Wilbert's POV
Pumasok ako sa canteen kasama si Raenier(Renren) at si Rainier(Renz). Pinsan ni Renren si Mommy(Shin) at pinsan naman ni Renz si Kyrst(Kise).Nakatulala lang si mommy hindi ko alam kung ano ang dahilan. Sa tabi niya ako umupo pero parang hindi niya napansin na umupo ako sa tabi niya kasi patuloy siyang nakatulala.
"Hoy? Sino iniisip mo?" Sabi ko. Nabigla ako sa sinabi niya.
"Ikaw." Sabi niya na parang bulong lang.
"Ano?" Nagtataka na tanong ko.
"Uy! Andyan ka pala dy." Ahh baka nagde-day dream.
"Oo. Kanina pa." Sabi ko sa kanya.
Eto nanaman siya nakatulala nanaman siya. Anong meron sa kanya?
Joy's POV
Kumuha ng pagkain si Wilbert. Ang sama kong kaibigan sa kanya. Kakabreak lang nila nu'ng GF n'ya tas eto ako nagde-day dream tungkol sa kanya. Tsssk. Nakita ko si Joseph nag tatawanan sila nina Ashly. Pero gusto ko padin si Joseph. Pero hindi ko alam kung sinong mas gusto ko."Mommy?" Nilingon ko si Wilbert(a.k.a Daddy)
"Okey ka lang?" Tanong n'ya sakin.
"Oo." Ngumiti ako sa kanya.
Kise's POV
Kanina pa ganyan si Shin. Hindi normal ang mga ikinikilos n'ya."Hoy!" Sigaw ni Cloe sa may tainga ni Shin.
"Uy! Ano ba?" Sabi ng gulat na gulat na si Shin.
"Kanina ka pa tulala my." Sabi ni Wilbert.
Pinapanganga ni Wilbert si Shin pero ayaw n'ya ibuka ang bibig niya.
Joy's POV
Pilit ako sinusubuan ni Wilbert."Sige na mommy." Sabi niya sakin.
"Ayoko kumain busog ako." Sabi ko.
"Sige ka. Magtatampo ako." Sabi niya.
"Eto na nga oh, kakain na." Sabi ko sakanya.
"Subuan kita." Sabi niya na nagpapacute.
"May kamay ako dy." Nakatingin ng masama samin yung GF niya. I mean ex-GF.
"Ayaw mo." Masama ang tingin niya sakin.
"Sabi ko nga magpapasubo na." Hindi mapigilan nila Kise at Cloe na tumawa nakisama na rin si Renren. Si Renz kasi ay kayla Joseph sumasama.
Sinubuan niya ako ng custard cake. Ang sweet niya naman. Pero wag Shin! Wag, hindi pwede. Kaibigan mo siya. Pigilan mo. Si Joseph na lang. Yun wala pang sabit.
"Shin?" Paglingon ko si Kuya Caleb pala.
"Uhm pwede tayong dalwa lang." Crush ko dati si Kuya Caleb pero ngayon hindi na. Close na pati kami pero pagkaming dalwa lang. Shy type kasi siya. Yung tipong sobrang tahimik at hindi mahilig makipagsocialize sa iba. Ang hirap kaya bago ko naging close si Kuya Caleb.
"May kailangan ka sakin Kuya Caleb noh?" Sabi ko sakanya habang nakataas ang isang kilay.
"Uhm pwede pahiram ng book?" Napakamot siya sa ulo.
"Opo. Dalhin ko bukas pili ka nalang." Sabi ko.
"Sige salamat." Ngumiti siya sakin.
Hinatid niya ako sa table namin.
"Sige Shin." Sabi ni Kuya Caleb at umalis.
"Hindi padin nagbabago si Kuya Caleb noh?" Sabi ni Cloe habang sinusubuan si Renren.
BINABASA MO ANG
Crush | Tagalog
RomanceMyghadddddd HAHAHAHHAHAHAHAHA... Sobrang bata ko pa nung sinulat ko toh. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA dalawa kasi account ko sa wattpad then I copy paste... Also i don't remember the password and username of that acc😅 pero I won't unpublish this book si...