Chapter 6: The Past

2 0 0
                                    

Clei POV Nakarating na kami sa sinasabi niyang tinitirhan ng nakakataas sa kaniya. Namangha naman ako dahil isang lumang palasyo ang pinuntahan namin pero ang ganda pa rin nito kahit halatang luma na hindi siya kagaya ng palasyo ni Dracula sa mga movie na nakakatakot. Hinila agad ako ng bruho na ito feeling close eh kelan ko lang siya nakikilala. Tsk. Pagpasok namin nagyukuan ang mga taong nadadaanan namin weird ah bakit naman sila yumuyuko eh hindi naman ako prinsesa duh!  "Kanina pa po kayo hinihintay ng reyna." Sabi ng isang alagad samin.  Wow may powers ba ang reyna nila at nalaman niyang nandito na kami. Habang patagal ng patagal paweird ng paweird ah. Bigla akong kinabahan hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari sa akin kapag pumasok ako sa kwarto ng reyna nila.  "Maligayang pagdating sa aming palasyo Cleizsel." Bati ng isang napakagandang babae na nakaupo sa isang mataas na upuan sa harapan namin siya na siguro yung reyna nila.  "Salamat po." Sagot ko naman sa kaniya. "Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari pero wag ka mag alala ipapaliwanag ko ito sa iyo para maintindihan mo." May ngiti sa labi niyang sabi.  Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa ngiti niya pero pinagsawalang bahala ko na lang.  Nagsimula ng magkwento ang reyna. "Many years ago may isang lalaki na sobrang gahaman sa kapangyarihan kaya naman lahat ng lugar ay sinasakop niya at lahat ng taong inosente ay walang awa niyang pinapatay kaya naman nagdesisyon ang pinakamataas sa aming angkan na bigyan siya ng leksyon kaya naman isinumpa siya na sa bawat papatayin niya ay magiging halimaw siya sa una ay ipinagwalang bahala niya lang iyon hanggang sa umabot sa tuluyan na siyang naging halimaw kaya naman gumawa siya ng paraan para mawala ang sumpa at iyon ay ang pangako mo noong una mong buhay." Pagkukwento niya.  Kanina pa natapos magsalita ang reyna pero hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko kaya hanggang ngayon ay tulala pa rin ako. Paano nangyari yun paanong ako ang nangako sa halimaw na iyon at isa pa totoo ba ang reincarnation at ako ang reincarnation ng babaeng nangako. Naguguluhan ako. Sa sobrang gulo pakiramdam ko hindi na totoo ang lahat. Ngayon hindi ko na alam kung paano pa ako babalik sa normal kong buhay paano na ang trabaho ko, ang mga kaibigan ko lalo na ang mga magulang ko.
-------------

Being Hunt By The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon