IIWTB1

318 6 0
                                    

Kristhel Minatozaki

"Sweetheart Goodmorning, Gising na its all ready 5:30"- Rinig kong sigaw ni mommy sa tapat ng kwarto ko, Shocks may pasok pala ako napasarap ang tulog ko.

"Sige po mom, Gising na Goodmorning din po"- Ganting sigaw ko, Hyss... Sweet talaga ng mommy ko, Agad akong bumangon sa pag kakahiga at nag asikaso ng susuuting uniform. Pagkaayos ko pumunta na agad ako ng cr, Shemay dipako nag sstart pero ramdam ko na ung lamig, Wag nalang kaya akong maligo, Charr... Hahaha

After 30 minutes natapos nadin ako sa pag ligo, Ok lang naman na matagalan kasi 6:30 pa naman ung laging alis ko dito sa mansyon, Then ang start ng class is 7:00 so malapit din naman dito ung university na pinapasukan ko kaya ok lang na mag pabebe ako hahaha.. Djoke.

Humarap muna ako sa salamin para macheck kung Ok lang ang itsura ko, Di naman kagandahan pero may pagmamalaki naman kahit onti hahaha.. Yabang koba? Humble na ngako eh, Charrottt.. Nang masigurado ko nang ok na mukha ko agad akong bumababa para puntahan si mommy kung san sila naroroon, Pag punta ko ng Kitchen ngiti agad ni Mommy at Daddy ang sumalubong sakin, Gandang bungad para sa umaga right? Sana ganito lagi, Pano kasi lagi silang wala dito, Laging out of the country sila for our business... Di naman sila nag kukulang ng time sakin, Kahit na nasa ibang bansa sila lagi silang tumatawag at chinecheck kung ok lang bako or what, Naiintindihan ko naman sila and i know para din sakin yun...

"Goodmorning my princess"- Bati sakin ni dad at pumunta naman ako sakanya para halikan siya sa pisnge.

"Goodmorning sayo sweetheart"- Bati din sakin ni mommy kaya sumunod na pumunta ako sakanya at tulad ng kay dad hinalikan ko din siya sa pisnge. Ang sweet nila diba? I love them so much.

"Goodmorning din po My king and My Queen"- Ngiting bati ko sakanila at sabay bow, Nag sitawanan naman sila sa ginawa ako, Actually kahit ako natawa Hahaha...

Umupo nako sa tabi ni mom at pinaghanda na ko ng pagkain, Ganyan talaga si mommy gusto niya siya ang nag lalagay ng pagkain ko kaya minsan kapag wala sila? nakakalungkot din syempre pero sabi ko nga kanina naiintindihan ko sila hyss.. Kaya sinusulit ko ung time na nandito sila. Pag ka tapos akong sandukan ni mom, Agad akong lumapang shems i'm hungry bat ba? At napansin ko nalang na pinag mamasdan ako nang mga magulang ko dahilan na napahinto ako sa pagkain.

"Mom Dad bat po? May dumi po bako sa mukha? Hehehehe"- Pabirong sabi ko habang nakangiting nakatingin sila sakin.

"Para ka padin kasing bata anak, Youre so cute, gutom na gutom ka eh, ano bang pinag gagawa mo sa dreamland mo kanina at nagutom ka ng ganyan Hahahaha..."- Birong saad ni Mommy, Nakakaloka sila hahaha..

"Sorry mommy hahaha gutom lang po talaga ako"- sabi ko naman at ngiti

"Kahit kain ka ng kain ang sexy mo padin anak ko, Mana ka talaga sa mommy mo sexy na maganda pa"- Pangbobola samin ni Daddy, Paglingon ko kay mommy agad niyang hinampas si daddy sa braso at halatang kinikilig.

"Ano ba Alejandro napaka bolero mo talaga kahit kailan, At kanino pangaba mag mamana ang anak natin kundi sakin"- Pang aasar na saad ni mom, Ang kulit nila parang mga teen ager pa hahaha..

"Kaya nga napaka swerte ko at meron akong Reyna at Prinsesa na napaka gaganda, Hindi biro yan hon totoo yan"- sabay wink niya kay mommy Hahaha.. Ang gwapo talaga ni daddy kapag nag wwink, Kaugalian talaga niya un kapag bumabanat kay mommy ng pangpakilig at never pa siyang binigo nito, Dahil simula daw nang magkakilala sila ni mom at naging sila ang wink daw talaga ni dad ang kahinaan niya Hahahaha...

"Naniniwala naman ako jan hon, Iloveyou"- Ngiting sabi ni mommy kay dad. Ang PDA nila grabe hahahaha..

Pero sana kung mag kaka asawa man ako is yung katulad ni dad, Na kami lang ni mommy masaya na siya.

"Iloveyoutoo honey"- Ngiting ganti ni dad kay mom, Hyss.. sila na may lovelife, Charr di naman ako nag mamadali sa ganyang bagay. Hanggat wala pang binibigay si God, Focus muna ko sa Study.

"Ang sweet niyo naman dad and mom, Baka naman langgamin tayo niyan dito Hahahaha"- Pabirong sabi ko sakanila, Pero shemay si dad naging seryoso ang mukha why??

"Eh ikaw Kristhel anak, Kailan mo balak mag Boyfriend or Girlfriend? Kamusta kayo ni paul? ung manliligaw mo?"- Seryosong sabi ni dad na ikinatahimik ko, At si mom naman tuloy lang sa pagkain at nag aantay sa isasagot ko.

"Huh? Dad bat mo naman po natanong yan? and hahaha bat din po may Girlfriend pa? Ok lang naman po dad and dipapo ako handa na sagutin siya dipa po ako sigurado sakanya eh"- Nakakapag taka kasi eh, Si dad? bat may Girlfriend na nasama, Anung ibig sabihin niya dun? Si mom naman nakain padin at nakikinig lang samin ni dad.

"Alam mo naman na support kami sayo ng mommy mo sa lahat ng desisyon mo right? Kaya anak gusto ko lang sabhin sayo habang maaga pa na mahal na mahal ka namin at kahit ano ka pa man tanggap ka namin"- Huh? si dad bat ganyan? naging seryoso, Hahaha and bat ganyan pananalita niya? Hala? Baka akala niya baliko ako? I'm 100% straight kaya.

"Dad thankyou, Mahal na mahal ko din po kayo ni mom.. Higit pa sa alam niyo, Pero dad? akala niyo poba na may pagkabaliko ako?"- Kunot noo kong tanong pero sa pagkakataon nato nag salita na si mommy.

"No anak syempre hindi, Di din kasi natin masasabi ang susunod na mangyayari kaya incase na maging part ka ng LGBT anak ngayon palang suportado ka namin ng daddy mo, Ayaw namin na lumayo ang loob mo samin dahil nag iisang anak ka namin at ayaw namin ng daddy mo na malayo ka sa piling namin"- Mahabang litanya ni mommy, Napakaswerte ko talaga sakanila, Thankyou lord.

"Ganun poba? Salamat mommy daddy, Dabest talaga kayo, And yah mommy incase na magkaron ako ng Bf/Gf sasabihin kopo sainyo agad Iloveyou both"- Lambing na saad ko sakanila, After ng mga ilang minutes natapos nadin ako sa pagkain ako and time check 6:32 na and sakto aalis nadin ako, Agad akong tumayo at sinabi saknila na aalis nako, Agad ko silang hinalikan sa pisnge at nag paalam na.

Agad akong pumunta sa garahe kung nasan ang kotse ko, Yah 18 yrsold palang ako may kotse nako, Sabi kasi ni dad kailangan matuto nako para di nako mahirapan sa susunod, Sumakay nako sa kotse at sinimulan ng paganahin ang makina, After 20 minutes nakarating nadin ako sa University kung san ako nag aaral, Mabilis lang ang byahe kaya mabilis akong nakarating.

Pagbaba ko ng sasakyan may agad na yumakap sakin, Ang dalawa kong Bestfriend si Lalaine Yoo at Ariane Im kakaibang mga apelyido no? Dipaba kayo nag taka sa apelyido ko muna? Hahaha, Sila ay pure korean at i'm pure japanese, Pero lahi doesn't matter Hahahaha..

By the way, I'm Kristhel Minatozaki 17yrsold. Grade12 nag aaral sa CM University and I'm pure japanese pero nandito ako sa Pilipinas dahil 9yrsold palang ako napagdesisyunan na nila dad na dito nako pag aralin dahil dito sila nag kakila ni mommy, Nung una nahirapan ako sa mga tao dito dahil first sa language. Pero natutunan ko din naman agad makisama at ayun para nadin talaga akong pilipino di sa mukha kundi sa gawa, Kaya mahal ni dad ang Pilipinas kahit na taga japan siya, Ang sweet talaga ni dad, At dahil sa pag paglipat namin dito napa aga din ang pagpasok ko sa larangan ng pagmomodelo kaya medyo kilala ako dito sa pilipinas, Pero guys dipo ako hambog ah Hahaha.. Thats all Thankyou charr.

-----
A/N: Sana magustuhan niyo guys sorry first time ko tong mag sulat kaya pagpasensyahan niyo na kung may typo, And pleass Vote and Comment. Iloveyou all.

- Missehm♡

I'm inlove with that Bitch (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon