IIWTB6

89 4 0
                                    

Kristhel Minatozaki

8:30 na ng umaga ngayon at naghahanda ako para sa pag punta ko sa bahay ni Ms.Chou, Kundi lang para sa project di talaga ako pupunta dun eh! Lalo't andami ko nang kahihiyan na nagawa dun hyss..

Una ung pag init at pamumula ng mukha ko nun nung pumunta kami sa room nila, Sunod ung pagkasira ng kotse ko shemay un eh di nakisama hays! Sunod naman ung pag tingin ko sa legs niya pano ba naman kase diko maiwasan lalo't ang ikli ng palda namin sa school. Kung ano ano pang palusot ang sinabi ko dun, Sobrang nakakahiya idagdag mopa ung pag titig ko din sa labi niya, Kaya diko din siya masisi kung Pervert tawag niya sakin eh.. Ok lang naman gandang pervert naman eh Hahahaha..

Naisipan kong itxt siya dahil alam ko naman na ang number niya, Binigay niya sakin kahapon pero ttxt ko padin para sabihin na papunta nako at siya dapat ang sumalubong sakin sa bahay nila kasi nakakahiya kung iba pa eh. Hehehe

+6399933*****

Papunta nako jan, Ikaw ung sumalubong sakin sa bahay niyo pls? Nakakahiya kasi kung iba pa eh.

Message sent.

Sinaved ko nadin ung number niya kasi pagod nako kahapon kaya dinako nakapag save ng number. Mga ilang segundo pa nag reply naman siya, Bilis ah..

(1) MhailaChou

Ang arte mo pervert! Sige ako nang bahala basta mag txt ka sakin kapag nasa tapat ka na ng bahay namin.

Ewan ko ba pero parang dina kumpleto ang araw kapag diniyako natatawag ng Pervert hays.. Baliw nako! Humarap na muna ko sa salamin para makita kung ayos naba porma ko at nang makuntento naman ako bumaba nako para kumain muna, Diko na nireplyan si Ms.Chou baka kung ano ano pa sabihin nun sakin. Pumunta nako sa kusina at nadatnan ko naman dun si Mommy san kaya si dad?

"Goodmorning Mom"- Ngiti kong bati kay mommy at lumapit hinalikan sa pisnge.

"Goodmorning din sweetheart, Bihis na bihis ang anak ko ahh.. May date ba?"- Pang aasar ni mom sakin, As if naman na meron mag dadate sakin hays.

"Wala po mom, Gagawa lang po ng Project sa bahay ng kaibigan ko"- Ngiting sagot ko dito at umupo na sa tabi niya.

"Akala ko may date ka anak eh Hahaha.."- Tawang sabi ni mom habang sinasalinan ako ng pagkain sa plato, Hys si mommy talaga.

"Hahaha... Mom naman saka nayang date nayan, By the way mom san si dad?"- Takang tanong ko kay mommy.

"Maagang umalis anak, Sunod sunod daw kasi ang meeting nila By the way sweetheart Ok na pala ang kotse mo nasa garahe na"- Sagot naman ni mom kaya tumango tango nalang ako.

Nang matapos ako sa pagkain nag paalam nadin ako kay mommy at nagpasalamat mabuti naman at naayos na kotse ko, Pumunta nako sa Garahe kung nasan ang kotse ko pagkapasok ko chineck ko muna ang oras sa cellphone ko 9:00 na pala, Nakita ko din na may txt nadin si Ms.Chou

(2) MhailaChou

Papunta kanaba?

What the hell!! Where are you now Pervert? Masyado akong maganda para pag intayin mo!!

Napabuntong hininga nalang ako sa hangin ng mabasa ko mga txt niya, Dinako nag reply niyan ah! Dinako nag abala pa na replyan siya at pina andar kona ang makina at umalis nakakahiya naman kasi sakanya eh.. Papasok ko na sana ang kotse ko sa loob ng subdivision kaso may pumara na guard sakin dahilan na hininto ko muna ang kotse atsaka ibinaba ang bintana

"Ma'm san po kayo pupunta?"- Tanong ni kuyang guard habang nakayuko para makita ako, May edad nadin siya mga 50+ ganun.

"Pupunta lang po sana sa kaibigan ko"- Sagot ko naman dito.

I'm inlove with that Bitch (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon