Accident

185 11 0
                                        

Joy's POV
Nagtraining ako mag isa. Pag ahon ko nakita ko si Wilbert at ang GF niya sa may gate malapit sa locker. Parang nag aaway sila.

"Wilbert I'm sorry." Tama ba tong naririnig ko? Pumunta ako sa mga locker sa kabila ako dumaan para hindi ko sila maistorbo pero pag dating ko sa mga lockers nakita ko sila dun. Umiiyak si Wilbert at yung GF niya. Siguro may nagawa yung GF nya? Late ko na narealize na nakatitig ako sa kanila.

"Shit!" Napasigaw ako.

"Sorry naistorbo ko date nyo." Sabay takbo pero pag dating ko sa gilid ng pool ay nadulas ako. Hindi ako clumsy madulas lang talaga.

"Ahhhh!" Napasigaw ako sa sobrang sakit. Tumama yung kamay ko sa bakal at nahulog sa pool na walang tubig.

May naririnig akong tumatakbo. Pinilit kong tumayo para makita kung sino yung tao pero hindi ko kaya nabalian at paa at kamay ko.

"Mommy?" Si Wilbert pala yun.

"Dy! Andito ako." Tas nakita niya ako kaya bumaba siya.

"Bakit ka kasi tumakbo?" Sabi niya sakin na parang galit.

"Eh shempre maiistorbo ko kayo." Parang kinurit yung puso ko.

"Wala na kami." Ngumiti sya. Pero malungkot na ngiti. Alam kong mahal n'ya padin yung ex nya.

"Okay ka lang?" Tanong ko.

"Oo. Okey lang ako." Sabi niya.

"May balak ka naman siguro na tulungan ako diba?" Sabi ko sa kanya.

"Oo nga." Binuhat n'ya ako. What? Kaya n'ya ako? Sabagay kahit na mas matangkad ako sa kanya eh lalaki naman siya. Pero hindi ko maiwasan magblush.

"Okey ka lang? Ang pula ng mukha mo ei." Sabi niya.

"Malamang malamig yung sahig." Sabi ko. Hahaha palusot.

Dahan dahan niya ako itinaas sa tabi ng pool at sumunod siya at muli akong binuhat.

First time ko makakapunta ng clinic. Sabi nila gwapo daw school nurse namin. Koreano kasi yun.

Pagdating namin sa clinic nilapag niya ako sa bakanteng kama.

"Oh anong nangyari ba't basa yan?" Wow! Marunong magtagalog. At gwapo nga.😂

"Nahulog po sa pool na walang tubig." Sabi ni Wilbert.

"Pool na walang tubig?" Tanong ng guwapong school nurse. Mukhang magiging suki ako ng clinic ah.. Haha joke lang uyh. Hindi ako ganun.

"Opo. Magpapalit po kasi ng tubig yung isang pool ei." Sabi ko.

"Pano ka nahulog dun?" Tumingin ng masama sakin si Wilbert.

"Tumakbo po kasi siya." Tas tiningnan ako ng guwapong school nurse.

Ging-check up niya ako.

"May bali ang kamay at paa mo. I heard na ikaw ang panlaban sa swimming at running." Sabi niya habang nilalagyan ng benda.

"Uhm. Opo." Sabi ko at tumingin sa sahig.

"Baka by next week okey kana." Ngumiti siya sakin. At nakita ko sa desk nya ang name niya. Kim Seokjin. Wow. Pangalan palang gwapo na. Pero hindi ako mahilig sa gwapo eh.. Nilagyan niya ng benda ang braso at paa ko.

"Thank you po." Ngumiti si Wilbert sa kanya na parang hindi sila nagbreak ng GF niya.

Tinulungan ako ni Mr. Kim na umupo sa wheelchair. Wow ang bango😅.

Kung meron man po kayong gustong itama. Just comment po. Negative man or positive tatanggapin ko po ng buong puso.

Crush | TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon