Payment 25

1.6K 42 0
                                    

THE WOMEN SERIES: PAYMENT

25
Truth

Kinagabihan ng pangalawang araw namin sa beach ay bumalik na kami ng Manila. Syx set a meeting for us. Kinakabahan ako, am I ready?

Harryk was playing with my phone as I made our breakfast bago siya kunin nila Ria. Umiyak kasi kahapon si Cesia dahil ayaw niya pa raw umuwi, dapat kasama niya raw si Harryk. So we decided na pupunta naman ang mga bata sa family house nila Kite.

"Harryk, ready na ba bag mo? Wala ka ba nakalimutan?" Tanong ko rito habang naghahain ng oatmeal at gatas.

"Mommy, gusto ko po magbigay gift kay Vern. Pero po kasi nagsleep ako agad kaya nagsulat na lang ako letter."

"Okay na 'yon, anak. It's the effort that matters, okay?" I told him at binuhat siya sa upuan niya.

"Mag-iingat ka roon ah? 'Wag makulit lagi ka makikinig kay Tito Kite at Tita Ria, okay? Hmm?" Habilin ko sa kaniya habang kumakain.

We finished our meal quickly kasi nasa baba na raw sina Kite. I was washing the dishes when the door bell rang. Buti na lang at tapos na ako. Kinuha ko ang bag ni Harryk sa kwarto at binuksan ang pinto. It was Ria.

"Pakialagaan ng mabuti itong anak ko ha? Malilintikan ka sa akin kung hindi." Paghabilin ko kay Ria.

"Yes, ma'am! Harryk bebe! Where art thou, Harryk?" Sabi nito sabay pasok ng unit namin.

Nagtatali ng sapatos ang anak ko. Nang matapos siya ay tumayo ito at hinawakan ang kamay ni Ria.

"Oh siya, mauuna na kami ha? At ang Prinsesang Vern ay nag hihintay sa baba." Saad nito sabay tingin sa anak ko.

"Mana ka talaga sa nanay mong bata ka!" Komento nito nang makita niya na mamula ang pisngi nito.

Hinatid ko sila hanggang sa makarating sila sa elevator at pumasok na ng bahay. I need to get ready. Ten o'clock naman ang meeting namin ni Syx.

After taking a bath, I wore my casual attire. Black tank top and paired it with a polo shirt that's left unbuttoned, then pants, then used my favorite sneakers. I put on some light make up and tied my hair in a messy bun. Nine twenty-three ng matapos ako sa ritual ko.

I doubled check my bag kung may nakalimutan ako o wala. After that, chineck ko lahat ang sockets sa bahay bago umalis. I was driving papunta sa napagusapan naming restaurant ng mapansin kong parang may sumusunod sa akin.

Binilisan ko ang pag d drive at bago pa man ako maabutan ang traffic lights ay pinaharurot ko ang sasakyan. Nakita ko na naabutan naman ng red light, yung sumusunod sa akin kaya nakahinga na ako ng maluwag.

I arrived safely, it was 10:05 ng makarating ako sa meeting place namin at nakita roon si Syx. Naglakad ako papunta sa table at umupo sa harapan nito.

"Kanina ka pa rito?" Tanong ko sa kanya bago umupo.

"No, not really mga 10 minutes na. I already ordered us some food naman na. Let's get straight to business." Saad naman ni Syx.

"Hmm, what is it? Kilala niyo na ba siya?" Tanong ko.

Remembering Lara, hindi kaya siya 'yung sumusunod sa akin kanina? Damn. Naiinis talaga ako sa taong' yon. The guts, who the hell is she? I wanna know already.

The Women Series: PaymentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon