Chapter 2: The Gifts

1 0 0
                                    

  Pagdating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto para magpalit ng damit at magpahinga. Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng drawer ko para mag fb pampatanggal ng bagot pero hindi pa man ako nagtatagal sa pag iiscroll ay narinig kong tumunog ang doorbell kaya bumangon ako upang tingnan kung sino dahil wala naman akong kasama sa bahay nasa ibang bansa si mama at papa para asikasuhin ang mga pinagkakaabalahan nilang negosyo. Pagbaba ko ay dumiretso ako sa pinto at binuksan ito wala namang tao ngunit may nakita akong isang kahon sa labas ng gate kaya dali dali ko itong kinuha lumingon lingon pa ako pero wala namang tao ang bilis naman nung nawala. Sa pagkakaalam ko wala akong inaasahang padala ngayon at hindi ko rin naman birthday para makatanggap ng regalo. Pinagkibit balikat ko na lang ito at pumasok na sa loob nacucurious din ako kung anong nasa loob ng kahon kaya agad akong naupo sa sofa at binuksan ang kahon. Isang compass at isang susi ang laman ng kahon para saan naman kaya ito at sino naman ang magpapadala nito sakin. Mukha itong mahalaga kaya naman itinago ko ito baka si mama at si papa ang nagpadala nakalimutan lang nila akong sabihan tungkol dito. Tiningnan ko ang orasan alas sais y medya na pala kailangan ko ng magluto para sa hapunan ko. Pagkatapos kong magluto at kumain ay umakyat na ako sa kwarto. Nagshower muna ako bago ako nahiga hindi ko alam pero parang may naamoy akong pabango na mabilis na nakapagpatulog sakin. Kinabukasan maaga akong nagising sinilip ko ang orasan alas kwatro pa lang ng madaling araw hindi na ako makatulog kaya napagdesisyunan ko na lang na magluto ng maaga kaya naghanda na ako at bumaba. Habang nagluluto ako ng agahan ko ay bigla akong kinilabutan pakiramdam ko ay may nanonood sa bawat galaw ko kaya lumingon ako nahagip ng mata ko ang isang anino ngunit hindi ito tao kakaiba ang hugis nito kaya naman binuksan ko ang lahat ng ilaw nakakita pa ako ng pulang matang nakasilip bago naglaho ang anino. Ano iyon bakit masama ang kutob ko.
~~~~~~~~~~

Please vote and comment thanks.

Being Hunt By The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon