Chapter 7: The Old Woman's Words

1 0 0
                                    

Nabalik naman ako sa wisyo ng kalabitin ako ng katabi ko.  "Wag ka mag alala gagabayan kita kaya hindi ka dapat matakot dahil hindi kita pababayaan tsaka mayroon ka pang hindi natutuklasan sa sarili mo at tutulungan kitang matuklasan yun." Nakangiti niyang sagot sa akin.  Haish kahit na ganon ang sinabi niya ay hindi pa rin nabawasan ang pag aalala ko lalo lang nadagdagan dahil sa sinabi niya ano ba yan ang gulo na nga ng mga pangyayari dinagdagan niya pa ng may matutuklasan ako ano na naman ba yun pakiramdam ko tuloy pagod na pagod na ko sa dami ng nalaman ko kumbaga information overload na konti na lang sasabog na ata ang utak ko sa mga nalaman ko.  "Nakikinig ka ba sa akin Clei?" Ay oo nga pala may kasama pala akong asungot haish.  "Ha ano bang sinasabi mo? Pakiulit naman marami kasi akong iniisip eh pwede bang magpahinga muna ako pakiramdam ko pagod na pagod na ko." Sagot ko sa kanya  Nakita ko naman ang pag aalala sa mga mata niya.  "Sige sasamahan kita sa tutuluyan mo para makapagpahinga ka na." Nakangiti niyang tugon ngunit may lungkot sa kanyang mga mata.  Ano kayang drama nitong lalaki na ito. Habang naglalakad kami ay napansin kong parang may nanonood sa amin hindi ko alam kung guni guni ko lang ba iyon o talagang meron pero kasi ang daming taong nadadaanan namin kaya baka dun lang yun.  Nagulat naman ako ng may biglang humawak sa akin at bumulong isang matanda.  "Iha dapat mong tuparin ang pangako mo kung hindi ay maraming mapapahamak pati na ang mundo mo." Payo niya sa akin na siyang nakapapatindig ng balahibo ko kaya natulala ako.  Kumaway naman sa harap ko si Zyder kaya naman ay bumalik na ako sa kasalukuyan.  "Anong nangyari sayo bigla ka na lang natulala paglingon ko nakahinto ka na kwento pa naman ako ng kwento." Nakabusangot niyang sabi.  "Ah wala halika na." At nagmadali na akong maglakad. Hindi niya pala nakita yung matanda lumingon pa ako pero wala na siya sino naman yun at bakit iba naman ang sinasabi niyang dapat kong gawin ano ba talaga ang dapat sa hindi.  Pagdating na pagdating namin sa tutuluyan ko ay humiga na ako at pinaalis ko na si Zyder maya maya lang ay nilamon na ko ng antok. ------------

Being Hunt By The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon