Joy's POV
5 days nadin ang lumipas. Okey na ang braso at paa ko. Kaya nagtraining ulit ako sa swimming. Konting practice pa at maaabot ko na ulit yung dati kong speed. Nasa pool area ako. Na kung saan ay ako lang mag isa.
"Mommy. Wag mong masyado pagudin sarili mo. Baka mabali yang buto mo." Pag lingon ko si Wilbert pala.
"Daddy paabot naman nu'ng towel." Inabot n'ya sakin ang towel.
"Wala kayong practice ng Volleyball?" Tanong ko.
"Mamaya pa kaya dito na muna ako." Ngumiti siya sakin.
Nagring ang phone niya.
"Sorry my. Alis na pala muna ako." Ngumiti lang ako at tumango.
Maya maya ay pumasok si Joseph sa pool area.
"Hindi ba dapat ka munang magpahinga?" Sabi niya. I mean more like tanong.
"Im Fine Now. No need to worry." Ngumiti ako sa kanya.
"Uhm may klase na ata kayo. Sumisilip na si Kuya Ken ei." Sabi ko sa kanya. Kuya Ken kasi tawag ko kay Ken David Montesa. Wala lang nasanay lang ako na kuya ang tawag sa kanya.
"Ahh. Sige Joy. Ingat ka." Ngayon lang ako kinausap ni Joseph. May part sa puso ko na masaya dahil kinausap niya ako.
After practicing. Tiningnan ko ang phone ko. 10:57 am. Nagbihis na ako sa formal uniform at hinanap si Patrick Manalo, Charly Lucas at si Sheb Zharrisse. Magpapractice kasi kami ng sayaw. Tinuturuan nila ako para maging better ako. "What is Love" ng twice ang na pili naming kanta. Ang cute kasi nu'ng step. Nag bell na. Ibig sabihin uwian na, lunch break na. Sa bahay kami today.
"Tara Kise." Sabi ko. Medyo hindi na ako nakakasama sa kanila kasi nagkaroon ako ng mga bagong close friends. I feel left out kasi pagkasama ko sila Kise ehh. Kaya ganun yung nangyari. Pagod na kasi akong maghintay na pansinin nila ako. Hindi sa lahat ng oras handa akong hintayin sila. Matuto silang makiramdam.
Minsan nga naiisip ko kung bestfriend ba talaga ang turing sakin ni Kise. Kasi feeling ko hindi niya ako tinuturing na bestfriend. Hindi niya kaya mag open sakin ng mga bagay bagay. May mga bagay na dapat kami ang gumagawa pero sila lang. At kay Zharrisse ko nahanap yun. Si Zharrisse kasi sakin siya nagsasabi. Sakin siya umiiyak. Parang kapatid ko na din siya. Sobrang close na kapatid. Samantalang kay Kise parang kapatid pero hindi ba kami yung close talaga. Kaya naisip ko na baka hindi bestfriend ang turing niya sakin.
Buti na lang talaga andyan na si Zharrisse. Siya lagi yung kasama ko. Minsan nga naiisip ko na iparamdam kay Kise yung nararamdaman ko kapag feeling ko mas pinipili niya yung mga bago naming mga kaibigan. Pero naisip ko. Mararamdaman niya kaya yun? O mas masaya siya kapag sa iba ako sumasama. Kaya yun si Zharrisse na yung lagi kong kasama. Nawawalan na ako ng time para kay Kise at Cloe. Masaya naman kasi sila kahit wala ako ei.
Hindi katulad dati na. Naghihintay lang ako na pansinin ako ni Kise. Ngayon, hindi ko na alam. Lagi niya na kasi ako iniiwan hindi katulad dati. Kaya pagtinatanong niya ako kung gusto ko ba sumama, sinasabi ko na lang na ayoko sumama kasi feeling ko magiging O.P nanaman ako sa kanila. Pero pag sila Zharrisse ang kasama ko. Masaya.
Nagbago na kasi lahat ei. Naiisip ko nga na palitan yung schedule ko na kung saan ay hindi ko classmate si Kise. Nu'ng grade 8 kasi kami hindi kami magkaklase pero close naman kami. Pero ngayong grade 9 na classmate ko na siya eh hindi ko na nararamdaman na bestfriend niya ako kaya ganun. O di kaya naman ay lumipat na lang ng ibang school. Ilang beses ko na napag isipan ang pag transfer sa ibang school. May part sakin na ayoko umalis dahil kay Kise at may part na gusto kong umalis dahil kay Kise. You know. BEST FRIEND ISSUES.
Minsan sa magkaibigan hindi nawawala ang tampuhan at hindi pagkakaunawaan. Pero hindi yun sapat na dahilan para ipamukha sa kanya na nagsisisi ka ba't mo s'ya naging kaibigan.
BINABASA MO ANG
Crush | Tagalog
RomansaMyghadddddd HAHAHAHHAHAHAHAHA... Sobrang bata ko pa nung sinulat ko toh. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA dalawa kasi account ko sa wattpad then I copy paste... Also i don't remember the password and username of that acc😅 pero I won't unpublish this book si...
