Chapter VIII - PE

60 4 1
                                    

Zero's POV

Nagtuturo si ma'am Reina ng tungkol sa kahalagahan ng pag-iibigang magkakapatid.

"We are all sister's and brother's by faith. And God wants his children to love and care for each other."

Paliwanag ni ma'am Reina at halata sa iba kong kaklase na ayaw nila ang subject na ito dahil siguro boring at tungkol lamang sa pagiging mabuting tao- este kung anomang uri ng nilalang.

"Kaya nga mahigpit na ipinagbabawal ang pakikipag-away sa loob ng academy. Alam ko namang hindi ito maiiwasan, pero paalala lang. Mabigat ang parusa sa mga nakikipag-away. Am I correct Mr. Lowell Mendez?"

Nakangiting sabi ni ma'am Reina nang makalapit ito sa lalake na nasa likod ko na nagdo-drawing lang ng kung ano-ano sa notebook na nasa harapan niya.

"Yes ma'am."

Nakangiti pang sabi nito kay ma'am Reina at sinarhan na ang notebook na dino-drawingan niya.

Lowell Mendez pala ang pangalan ni Mr. Kpop Idol na siga.

"Hmmm! Okay miss Gwendolyn Diaz, miss Heather Williams and mister Lowell Mendez. Alam kong may pinagtatalunan kayo sa iba niyo pang kaklase. Can you explain to us kung ano bang ipinaglalaban niyo?"

Nagulat ang lahat sa sinabi ni ma'am Reina.

Napatungo na lamang ang babaeng nasa unahan ko at napataltak pa si Lowell.

Si Heather naman ay pachill lamang na nakatingin kay ma'am Reina.

"I'll give you the first warning. Kapag naulit pa ang mga pakikipagtalo niyo sa pangalawang beses ay mapapaguidance na kayo, sa pangatlo ay sa principal's office na kayo at may free suspension pa, at sa pang-apat whoosh!"

Sabi ni ma'am Reina na may pag-akting pa na may pinakawalan sa kanyang kanang kamay.

Medyo ikinatawa naman namin iyon pero, pinigilan na lang namin dahil hindi ito ang tamang oras para tumawa.

"Expelled na kayo sa academy, maybe a year or forever."

Sabi ni ma'am Reina na idinilat pa ang mata sa tatlo na lalo pang nagpatawa sa buong klase.

Kahit ang tatlo ay pinipigilan ring makangiti man lamang sa inaakto ng titser.

Medyo maypagka-teenager talagang umakto 'tong si ma'am Reina at halatang-halata ko na yun simula ng makita ko siya.

Tumunog naman ang kampana na ikinahiyaw ng lahat.

Mukhang kanina pa talaga nila gustong-gustong makalabas sa classroom na ito.

"Okay! That's all for today, goodbye class!"

Tumayo na kami at nagkanya-kanya na ng alis sa classroom.

"Goodbye ma'am Reina!"

Bati ng ilan sa mga estudyante na napadaan sa harap niya.
Ngumiti naman ako kay Ma'am Reina ng mapadaan din ako sa harapan niya at ngumiti din naman siya.

"Zero pwede bang hintayin mo na muna ako dito, pupunta muna ako sa CR. Naiihi ako."

Pagpapaalam ni Heatherat halatang ihing-ihi na siya dahil naglalakad pa rin siya sa harap ko pero hindi umaalis ng pwesto.

"Hihintayin kita! Sige na! Baka mapaihi ka pa dito sa hallway."

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko pero kaagad ring umalis at kumaripas ng takbo papunta sa CR.

Rise Of The Fallen [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon