Someone's POV
"Master umaayon sa plano natin ang lahat nasugatan namin ang babae at ito ay nawalan na ng malay kaya mas madali na natin siyang madadakip." sabi ng aking tauhan.
"Magaling ngayon ay tutungo na tayo sa ating ikalawang hakbang kailangan niyong madakip ang babae sa kahit na anong paraan nang sa gayon ay maisakatuparan ko na ang aking pangarap na mapamunuan ang Celcis." Humanda ka Caoru mapupunta na rin sa akin ang matag ko ng pinakaaasam na kaharian hindi ka nararapat na maging hari ako dapat.Third Person's POV
Habang abala ang lahat sa pakikipaglaban ay sinamantala ito ng mga kalaban na ang pakay ay si Cleizsel at dahil mahina ang depensa ng mga taga Celcis ay nagtagumpay ang mga kalaban na makuha ang babae sa kamay nila. Nais man nila itong habulin ngunit mas dumarami pa ang kanilang kalaban hanggang sa tuluyan ng mawala ang mga ito sa kanilang paningin. Sa kabilang dako naman ay binigyan ng mga kalaban ng lunas ang babae para ito ay gamitin bilang pain kay Caoru upang ito ay kanilang mapabagsak.Clei's POV
Nagising na lang ako ng makaramdam ng kaunting kirot sa aking likod naalala kong nasa gitna kami ng isang laban nasugatan ako at nawalan ng malay. Ngunit nasaan ako ngayon parang pamilyar ang senaryong ito ah. Nakagapos ang mga kamay at paa ko at nasa loob ako ng isang selda. Nakarinig ako ng mga yabag kaya naman nagpanggap akong tulog.
" Kamusta ang babae gawin niyo ang lahat upang mapasailalim siya sa ating kapangyarihan." Rinig kong sabi ng isang boses na sa palagay ko ay ang kanilang pinuno. Mukhang ako ang tinutukoy ng lalaki ah.
"Inuumpisahan na po ng mga nakakataas na salamangkero ang ritual upang mapasailalim siya sa ating kapangyarihan at kapag ito ay nagtagumpay mapapasunod niyo siya sa lahat ng inyong nais at maaari ding magising na ang kaniyang natatagong lakas." Sagot ng isa.
" Kailangan niyo na itong magawa sa lalong madaling panahon ayoko ng maghintay pa masyado na kong naghintay ng napakatagal panahon na para ako ay umangat." Pinuno
At narinig ko na lang ang papalayo nilang mga yabag.
Hindi ito maaari kailangan kong makatakas dito dahil kung hindi ay maaaring maulit ang nakaraan at higit sa lahat baka ako ang maging dahilan ng pagbagsak ni Caoru.
Ngunit pano ako tatakas dito wala akong alam na salamangka o kahit na ano. Nakaramdam ako ng pagkadismaya pero naalala ko na sabi ni Zyder ay madidiskubre ko rin ang natatago kong kakayahan kaso hanggang ngayon wala pa akong nadiskubre bukod sa nakaraan ko.
Habang patuloy akong nag iisip ay bigla akong nakaramdam ng sakit sa aking mga kamay para itong pinapaso at nagliliyab kaya naman sinilip ko ito at laking gulat ko ng nagkaroon ako ng marka sa palapulsuhan. Para itong pinaso ng nagbabagang bakal. Ano ito nakakaramdam ako ng init na dumadaloy sa buo kong katawan maya maya ay sinubukan kong kontrolin ang nararamdam ko bigla ko na lang naramdaman na parang may lumabas na apoy sa aking kamay at nakita kong naputol ang tali.
Anong nangyayari ito na ba ang sinasabi niyang matutuklasan ko?? Pero hindi ko na ito gaanong inisip at dali dali ko ng pinutol ang tali sa paa ko saka naghanap ng pwede labasan para makatakas. Nakakita naman ako ng isang maliit na butas na palagay ko ay kakasya naman ako agad akong sumuot at hindi naman ako nagkamali nagkasya nga ako paglabas ko ay nasa isang malawak akong hardin na punong puno ng mga rosas ngunit ito ay kulay itim paano ito nangyari binalewala ko na lang ito at nag umpisa ng tumakbo ng may pag iingat mabuti na lang at walang mga bantay kung hindi ay nahuli na ako.
Patuloy lang ako sa pagtakbo ngunit pakiramdam ko ay paikot ikot lang ako. Bigla akong nakarinig ng isang malakas na tawa.
"Bwahahahaha. Akala mo ba makakatakas ka dito hindi mo ba alam na ito ang mundong ginawa ko kung saan ako lang ang masusunod kaya kapag hindi ako pumayag na lumabas ka hindi ka makakalabas." Sabi niya sa akin. Nakakatakot ang itsura niya mas nakakatakot pa sa itsura ni Caoru pulang mga mata mahahabang pangil at sungay at kulubot na balat. Bago pa ako makapagreact ay may kung anong tumama sa batok ko na isang matulis na bagay huli ko na lang naalala ay buhat buhat na ako ng isang lalaki papunta sa kung saan.
----------------
BINABASA MO ANG
Being Hunt By The Beast
FantasyA dream that came true. Will she find out the truth why and what promise that she left unfulfilled from her past life? Will she succeed or become heartbroken?