Chapter 3: The Note

2 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa trabaho ko at isang linggo na ang nakakalipas mula nung insidente na nakakita ako ng pulang mata at kakaibang anino matapos yun ay wala namang kakaibang nangyari sakin at nagpapasalamat naman ako dun naghahanda na rin ako para umuwi dahil mag aalas singko na napakabilis ng oras pero pakiramdam ko sa bawat paglipas ng oras at araw ay may hindi magandang mangyayari sakin o baka napaparanoid na ako dahil sa mga nakikita at nararanasan ko this past few days kasi wala ngang kakaibang nangyayari sakin pero pakiramdam ko naman laging may nanonood sakin kung noon ay ramdam ko na isa lang ngayon ay ramdam kong mas marami na sila ano ba ang kailangan nila sakin bakit nila ako binabantayan.
Nakalabas na ako ng building namin at sasakay na ng taxi ng biglang tumunog ang cellphone ko at dahil nasa malalim akong pag iisip ay nagulat ako ng sobra mabuti na lang at wala akong sakit sa puso. Nagtext lang pala si Vivian nangagamusta hindi pa kasi sya pumapasok mag iisang linggo na may sakit daw sya pero bukas papasok na raw sya yun ang sabi niya nireplyan ko naman sya na ok lang ang lahat. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang hindi mangamba dahil iba ang pakiramdam ko ngayon parang may mangyayaring hindi ko magugustuhan.
Nang makarating ako sa bahay ay medyo madilim na traffic kasi dahil magpapasko na marami sigurong uuwi sa probinsya. Agad kong binuksan ang ilaw ng bahay pagpasok ko at dumiretso na sa kwarto ko laking gulat ko ng makita ko ang compass at susi na nakalagay na sa kama ko at may kasamang note sa pagkakatanda ko ay itinago ko ito sa drawer ko. Binasa ko agad ang note.
"Pindutin mo ang button sa ibabaw ng compass at hawakan mo ang susi wag mo itong bibitawan kailangan mo akong sundin kung hindi ay makukuha ka nila sakin kailangan mong tuparin ang pangako mo." Kinilabutan ako sa nakasulat hindi ko alam kung gagawin ko ba o hindi pero natatakot ako sa pwedeng mangyari kaya naman ibinaba ko ang compass kasama ang note at ang susi.
Narinig kong nagring ang cellphone ko nang tingnan ko ay si Vivian ang tumatawag kaya naman sinagot ko agad ngunit nabigla ako sa sumagot.
"Kamusta ka na young lady mabuti naman at hindi mo na naisipan pang magtago kasama nga pala namin ang kaibigan mo kung gusto mo syang makitang buhay pa at ligtas kailangan mong sumama samin at kalimutan na ang lahat ng tungkol sa lalakong iyon." Ang sabi ng tao sa kabilang linya.
Teka sinong young lady?
Sinong lalaki?
Bakit ako magtatago?
Bakit nila sasaktan si Vivian?
Ano ba talagang nangyayari naguguluhan na ako.
Bago pa man ako makasagot ay naamoy ko nanaman ang pabangong iyon na mabilis na nakapagpatulog sakin pero bago magdilim ang buong paligid naramdaman kong may naglagay ng dalawang bagay sa kamay ko at nagliwanag ang buong paligid ngunit nagdilim naman na ang aking paningin at tuluyan na akong nawalan ng malay.
-----------------

Please Vote and Comment. Thank You.

Being Hunt By The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon