Someone's POV (Ito po ang POV nung lalaki sa selda)
Habang natutulog siya ay pinagmamasdan ko siya ng mabuti ang ganda niya talaga matagal ko na rin siyang binabantayan sa mundo niya kumbaga ako ang lihim niyang tagapagbantay ang akala ko ay ako lang ang nagbabantay sa kanya pero nagulat ako ng maunahan ako ng alagad ng halimaw na yun sa pagkuha sa kanya kaya dali dali ko naman silang sinundan ang masaklap ay nahuli rin ako ito naman kasing mga kasama ko naisip pang kidnapin ung kaibigan ni Cleizsel ayan tuloy nakuha siya at nahuli ako buti na lang ay magkatabi lang ang selda namin. Nagtataka kayo kung bakit ayaw namin matupad ang pangako na iyon syempre mapanganib ang pangako na iyon kaya dapat lang na hindi yun matupad. Hindi ko napansin nagising na pala si Clei.(short for cleizsel) "N-nasaan ako?" Tanong niya habang sapo sapo ang kaniyang ulo. "Nandito ka sa tunay mong tahanan." Sagot ko bigla namang kumunot ang noo niya. "Wag mo nga akong lokohin hindi porket nawalan ako ng malay eh nawalan na rin ako ng alaala alam ko pa rin kung saan ako nakatira." Taas ang kilay niyang sagot. Natawa na lang ako sa sagot niya. Inismiran niya lang ako at biglang lumabas ng pinto. "Maglalakad lakad muna ako sa labas." Sabi niya "Samahan na kita baka maligaw ka pa." Alok ko "Ok" The Beast's POV "Argh!! Hanapin niyo sila hindi ako papayag na hindi niya tuparin ang pangako niya sa akin kay tagal kong naghintay para sa sandaling ito hindi ako papayag na hindi ito matupad!" Sigaw ko Kailangan ko ang babaeng yun hindi pwedeng makatakas siya kay tagal ko siyang hinanap tinago pala nila siya sa mundo ng mga tao kaya pala kahit saang lupalop dito sa mundo namin ay hindi ko siya makita. Dapat pala pinatay ko na ang lalaking iyon siya pala ang magiging dahilan para makawala pa sa akin ang susi sa aking kalayaan kailangan ko siya. "Halughugin niyo ang lahat ng bayan dito sa mundo natin suyurin niyong maigi wala kayong ititira maski isa dapat niyo siyang makita!" Utos ko sa aking mga alagad kaya hindi sila nag atubili pa at umalis na para maghanap. Clei's POV Hindi ko na naman alam kung nasaan ako ano ba naman ito nung una weird na bagay o message lang ngayon pati lugar at mga tao weird na rin ano ba naman to nag umpisa to nung managinip lang ako eh sabi nitong si Zyder ( ung lalaking nasa katabing selda) ginamit daw nung halimaw ang panaginip para ipaalala sakin ang pangako ko eh hindi ko naman naalala hanggang ngayon nga hindi ko alam eh pero itong lalaking to alam niya kaya kinukulit ko siya na sabihin sa akin. "Hoy dali na kasi sabihin mo na kung anong pangako iyon." Pangungulit ko pa. "Malalaman mo rin pero hindi ako ang magsasabi kundi ang nakakataas sa akin kaya halika puntahan na natin siya." Sagot niya Bigla niya akong hinila papunta sa lugar na hindi ko pa rin alam kung saan kaya nagpahila na lang ako eh malakas siya eh. Nakatakas nga ako sa halimaw na yun dito naman sa lalaking ito hindi ako makatakas. Haish.
-------------
BINABASA MO ANG
Being Hunt By The Beast
FantasyA dream that came true. Will she find out the truth why and what promise that she left unfulfilled from her past life? Will she succeed or become heartbroken?