Roof Top

85 8 0
                                    

Joy's POV
                 Pagmulat ko naka tingin sakin si Wilbert.

"Ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya at pumikit ulit.

"Wala naman. Kumusta kana? Madalas kang nag iisa ngayon ah." Sabi niya sakin. Naalala ko si Kise at Cloe.

"Okay lang. May time na kailangan ko rin mag isa." Muli kong ipinikit ang mga mata ko. May dumampi na malambot sa pisngi ko. Agad kong inimulat ang mga mata ko at nakita kong wala namang tao sa paligid ko.

"Panaginip lang siguro." Sabi ko sa sarili ko.

Umalis na ako sa roof top. Wala kaming training ngayon kaya may klase kami. Nag bell na. Simula na ang 1st period. Seatmate ko si Joseph sa Music Class.

"Bakit hindi ka pumasok kaninang umaga?" Ngayon n'ya lang ako kinausap.

"Late kasi ako nagising ei." Napalambot ako sa ulo.

"May kuto ka ba?" Tanong ni Joseph na parang natatawa.

"Uyyy. Wala noh." Sabi ko.

"Is there something wrong Mr. Anin and Ms. De Villa?" Nakataas ang isang kilay ni Sir V.

"None sir." Sabi ko at napakamot sa ulo.

"May kuto ka ba Shin?" Pati ba naman si Sir.😅

"Wala po sir." Nagtawanan yung mga kaklase ko.

So, kakanta kami next week at wala padin akong kapartner. Nagbihis ako ng pangkitchen. Guys! Pink! Pink ang gamit namin sa cooking class/T.l.e. Cooking na kasi kami ei. Nung grade 8 kami electricity. Grade 7 naman ay embroidery. Mahilig kasi si Sir Jin sa pink ei. So eto na tayo naka pink. Sabi niya samin ay " Lahat ng gagamitin natin sa cooking class ay pink. Kung wala kayong pink humanap na kayo ng bago n'yong magiging teacher." Oh diba saulo ko.

Fried chicken lang may mga pa ganyan ganyan pa pwede bang prituhin na lang yung manok. Bakit kailangan ng paminta, asin, toyo at kung ano ano pa.

Natapos na ang klase namin sa T.L.E or should we say cooking class since cooking na din kami. Sige, cooking class na tawag ko dun at hindi na T.L.E class.

Si Sir Hobi na ang teacher.

"Good Morning class. So today ay wala muna tayong klase kasi may meeting kami." Wow marunong pala magtagalog si Sir Hobi.

"Yes Shin. Marunong ako magtagalog." Mind reader ba si Sir?

"Hindi ako mind reader halata lang sa expression mo yung gusto mong sabihin." Sabi ni Sir Hobi sakin. Ako lang ang tumatawag sakanya ng Sir Hobi.

Lumabas na si Sir Hobi ng room. Pumunta ako sa library.

"Good Morning Mama." Binati ko ang mama ni Kise. Mama din kasi tawag ko sa kanya.

"Oh. Eto pinagtabi na kita ng libro." Sabi ni mama sakin.

"Thanks Ma." Pumunta ako sa isang bakanteng table. Nakahood at mask ako.

"Uhm. Pwede makiupo dito?" Pagtingin ko si Joseph pala.

"Sige." Iba yung boses ko kasi may sipon ako.

Ang gwapo niya kahit nagbabasa ng libro. Pumili ako ng isang libro sa mga binigay sakin ni Mama Lynlyn.

"Third eye." Binasa ko ang title.

"Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?" Tanong sakin ni Joseph.

"Uhm. Hindi naman Nok." Nokyo kasi nickname n'ya at ayaw n'ya na tinatawag syang ganun.

"Joy?" Hinubad ko yung jacket at ngumiti sa kanya.

"Opo." Ngumisi ako sakanya.

"Mommy!" Sinaway ni mama Lynlyn si Wilbert. Nakatingin sa kanya ng masama ang mga taong nasa loob ng library. Nagsorry naman siya.

"Mommy kain tayo sa labas." Pabulong n'ya sakin.

"Saan?" Tanong ko sakanya.

"Sa Vikings. Libre ko." Sabi niya.

"Tayong dalwa lang?" Tanong ko sa kanya.

"Oo." Sagot n'ya.

"Sige." Nagpaalam ako kay Joseph.

"Yieeeeee, si mommy gusto akong solohin." Tukso sakin ni Wilbert paglabas namin sa library.

"Pwede na bang umalis?" Tanong ko.

"Oo. Yayayain ba kita kung hindi pa pwede?" Sabi niya.

"Oo. Niyaya mo nga ako magcutting para manuod ng basketball ei." Tas tinawanan niya lang ako.

"Wala na tayong klase kasi may meeting ang mga teacher." Sabi niya sakin.

"Shin!"

"Kise."

"Uuwi kana?" Tanong sakin ni Kise.

"Hindi pa. May pupuntahan kami ni Wilbert ei." Hindi na kami nakakapagbonding nila Kise. Kasi madalas niyang kasama si Laiza at Cloe kaya sa iba na lang ako sumasama at dahil dun nasanay ako na hindi sila ang kasama ko lagi.

"Bert!"

"Uyyy Mark."

"Tara laro tayo." Anyaya ni Mark kay Wilbert.

"Bukas na lang. May pupuntahan kami ni Shin." Sa pagbanggit niya sa pangalan ko biglang sumaya yung atmosphere ko. Minsan lang kasi niya sabihin yung pangalan ko.

"Yieeee. Ikaw Bert huh. Dumadamoves ka kay Shin." Tukso ni Mark.

"Tara na mommy." Hinawakan niya ang kamay ko at may naramdaman nanaman ako na dati ay si Joseph lang ang nakakapagparamdam sakin.

Sometimes. Mare-realize mo lang na mahal mo ang isang tao pag sila na ang kusang lumayo sayo.💔 Truth hurts. Kadalasan kasi mata ang ginagamit sa paghahanap sa tinatawag nilang love. Thanks po kung na-catch n'yo yung ibig kong sabihin.

Crush | TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon