Chapter XI - Propesiya

30 3 1
                                    

Xiera's POV

"Xiera can I have a moment with you for a second?"

Paggambala ni Marco sa pag-uusap namin ni Allesa dito sa may Clinic ng Academy.

"Ang mga bata, natutuklasan na nila paunti-unti ang mga nangyayare."

Pabulong na sabi sa akin ni Marco.

"Maayos na yan, kaysa maging mangmang sila sa mga totoong mangyayari. Basta ang utos ko lang sayo ay ang bantayan mo sila. Alam kong meron sa kanilang spy ni Professor Snake, alamin mo kung sino yun."

Pag-utos ko dito.

" Nga pala, ang tungkol sa propesiya."

Sabi niya at pinandilatan ko siya ng mata. At kinausap niya ako sa isip na kailangan na naming pag usapan ang tungkol dito.

Kaagad naman kaming nagtungo sa opisina ng mga demigods dito sa Academy upang pag usapan ang bagay na yun.

Tiniyak naman niyang walang ibang tao dito o kahit na anong bagay o hayop man na makakakinig sa aming usapan lalo na't alam naming naraming espiyang ahas si Snake.

"Ano na bang balita kay Zero?"

Tanong ko kay Marco.

"He's doing fine, I think hindi pa naman niya natutuklas ang kanyang abilidad base na rin sa mga kinikilos niya. At wala naman siyang palya sa pag-aaral dito, nakakahabol naman siya sa mga gawain."

Napabuntong hininga naman ako sa sinabi ni Marco.

" Tandaan mo hindi dapat malaman ni Snake ang tungkol sa kakaibang abilidad ni Zero. Sinabi ko na rin to kay Clark at Scarlet. Pero kailangan mo pa rin siyang bantayan. Ayaw kong mangyari sa kanya ang nangyari kay Cale."

Paliwanag ko kay Marco at alam kong maaasahan ko naman sa ganitong gawain si Marco.

"Siya nga pala, si Heather bantayan mo rin siya. Alam kong hindi pa nakakakilos si Snake dahil hindi pa siya sigurado kung sino ba talaga ang nasa propesiya. Kailangang malito si Snake kung sino kayna Zero at Heather ang nasa propesiya."

Sumeryoso naman si Marco sa aking mga sinabi.

" Between the coalition of demons and angels a supreme will be against it. The heaven will be divided and a war will emerge. Only the power of the One who can see the souls can stop the power of the Supreme and bring back the union.

At ang nagsabi ng propesiya na yan ay si Cale mismo at buti na lang sinabi niya ito kay Xyrra."

Sabi ni Marco.

" Pinagkatiwalaan din ni Cale si Snake, sinabi niya rin ang propesiya sa kanya. At sa di niya inaasahang pangyayari ay pinatay siya nito not knowing na kahit sino naman siguro ang makapakinig ng propesiya na yun ay si Cale ang iisiping the One. "

Paliwanag ko habang pinag iisipan muli namin ang mga pangyayare upang mapagdugsong-dugsong ito lalo na't nagbabadya na ang blood moon and not only that.

Ang sinasabing 3rd Holy War na magaganap.

"Kakausapin ko na lamang si Zero kapag natuklasan na niya ang kanyang kapangyarihan. Kailangan din niyang malaman ang lahat."

Rise Of The Fallen [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon