Zero's POV
"Alam mo pala ang usapan namin ni Gwendolyn?"
Tanong ko kay Lowell.
"Oo. Ang totoo'y kasabwat niya ako sa planong ipaalam sayo ang mga sikreto ng eskwelahang ito."
Sabi nito at tumango na lamang ako sa kanya.
Nandito na kami ngayon sa harap ng lab ni dr. Matthew pero wala naman 'tong katabing classroom na ipinagtaka ko.
"Saan tayo?"
Tanong ko at bigla na lamang niya akong itinulak sa may saradong pinto ng lab ni dr. Matthew kaya napahiyaw ako dahil akala ko'y babangga ang mukha ko sa may pintuan.
Pero laking pagtataka ko ng imulat ko ang aking mata dahil nasa ibang silid na kami. Pagtingin ko naman sa likod ko ay nandoon si Lowell at malawak na pader lamang ang nasa likod niya.
"Mabuti naman at nandito ka na."
Sabi ni Gwendolyn at nakita kong may kasama pa siyang tatlong estudyante at isang teacher.
"Ako nga pala si Dr. Matthew, isa akong professor sa eskwelahang ito."
Sabi nito na medyo nangangarag pang magsalita at nakipagkamay sa akin.
"Ako naman si Jules Samonte. Ito naman si Miles Samonte kapatid ko, at Hadley Cooper kaibigan ko. Kaming tatlo ay nanggaling sa Sun Dormitory"
Pagpapakila sa akin ng babaeng may maikli na buhok na kulay abo sa kapatid niyang lalake na may kulay abo rin na buhok at medyo kaliitan at sa kaibigan niyang kulot ang buhok na may salamin sa mata.
( Si Jules ang babae, si Miles ang lalake. )
"Nice to meet you Zero."
Nakangiting pakikipagkamay sa akin ni Miles at ganun na rin si Hadley.
"Bakit kayo nagtitipon dito? Hindi ba ito ipinagbabawal sa academy?"
Tanong ko sa kanila.
"Ang totoo'y bawal talaga itong ginagawa namin. Kami lang anim ang nakakaalam nito, at ikaw pa."
Sabi ni Hadley na nakangisi sa akin.
"So, ano na nga ba talaga ang dapat kong malaman sa eskwelahang ito?"
Tanong ko sa kanila at nagkatinginan sila sa isa't isa.
"Well, may kapalit lahat ng impormasyong maibibigay namin sa iyo. Madali lang naman."
Paliwanag ni Gwen sa akin.
"Ano ba ang kapalit?"
Tanong ko.
"Simple lang, join us."
Sagot ni Jules habang inosenteng nakangiti sa akin.
"Wait! Sino ba kayo? Bakit kayo bumuo ng ganitong samahan?"
Tanong ko dahil baka isang kulto ang mapasukan ko ng hindi ko alam.
"Kami nina Lowell, Jules, Miles at Hadley ang kasama sa Fallen 7 from the Star Dormitory."
BINABASA MO ANG
Rise Of The Fallen [HIATUS]
Fantasy[ Sons and Daughters of Satans Children, and Demigod's 3rd generation | Fallen book #2 | Tagalog storyline ] • Book Cover by Suhoberrie • Creating a world where the fallen will arise with the angels from above. Demigods and demons will collide, but...