bihasa na siya sa pakikipaglaban kaya naman sumigaw siya.  "Sino yan magpakita ka sa akin."  Bigla namang lumabas ang isang halimaw hindi naman nakaramdam ng takot si Mira kahit na ng makita na niya ito sa halip ay nagtaka siya kung bakit siya sinusundan nito.  "Ano ang kailangan mo sa akin?" Tanong ni Mira "Hindi ba't kabilang ka sa lahi ng mga Mitosa (ang lahi ng mga mandirigma at makakapangyarihang salamangkero na kinabibilangan ni Mira)." "Oo kabilang nga ako sa lahing tinutukoy mo bakit." "Kailangan niyong bawiin ang sumpa ninyo sa akin!" May autoridad na sabi niya "Hmm at bakit naman namin gagawin yun eh kaya ka nga isinumpa dahil inabuso mo ang iyong taglay na lakas at kaalaman." Matapang na sagot ni Mira "Kung ayaw niyo pwes papatayin ko na lang kayo isa-isa." Galit na sigaw ng halimaw. "Gawin mo kung kaya mo!" Sigaw pa ni Mira  Agad siyang inatake ng halimaw ngunit sa huli at natalo lamang ang halimaw. Araw araw ay ganito ang sistema nila hanggang sa nagkamabutihan na sila at hindi nagtagal ay nahulog ang loob ni Mira dahil napag alaman niyang mabait naman pala ito kaya naman nangako siya sa halimaw.  "Wag ka mag alala Caoru pag aaralan ko ang lahat ng salamangka at hindi ako titigil hangga't hindi ko natatanggal ang sumpa." Mira "Paano kung hindi mo pa rin malaman kung paano ito tatanggalin handa ka bang patayin silang lahat para sa akin?" Caoru "H-ha? Hindi naman siguro kailangan yan sigurado ako malalaman ko naman iyon." Mira "Paano nga kung hindi? Gusto kong mangako ka hindi ba't mahal mo ko." Caoru Tumango si Mira. "Kung ganoon ay mangako ka." Caoru "Nangangako ako kahit mamatay ako ay tutuparin ko ang pangako ko hanggang sa pangalawa kong buhay." Mira  Makalipas ang isang linggo ay hindi pa rin alam ni Mira kung paano tatanggalin ang sumpa hindi niya alam ay lagi lang nagmamasid si Caoru sa kanya at alam nitong hindi niya pa rin alam. Kaya nagdesisyon na si Caoru na patayin ang lahat para mawala na ang sumpa.  Nakarinig na lang si Mira ng hiyawan sa labas kaya dali dali siyang lumabas at nakita niya si Caoru na isa-isang pinapatay ang kaniyang mga kalahi bago pa ito maubos ni Caoru ay humarang na si Mira kaya naman siya ay napuruhan. Mahal na rin ni Caoru si Mira kaya naman napatigil siya at natulala habang sumusuka na ng dugo si Mira ay lumapit si Caoru.  "P-patawad kung h-hindi ko pa rin a-alam kung p-paano aalisin ang s-sumpa." Mira "Patawarin mo ako Mira nadala na ako ng emosyon ko." Umiiyak na sabi ni Caoru habang hawak niya sa kaniyang bisig ang naghihingalong si Mira. "W-wag kang umiyak a-ako ang nagkulang ang p-pangako ko t-tutuparin ko kaya wag mong k-kakalimutan." At unti unti ng pumikit ay kaniyang mga mata. Napasigaw na lang sa sakit si Caoru ng unti unting bumagsak ang kamay ni Mira. Kaya naman mas lalo pa siyang nagalit sa mga Mitosa dahil sa pagkawala ng nag iisang taong tumanggap at nagmahal sa kaniya.  -End of Flashback-  Hindi ko namalayan na napaiyak na pala ako sa kwento niya nakakaawa naman siya ganon pala ang nangyari ngayon alam ko na.
----------

Being Hunt By The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon