Chapter I - Zero

106 7 0
                                    

Zero's POV

One more day and it will be nine years since I've met that mysterious person called Marco Smith. At simula ng araw na yun ay naging kakaiba na ako sa lahat.

Nandito ako ngayon sa bahay kasama si tita Lisa, siya pa rin naman ang tumatayo kong magulang ngunit nung nakaraang taon lamang ay may ipinakilala siya sa aking lalaki.

Si tito Sehun na nakatira na rin ngayon dito sa bahay dahil ka-live-in niya si tita Lisa. Ang problema nga lang ay ayaw ni tito Sehun na nandito ako sa bahay nila. Kapag wala si tita kung ano-ano ang pinapagawa niya sa akin.

"Hoy! Zero! Ipagtimpla mo nga ako ng kape."

Utos sa akin ni tito Sehun na nanonood ng tv at masama pang nakatingin sa akin dito sa salas.


Pumunta naman ako sa kusina para pagtimplahan siya ng kape ngunit pinigilan kaagad ako ni tita Lisa.

"Ako ng gagawa. May pasok ka pa, kaya mag-abyad ka na at baka ma-late ka."

Sabi ni tita Lisa sa akin kaya kaagad na akong kumuha ng tuwalya at naligo sa banyo.

Mabuti may heater kami, taglamig kasi ngayon at siguradong kung walang heater ay para akong nag a-ice bucket challenge palagi.

Habang tumutulo ang medyo maligamgam na tubig sa aking hubad na katawan ay naisip ko na naman ang lalakeng nakatuxedo ng araw yuon.

Ang sabi niya sa susunod na siyam na taon, maghanda na ako sa panibago kong buhay.

Ano naman kayang buhay ang darating sa akin?

Marco Smith? Hmmmm...

"Zero! Bilisan mo na at maliligo din ako!"

Sigaw ni tito Sehun na kumakatok pa ng malakas sa pinto ng banyo.

Nagmadali naman ako dahil baka kung ano na namang masasakit na salita ang sabihin niya sa akin.

.
.
.

Naglalakad na ako papunta sa iskul. Medyo masama din ang buhay ko sa paaralan. Dahil freak daw ako at baliw dahil sa kakaiba kong abilidad.

Abilidad? Abilidad na nagkaroon ako simula ng araw na makilala ko ang lalaking nagngangalang Marco Smith.

"Hoy! Gwapo! Yieeeh!"

Pang-aasar sa akin ng lalakeng mukhang ka-edadin ko lamang na kanina pa ako sinusundan.

Nagpakilala siya sa aking siya si Kai at simula ng mag highschool ako at dumaan sa kalye na ito ay lagi na lamang nagpapakita sa akin ang lalakeng ito.

"Hoy! Zero! Pansinin mo naman ako!"

Sabi pa niya na ikinaiinis ko na.

"Tumigil ka na nga."

Sabi ko ko kay Kai at nagsitinginan naman sa akin ang iba pang tao na naglalakad din sa kalyeng ito.

Ang iba ay tumawa at ang iba naman ay umiwas na lamang sa akin.

Napailing na lamang ako sa mga nangyayari at binilisan na ang paglalakad. Napansin ko naman na hindi na sumunod sa akin si Kai kaya medyo nakahinga na ako ng maluwag.

Medyo malayo pa at kung ano-ano pa ang nakikita ko sa daan na kakaiba sa mga tao.

Nakikita ko ang mga kaluluwang hindi makaalis sa mundo ng mga buhay dahil sa kanilang mga naiwan, dahil may hindi pa sila nagagawa sa mundong ito o 'di kaya'y puno sila ng puot, galit at paghihinagpis.

Rise Of The Fallen [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon