Chapter 10: Danger

1 0 0
                                    

Clei POV
Naalimpungatan ako dahil may narinig akong nagsasalita kaya hindi ako dumilat at nagpanggap lang na tulog pa para makinig.  "Sana ay maalala mo na ako pati na rin ang nararamdaman mo para sa akin ilang daang taon ako naghintay sa iyo hindi ako namatay o tumanda man lang patuloy akong nabuhay dahil sa pangako mo ngayon sana ay tuparin mo ito pero ayos na sakin kahit abutin ka ng ilang taon para malaman ang pag alis ng sumpa ayoko ng pumatay dahil nakikita ko sa mga mata mo ang lungkot at sakit at nararamdaman ko rin iyon kaya pakiusap alalahanin mo na." Narinig kong humikbi pa sya bago ko marinig na bumukas at sumara ang pinto kaya naman bigla akong bumangon at tumingin sa kinauupuan niya bago sa pinto.  Nakaramdam ako ng awa at lungkot sa mga sinabi niya tumingin ako sa orasan nakita ko na alas kwatro na pala hindi na ako dinalaw pa ng antok kaya naman naligo na ako at lumabas muna maglilibot libot lang ako nakarating ako sa garden ang ganda ng tanawin dito habang papasikat ang araw unti unti kong nakita ang mga tanim na rosas iba't iba ang kulay kaygandang pagmasdan kaya naman inamoy ko ito at napakabango. Habang nakaupo ako at tinititigan ang paligid dahil tuluyan ng sumikat ang araw ay nagulat ako ng biglang nagdilim ang kalangitan kasabay nito ang pagbuhos ng ulan at pagkidlat nakarinig ako ng sigawan sa loob ng palasyo pero nangingibabaw ang boses ni Caoru.  "Hanapin niyo si Cleizsel at siguraduhin niyong ligtas siya itakaa niyo na siya! Madali kayo!"  At nakita ko ang mga nagkakagulong tauhan niya ng makita nila ako ay agad nila akong inakay papunta sa kakahuyan.  "Anong nangyayari?" Tanong ko sa kanila kita sa mukha nila ang pag aalala. "Kailangan po nating magmadali binibini nilusob po ang kaharian ng taga ibang bayan." Sagot ng isa sa akin. "Paano si Caoru?" Tanong ko pa. "Ayos lang po siya malakas po ang kamahalan at malalakas na mandirigma ang kasama niya." Sagot niya makakampante na sana ako pero nakarinig ako ng malakas na pagsabog kaya lumingon ako at nakita kong unti unting bumabagsak ang tore nakita ko pa si Caoru na nakikipaglaban sa isang lalaki sa itaas ng palasyo habang unti unti ng gumuguho ito. Nakaramdam ako ng takot para sa kanya at napaiyak na lang ako biglang may pumasok na alaala sa isip ko isang halimaw at isang lalaking naglalaban sa gitna ng kagubatan biglang sumakit ang ulo ko kaya napahinto ako.  Hindi ko iyon alaala hindi kaya alaala iyon ni Mira at unti unti na itong pumapasok sa utak ko. Nakita ko pa ang pag aalala sa mukha ng mga kasama ko. Bigla na lang may dumating na kalaban kaya naman nilabanan nila ito ngunit hindi namin napansin ang isa na papalapit sa likod kaya naman nagulat ako ng makaramdam ako ng isang malamig at matalas na bagay na humiwa sa likod ko kasabay nun ang pagtunog ng mga nagbabanggaang espada at ang paglabo ng aking paningin hanggang sa tuluyan na itong magdilim naririnig ko pa silang sumisigaw pero hinihila na ako ng kadiliman.
------------

Being Hunt By The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon