Chapter 9: The Truth

1 0 0
                                    

Caoru POV Nakatitig lang ako sa maganda niyang mukha habang patuloy ang pagbuhos ng luha sa kanyang pisngi walang ipinagbago ang itsura niya mula nung makilala ko siya sa kakahuyan hanggang ngayon pero hindi ko alam bakit natatakot siya sa akin ano kaya ang sinabi nila sa kaniya at ganito na lang katindi ang takot niya nahimatay pa siya nung nagpakita ako sa kanya habang itinatakas siya ng lalaking yun.  "Dalhin niyo na muna siya sa kwarto niya para makapagpahinga." Utos ko sa aking tagasunod.  "S-sandali lang may gusto lang akong malaman at gusto kong linawanagin." Sabi niya bago siya ihatid. "Sige ano iyon." Sagot ko. "Gusto kong malaman ang totoo kung bakit ka nila isinumpa at paano mo napapayag ako noon?" Tanong niya hindi ba nila sinabi sa kaniya. "Isinumpa nila ako para hindi ako makilala ng itinakda sa akin dahil isa siya sa kanila at ayaw nilang mabahidan ng dugo ng katulad namin ang tulad nila pero kahit na isinumpa nila ako ay mas lalo lang akong napalapit sa babaeng itinakda para sa akin." Sagot ko sa tanong niya.  Nakita ko sa kanyang mukha ang pagkabigla kahit pa natatakpan ang magaganda niyang mata. Hindi na siya sumagot kaya inakay na siya ng aking alagad.  Clei POV Hindi ako makapaniwala sa sagot niya kung ganoon ay nagsinungaling sila sa akin na gahaman siya sa kapangyarihan at pumapatay ng inosente malamang ay dahil pa rin sa parehong dahilan. Ang akala ko pa naman ay talagang masama siya kaya nila ako pinoprotektahan yun pala ay sarili lang nila ang pinoprotektahan nila. Kung iisipin ngang mabuti ay mukha namang mababait ang mga tagasunod niya at isa pa kung masama siya ay malamang wala na siyang tagasunod pero hindi eh sobra ang respeto at paggalang nila sa kaniya kahit na ganon ang itsura niya.  ~tok tok~  "Binibini naghihintay na po ang mahal na hari sa inyo sa hapagkainan." Sabi ng isang tagasilbing babae mula sa labas ng pinto. "Sige susunod na ako." Sagot ko naman.  Nag ayos muna ako ng aking sarili bago ako lumabas ang ganda ng palasyo na ito nakakamangha ang ganda at ang laki pa saan naman kaya ang kusina dito. Nagulat naman ako ng may biglang sumulpot sa tabi ko.  "Dito po ang daan binibini." Sabay turo sa isang pinto.   Naglakad naman ko papunta roon at sinabayan niya ako. Pagpasok namin ay bumungad sa akin ang isang napakahabang lamesa at magagandang plato at kubyertos inalalayan akong umupo sa isang upuan sa dulo at sa kabilang dulo naman ay ang hari nila. Maya maya lang ay isa-isa ng inilapag ang mga pagkain.  "Kumain ka na." Mahinahong sinabi ni Caoru "Sige salamat." Nag umpisa na nga akong kumain dahil naalala ko isang buong araw na pala akong hindi kumakain kaya naman kain lang ako ng kain ng bigla akong masamid. ~cough cough~ Dali dali akong uminom ng tubig.  "Hinay hinay lang wag kang mag alala ikaw lang ang kakain niyan." Natatawa niyang sabi "Pasensya na natakam lang ako." Pagpaumanhin ko.  Pagkatapos nun ay kumain na ako ulit pero dahan dahan na at hanggang matapos kami ay wala ng nagsalita. Agad din siyang umalis at sinabing may pupuntahan pa pero bago siya umalis ay sinabihan niya akong magpahinga na kaya naman dumiretso na ako sa kwarto at naligo pagkatapos ay nahiga na para matulog.  Third Person POV "Kailangang mawala siya hindi dapat matupad ang nakatakda at ang pangakong iyon magdudulot lang iyon ng isang malaking kapahamakan." Sabi ng isang matanda sa isang lalaki.  "Wag po kayong mag alala kung hindi ko mapapatay ang halimaw sisiguraduhin kong papatayin ko na lang ang babae." Sagot ng lalaki  At sabay silang tumawa dahil sa masama nilang balak.
--------------

Being Hunt By The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon