Payment 29

1.5K 39 1
                                    

THE WOMEN SERIES: PAYMENT

29
Treasure

Nagising ako ng nasa isang puting kwarto, pilit kong inalala ang mga nangyari. Kakakilala ko lang sa totoong pamilya ko, but I was shot by Aya. Am I dead? I smiled. At least before I died, my son was safe. I wonder if what are they doing right now? Are they mourning?

I tried to sit, but I can't sumasakit lang ang tiyan ko. Akala ko wala na akong mararamdaman sa after life pero bakit masakit pa rin?

I tried to move my hand and felt someone's holding it. It was a small hand. Don't tell me sumama sa akin ang anak ko sa after life?!

"M-Mommy?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Harley.

Nanlaki naman nag mga mata nito at biglang nawala sa paningin ko. Hala papaanong si Harley ang kasama ko sa after life?!

"Daddy! Mommyla! Daddylo! Kuya! Gising na si mommy!" I heard her shouted.

Huh? hindi pa ba ako patay? Nakita ko naman na nagsikumpulan sila sa harap ko. I saw each and everyone of them cried.

"Salamat sa diyos..." Iyon lang ang sabi ni Mommy habang nakayakap kay Daddy.

"I thought I wouldn't see my princess, again... Hindi pa kami nakakabawi... Mawawala ka nanaman..." Daddy held my hand.

Hindi ako maka salita, gusto ko lang marinig ang mga boses nila. Naramdaman ko ang luha sa aking mga mata ng makita ko ang mga anak ko.

I saw Harryk climbed on my bed and held my hand. He was crying, Harley saw his brother cried and she also cried.

"Mommy, sorry for making you worry. Mommy, p-promise po hindi na y-yun mauulit. H-Hindi na ako lalabas basta basta." Harryk told me between his cries.

"Sabi sa akin ni K-Kuya, ikaw raw totoong Mommy ko... Totoo po b-ba yun? Magiging g-good girl pa po ako lalo... Huwag m-mo lang kami i-iwan..."

It pains me seeing this two angels cry, I just smiled at them dahil kahit gusto kong magsalita ay hindi ko magawa.

They called the doctor and examined me, I need to stay here in the hospital for few more days. Wala na rin yung ibang machines na nakasabit sa akin kaya nakakasalita na ako ulit.

Lagi naman akong binibisita ng mga anak, kapatid, kaibigan at mga magulang ko. Dinadalhan nila ako ng mga prutas pero hindi pa nila di nadalaw 'yung asawa ko.

Isang linggo na pala akong tulog at hindi gumigising. Sobra na raw ang pag a alala nila dahil sabi ng mga doktor ay dapat pagkatapos ng tatlong araw ay gising na dapat ako.

It's my fifth day here, nababagot na ako. Gusto ko ng makita si Hajik, bakit hindi niya parin ako binibisita?

Gusto ko na siya makita... Hindi kaya iniwan niya ako? Sumama siya ron sa Aya? Sumimangot ako at kinalbit si Sia na nakaupo sa tabi ko.

"Gusto ko ng raisins, ice cream at ampalaya with egg, tsaka milk candy."

Hindi ko alam bakit gutom na gutom ako ngayon. Kakain ko lang kanina eh gutom nanaman ako.

"Ayon lang ba?" Tanong nito. Tumango lang ako bilang sagot at tinignan si Sia.

"Pst, halika dito i braid kita." Tawag ko kay Sia. Hindi ito nagreklamo at umupo lang sa harap ko.

Ang ganda ganda naman ng buhok ni Sia. Tuwang tuwa ako sa pag b braid ng buhok niya ng biglang pumasok si Ria at Nina.

"Oh girl, eto na pagkain mo. Pakabusog ka ah?" Sabi ni Ria.

The Women Series: PaymentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon