Zero's POV
This is the day of my 15th birthday and also my mother's 15th death anniversary. Madaling araw pa lamang at madilim pa sa labas.
Kakagising ko lang dito sa kwarto ko sa bahay ni tita Lisa.
At ang nakagising sa akin ay ang sigawan mula sa kwarto nina tita Lisa at tito Sehun.Hindi ko muna binuksan ang ilaw ng kwarto ko at dahan-dahang lumabas ng kwarto at tumungo sa may pintuan ng kwarto nina tita Lisa.
Itinapat ko ang tainga ko sa may pinto ng kwarto nila at mariing pinakinggan ang pinagtatalunan nila.
"Sehun bakit!? Bakit mo nagawa ang bagay na yun!?"
Umiiyak na sabi ni tita Lisa kay tito.
"Ano ka ba Lisa? Hindi natin siya anak at hindi natin siya kaano-ano. Delikado pati kung mananatili pa siya rito sa pamamahay natin!"
Paliwanag pa ni tito at napagtanto kong ako ang dahilan ng kanilang pagtatalo.
"Delikado talaga dahil sinabi mo sa gang na nandito si Zero."
Sa gulat ko ay napaatras ako at natabig ang isa sa mga flower vase.
Umatras naman ako palayo ng pintuan at bumukas na ang pinto ng kanilang kwarto.
Kaagad namang lumapit sa akin si tita Lisa.
"Zero you have to go now. Paparating na sila."
Sabi ni tita Lisa at kita ko naman na pailing-iling lamang si tito Sehun.
Mag-iimpake pa sana ako ng biglang may isang itim na kotse ang tumigil sa tapat ng bahay.
"Go!"
Sigaw ni tita Lisa kaya kaagad na akong lumabas sa may pinto sa likuran ng bahay at tumakbo ng napakabilis palayo sa bahay.
Medyo natanaw ko pa na pinasok na ng tuluyan ng mga lalakeng nakaitim ang bahay nina tita Lisa.
Sana maging maayos lang si tita Lisa.
Sa aking pagtakbo ay nakita ko pa si Kai na nakitakbo na rin sa akin.
"Sa ilalim ka ng tulay tumungo, mas ligtas doon."
Sabi ni Kai at bigla ng naglaho sa aking patuloy na pagtakbo.
Kaagad ko naman siyang sinunod at tumungo sa ilalim ng tulay.
Hingal na hingal ako at pagod na pagod sa pagtakbo.
Ano ng gagawin ko ngayon? Saan na ako tutuloy? Sino ba ang nga taong yun? Yun ba yung gang na sinasabi ni tita Lisa na iwasan ko?
Bigla namang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa pala ng jacket na suot ko.
Tumatawag si tita Lisa. May pag-aalinlangan man ay sinagot ko pa rin ang tawag.
"Hello? Tita Lisa?"
Tanong ko sa kabilang linya.
"Wala dito ang tita Lisa mo Zero."
Sagot ng isang lalake sa kabilang linya.
"Nasaan si tita!? Huwag niyo s'yang sasaktan!"
Sabi ko sa lalakeng kausap ko at tumawa lamang siya ng malakas sa aking sinabi.
"Kung gusto mong mabuhay pa ang tita't tito mo pumunta ka sa address na ite-text ko sayo. At kapag sa loob ng isang oras at wala ka pa rito papasabugin ko ang ulo ng tito't tita mo."
BINABASA MO ANG
Rise Of The Fallen [HIATUS]
Fantasy[ Sons and Daughters of Satans Children, and Demigod's 3rd generation | Fallen book #2 | Tagalog storyline ] • Book Cover by Suhoberrie • Creating a world where the fallen will arise with the angels from above. Demigods and demons will collide, but...