Chapter XIII - Black Entities

51 3 0
                                    

Zero's POV

"Ano yun?"

tanong ni sir Marco sa akin.

"Ahmm..."

tumingin-tingin muna ako sa paligid kung may tao pa ba at saka nagsimulang nagsalita.

"You already know about the prophecy?"

tanong niya dahil ang bagal kong magsalita kaagad dahil hindi ko pa rin alam kung paano ko ba tatanungin sa kanya ang lahat ng gusto kong malaman.

"Yes at paano mo nalaman na ako ang nasa propesiya? Kaya mo ba ako iniligtas noong araw na yun dahil alam mong ako?"

Hindi siya kaagad nakaimik sa tanong ko.

"Well the truth is kami lang ni Xyrra ang tanging nakakaalam noong panahong iyon na ikaw nga ang nasa propesiya. Kaya ng makita kong namatay ka na sa sinapupunan ng nanay mo ay binuhay pa rin kita."

Paliwanag niya sa akin.

" Pero bakit hindi mo nailigtas ang mama ko?"

Tanong ko sa kanya dahil kung nabuhay niya ako noon ay bakit hindi niya pa isinama si mama.

"Binuhay lang kita kapalit ng buhay ng mama mo."

Nagulat ako sa sagot niya ibig-sabihin lang non ay may tsansa pa talagang mabuhay si mama pero ipinagpalit niya ito para sa buhay ko.

"Alam ba ni mama na magkakaganito ang buhay ko? Na ako ang nasa propesiya na tinutukoy niyo?"

Tanong ko dahil baka may alam talaga si mama tungkol sa mga nandito sa mundong ito.

"You're mom is a mortal so wala talaga siyang alam sa mga kung ano mang nandito."

Tipid niyang sagot.

"Pero ang papa ko. Kilala mo ba siya? Nakita mo na ba siya?"

Tanong ko at nagulat kaming dalawa ng may biglang pumasok sa pinto.

"Sir Marco!"

Sigaw ni Summer na mukhang tinakbo pa ang pagpunta dito dahil sa  hingal na hingal siya. Napatingin naman ito sa akin at saka kay sir Marco.

"Sinasalakay po tayo ng mga black entities."

Sabi nito at parehas kaming nagulat ni sir Marco.

" What? Totoo!?"

Sabi ni sir Marco dito at kaagad na lumapit sa bintana at iginilid ang mga kurtina na makikita ang labas ng academy.

Kaagad naman naming nakita ang mga black entities na mabilis na palibot-libot sa academy.

Napatingin pa nga sa amin ang iba dito. At talagang nakakatakot pa rin ang mga namumula nilang mata.

"Mukhang may takot pa rin naman pala sila sa mga grim reaper."

Sabi ni Summer habang nakikipagtitigan si sir Marco sa kanila at umiiwas ang mga ito sa titig nito.

"Si Xyrra!"

Sigaw ni sir Marco at kaagad na umalis papunta sa clinic na kaagad din naming sinundan ni Summer.

"Lahat ay mag-ingat sa mga black entities wala tayong ibang magagawa kundi ang puksain sila. Bantayan niyo ang isa't isa at magtulungan. Huwag kayong titig sa kanilang mga mata."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rise Of The Fallen [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon