Hi guys! Ito po yung pinaka unang story ko.. Sana po magustuhan niyo. :)
Comments are highly appreciated (para alam ko kung ano yung gusto at ayaw niyo.)
Enjoy reading! God bless. :))
- I LOVE YOU, YOU HATE ME. -
~ I love her, but she hates me.. ~
Naranasan niyo na bang mahalin ng isang taong hindi niyo mahal? Di ba ang hirap kasi hindi mo alam kung paano mo sasabihin ang totoo nang hindi siya nasasaktan? Pero, di ba mas mahirap kapag dumating yung time na, mahal mo na siya, kaso hindi ka na niya mahal? Ang sakit non. Magulo ba? Haha. O sige basahin niyo na lang tong kuwento ko para maintindihan niyo. :)
Ang istorya nina Patricia Ariel Delos Reyes at Ray Arvin Montesa. Sana po magustuhan niyo. :))
CHAPTER ONE
WHEN I MET YOU
Tricia's POV
Ako nga pala si Tricia. 3rd year high school student ako sa CSSR. Hindi naman ako gaanong kapopular pero masasabi ko na marami ring nakakakilala sa akin. Simple lang ang buhay estudyante ko. Hindi ako masipag mag-aral pero matalino daw ako kaya nakakasama ako sa academic achievers. Naks. Haha. Tatlong taon nang tahimik ang buhay ko dito sa school na 'to...
Hanggang sa dumating ang araw na iyon. >.<
Nagbabasa ako noon dun sa isang sulok ng classroom nang biglang...
"Oi Isyang!" sabi ni Ina, best friend ko.
"Oh bakit Tinang?" sabi ko. Cristina kasi pangalan niya e kapag tinatawag niya kong Isyang tinatawag ko siyang Tinang. Hehe. Ansama.
"May fafa dun dali! Ampogeee!" sabi niya.
"Nako Cristina, pwede ba? Kelan pa ba ako nagkaron ng interes diyan?" sabi ko. Ang taray ng lola niyo! XD
"Transfer student! Kaklase daw natin! Ayii!" sabi ni Ina. Kilig na kilig ang luka.
"O ano ngayon? Para kang baliw diyan yun lang eh," sabi ko.
"Sus. Diyan ka na nga. Basta kapag nakita mo si fafaness wag ka maglalaway. Sakin na siya! Hmf. Babush!" Ayon. Lumayas na ang baliw. XD
Quiet time na ulit.
Tapos wala pang 5 minutes biglang...
"Ayan na siya dali! Ayan na! Waaaah!" sabi nung isa kong classmate habang nananakbo papasok ng room. Grabe, ano bang nangyayari sa kanila?
Then may biglang pumasok.
SH*T.
GRABE. Tao ba talaga to? Parang anghel na itinakwil sa langit sa sobrang kagwapuhan!
Oi Patricia anong nangyayari sayo? Umayos ka nga. Kadiri ka. Eeew.
Tapos pumasok na kasunod nung "angel" si Ma'am kaya bumalik na ako dun sa upuan ko.
"Good morning, class."
"Good morning, ma'am!"
Sus. Magbabasa na lang ulit ako nitong libro ko. Nakatungo lang ako pero naririnig ko pa rin yung sinasabi ni Ma'am.
"Class, as you can see, meron tayong new student. Makakasama na natin siya simula ngayon. Mr. Montesa, care to introduce yourself?" sabi ni Ma'am.
"Ah, eh. Good morning..." sabi nung anghel. Nakatungo pa rin ako, busy-busyhan
"Good morning din sayo!" sagot ng lahat ng kaklase kong babae. Grabe 'tong mga 'to. Lalaki lang e nagkakaganyan na.
"Ah. I am Ray Arvin Montesa. But you can call me Raven"
"Hi, Raven!" sabi ulit nung mga girl classmates ko. Grabe active na active sila ngayon ah.
Matangkad si Raven. Well, masasabi ko yun kasi 5'8" ako pero mukhang mas matangkad siya sakin. Maputi. Tsaka yung mga mata niya, ang ganda. Napaka-expressive. Tapos ang tangos ng ilong. Tapos kissable lips. Ooh lah lah. Tapos...
Oi Isyang pinupuri mo na siya. Tama na yan. Magbasa ka na lang ulit.
"Transfer student po ako from LSCA..." 'Di pa tapos magsalita si Raven ng biglang may nagtanong.
"Bakit ka nagtransfer?" sabi nung isa sa mga classmates kong mahadera.
"Ah, napalipat kasi dito work ng parents ko."
"Ok class, that's enough. You can get to know more about Mr. Montesa later. We'll start with the lesson now," sabi ni Ma'am
"Uh, ma'am, saan po ako uupo?" tanong ni Raven.
"O, right. I almost forgot. Ah, dun ka na lang sa likod sa tabi ni Ms. Delos Reyes since dun na lang may vacant seat."
Teka. WHAT?! Napatingin ako bigla sa kanila nung sinabi yun ni ma'am.
"Ok ma'am," sabi ni Raven. Ayan na naglalakad na siya papunta dito! Putek.
Tungo lang ulit Tricia. Wag mo pansinin.
"Uh, hi. Are you Ms. Delos Reyes?" tanong niya.
Tumango lang ako.
"Ah. I see. Tabi tayo ha."
Di ko na siya pinansin. Magbasa ka lang. Magbasa ka lang.
"Hi, I'm Raven. Ikaw anong name mo?" sabi niya tapos nakalahad pa yung kamay niya. Shakehands?!
"Ah. Tricia." Tapos inabot ko yung kamay niya. Nagshake kami saglit pero binitawan ko din agad.
Grabe ang lambot ng kamay niya! Nahiya naman yung kamay ko dun. Whew.
"Tricia. Nice name."
"Thanks." Yun lang tapos di na ulit kami nag-usap.
[riiing]
Ayos. Recess na. makakalayas na ko dito. Pinuntahan ko agad si Ina.
"Oi Tinang kaen tayo."
"Waah! Isyang! Ang suwerte mo day! Katabi mo si fafa!"
"Ano naman? Yun lang eh. Gusto mo palit tayo upuan."
"Ahai. Gusto ko yan sister! Kaso hindi pwede."
Napatingin ako bigla sa kanya.
"Ha? Bakit?" tanong ko.
"Eh kasi po permanent seat na daw yan. Bawal lumipat. ;P"
WTF?!
Permanent seat? Jusko. Buong school year ako magtiis na katabi yun? Oh my gosh help me!
"O Isyang bakit namutla ka ata?"
"Ha? Wala ah. E alam mo naman na ayaw ko katabi yun."
"Sus. Bakit naman? Crush mo si papa Raven no? Yihee."
"Hindi no! Kelan pa ko nagkaroon ng interes sa lalaki?"
"O siya sige na. Hindi na nga po," sabi ni Ina tapos ngingiti-ngiti.
"O bakit ngingiti-ngiti ka dyan?"
"Tingnan mo si Raven o. Nakatingin sayo."
Napalingon naman ako. Abah nakatingin nga ang loko! Sh*t ang gwapo!
Tumalikod ulit ako.
"Oi Tricia bakit ka namumula? Haha. Asus."
"Cristina tigilan mo ko ha! Samahan mo na nga lang ako sa CR." Tapos hinila ko siya palabas ng classroom.
BINABASA MO ANG
I love you, You hate me.
Teen FictionThis is the series of Raven and Tricia's love-hate story. comment. vote. and continue reading and suppporting. thanks! God bless. :)