Joy's POV
Nasa Pilipinas na ulit ako. Ang daming nagbago. Kamusta na kaya si Wilbert. May girlfriend na yun.
"S H I N N N N N ! ! ! W E L C O M E B A C K!!!" Sigaw nila at may pa-banner pa.
Tumakbo ako papunta kayna mama at Kise. Wala na akong pakialam sa mga gamit na dala ko. Niyakap ko sila ng mahigpit at umiyak.
"Ma! Lola! Namiss ko kayo ng sobra." Niyakap ko sila.
"Kise. I Miss you so muchhhh." Niyakap ko din siya.
"Cloeeeee." Niyakap ko din siya.
Pagkatapos ng drama sa AirPort ay dinistribute yung mga pasalubong.
"Etong chocolates at laruan sa mga bata. Etong dalawang make up kit, kay Kise at Cloe. Etong mga T-shirt para sa mga barkada natin at pumili na lang sila. At yung iba kayo na ang bahala." Sabi ko.
"Eh pano itong Jordan na sapatos." Tanong ni Kise. Alam ko ang gusto niyang iparating.
"Basta." Ngumisi ako sakanya.
Kumain kami sa isang magandang restaurant at dun namin nakita si Wilbert at Sandy na nag uusap. Parang tumigil ang mundo ko nu'ng makita ko sila. Parang bumalik na naman yung sakit na naramdaman ko bago ako umalis ng Pilipinas. Akala ko naka move on na ako. Akala ko hindi na kikirot ang puso ko pag nakita ko siyang may ibang kasama. Akala ko kaya ko nang makita siya. AKALA KO LANG PALA. Tumakbo ako palabas ng restaurant pero bago ako makalabas ay nabangga ko ang isang waiter. Nabasag ang mga basong dala niya. Sa hindi sinasadyang pagkakataon pagtulong ko sa waiter. *slash nahiwa yung daliri ko.
"AHHH!!" Ang sakit pero mas masakit yung puso ko. May puso pa nga ba ako? O napulbos na.
"Shin-" hindi natapos ang sasabihin niya lumabas ako ng restaurant. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Biglaang bumuhos ang napaka lakas na ulan. Tumigil ako at nakarating ako sa park/plaza. Umupo ako sa basang damo at umiyak ng umiyak.
"Shin." Pinayungan ako ni Joseph. Niyakap niya ako ng mahigpit. Pero hindi padin nababawasan ang sakit na nararamdaman ko.
"Umiyak ka lang hangga't gusto mo." Dati akala ko si Joseph ay coldhearted pero ngayon ibang Joseph ang nakikita ko.
Nadun lang kami habang umuulan. Umiiyak ako. Akala ko kasi si Wilbert na yung tamang tao para sakin pero nagkamali ako. Maling mali.
Nasaktan ako kasi pinilit ko na maging tama ang mali. Naalala ko nanaman ang mga oras na magkasama kami. Lalo lang ako umiyak dahil sa mga alaalang yun. Masyado ko siyang minahal. Alam ko naman kasi na mahal n'ya padin si Sandy.
Grabe ang ganda ng mga nangyari sakin sa pagbalik ko.
New book! "My Hidden Wrath" English book po toh. My first brutal book here in wattpad. And salamat po sa mga readers and voters. Kaka publish ko pa lang po ng My Hidden Wrath.
BINABASA MO ANG
Crush | Tagalog
RomanceMyghadddddd HAHAHAHHAHAHAHAHA... Sobrang bata ko pa nung sinulat ko toh. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA dalawa kasi account ko sa wattpad then I copy paste... Also i don't remember the password and username of that acc😅 pero I won't unpublish this book si...
