Alone

98 7 0
                                    

Joy's POV
                 Absent si Zharrisse at andun nanaman si Kise sa mga KAIBIGAN NIYA. I dont wanna bother kaya. Pumunta nanaman ako sa pool area. Sinamahan ako ni Wilbert dun.

"My parang mas bumilis ka." Sabi niya.

"Talaga?" Hindi kasi ako nagta-timer ei.

"Oo. Try mo kaya magset ng timer." Sabi niya sakin.

"Ikaw magset." Sabi ko tumango tango naman siya.

"Ready, get set. Go!" At nagdive ako sa tubig.

Pag-ahon ko.

"Diba 37.6 seconds ka dati?" Sabi ni Wilbert. Tumango ako.

"Ngayon ay 34.4 seconds na lang." Ngumiti siya.

"WILBERT! Bakit ba lagi kang andito sa pool area-" hindi natapos ang sinasabi ni Denver nu'ng makita niya kami ni Wilbert.

"Ayyy. My. Alis na ako." Sabi niya.

"Bye dy." Kumaway ako sa kanya.

"Mag isa nanaman ako." Sabi ko sa sarili ko. Puntahan ko kaya sila Kise? Tsssk. Wag na busy yun sa mga kaibigan niya. Wala na siyang time para sa best friend niya. Ang tanong. Bestfriend niya nga ba talaga ako?

"Shin!"

"Uyy Kise." Sabi ko ng walang gana.

"May practice pa ako sa Volleyball." Hindi ko na hinintay na sumagot siya at dali dali ako pumunta sa may locker para magbihis ng pang volleyball.

Pumunta na ako sa may volleyball court.

"Si Joy." Sabi ni Relyn. Setter namin si Relyn. Gusto ko maging Spiker pero libero palang ako. I need more practice.

"Joy!" Tumakbo palapit sakin si Missy.

"Hi! Sorry po busy ako sa swimming ei." Sabi ko.

"Okay lang yun." Si ate Rynce ang captain namin.

"So warm up muna tayo." Gumawa kami ng mga warm ups.

"Okay. 10 ikot sa basketball court." Wow pamatay.

After 2 hours tapos na ang practice sa Volleyball. Uwian na. Kinuha ko ang phone ko sa locker at tinawagan ang Lola ko na hindi ako uuwi. Nagpalit ako ng sweatpants at white T-shirt. Hindi ako kumain ng tanghalian. Dumiretso agad ako sa paractice room. Pinagtugtog ko ang BUTTERFLY by BTS. Umiiyak ako habang sumasayaw. Next na pinatugtog ko ay Just Right ng Got7. Inubos ko ang oras ko sa pagsasayaw. Nakakastress ang mga tao sa paligid ko.

Woooooooooh! Tapos na din ang exams. Sooo Good night na din madlang people. Pero mag-e ML pa ako eh. Share ko lang. Pinag-aaralan ko si Lancelot ngayon.

Crush | TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon