Chapter 4: The Unknown Place

2 0 0
                                    

Nagising na lang ako sa loob ng isang selda nakakadena pataas ang aking mga kamay. Anong nangyari bakit ako nakakulong at nasaan ba ako? Nagulat ako ng may biglang magsalita sa kabilang selda. "Gising ka na pala. Kamusta ang pakiramdam mo may masakit ba sayo?" Tanong niya. Hindi ko siya maaninag pero sumagot pa rin ako. "Ayos lang ako wala namang masakit sakin. Nasaan ba ako at bakit ako nandito?" "Nandito ka sa palasyo ng halimaw kailangan mong makatakas dito hindi ka dapat magtagal dito hindi mo pwedeng tuparin ang pangakong iyon maraming mapapahamak. Mauulit lang ang nangyari noon!" My pag aalalang tugon niya. "Anong pangako? Anong mauulit? Ano bang sinasabi mo hindi kita maintindihan tsaka wala ng halimaw ngayon 21st century na kaya pano mo nasabing nasa palasyo tayo ng halimaw eh ultimo nga palasyo wala na ngayon." Pagtatanong ko at pagpapaliwanag sa kanya. "Iyan ang alam ng karamihan pero ang hindi niyo alam ay itinago lang ito gamit ang salamangka upang hindi niyo magambala ang halimaw na ninirahan dito. Pakiusap makinig ka sakin tumakas ka na dito." Siya "Paano ako tatakas kung nakakadena ako dito?" Sabi ko sa kanya. Napaisip naman sya sa snbi ko. "Alam ko na maya maya pupunta na dito ang mga babaeng alagad para pakainin tayo tatanggalin nila ang kadena natin yun ang pagkakataon para makatakas ka sasama na rin ako." Mahabang litanya nya. Hindi nga nagtagal ay dumating na ang mga alagad na babae na sinasabi niya, may parang binulong siyang dasal maya maya ay bumagsak na ang mga ito. "Halika na bilisan natin panandalian lang ang epekto niyan dahil nanghihina na rin ako." "Bakit kasi ngayon mo lang naisipang tumakas?" Tanong ko. "Alam ko kasing darating ka dito." Confident niyang sagot. Hindi na ako sumagot sa halip ay nag umpisa na kaming maghanap ng malalabasan hanggang sa makakita kami ng lagusan agad kaming lumabas dun at tumakbo papunta sa kagubatan hindi pa man kami gaanong nakalayo ay nakarinig kami ng isang nakasisindak na tinig. "Argh! Hindi mo ko matatakasan kailangan mong tuparin ang pangako mo!" Habang patuloy kami sa pagtakbo ay may parang lagusan na bumukas sa harap namin agad akong hinawakan sa kamay ng kasama ko at dumiretso kami sa lagusan lumingon pa ako at nakita ko ang isang galit na halimaw. Sa sobrang takot sa aking nakita ay nawalan ako ng malay pero bago pa ako lamunin ng kadiliman ay may narinig pa akong tumawag sa pangalan ko.
-------------------

Being Hunt By The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon