Payment 3

3.2K 66 3
                                    

THE WOMEN SERIES: PAYMENT

3
Block Adviser

Medyo gumaan na ang pakiramdam ko pagkagising. Wala na rin akong lagnat at bumalik na ang sigla ko. Phew. I'm ready for today. Nag-ayos na ako nang sarili upang makapasok sa school. Finally, I'm now on my college days.

Pumasok ako ng mag-isa sa Arc Int'l School. I knew how to drive, that's why. Maagang umalis si Hajik and I decided that na mag drive-thru na lang sa McDo sa labas ng Village nila for my breakfast.

I ordered 3pcs. Pancake with hash brown, hot chocolate and hindi mawawala ang McFlurry. Dumaan rin ako sa Jollibee to order 3-pies to go na Peach Mango Pie and Sundae. I love this foods. Magkakatabi lang naman ang mga fast food chains sa labas ng village namin kaya hindi na ako nahirapan.

Eight o'clock palang at eight-thirty pa ang General Assembly namin. Sa tabi ng Auditorium ng school ay may garden at Gazebo. Wala masyadong tao dun. Kaya napag-isipan ko na kumain muna roon habang nag hihintay ng oras.

It was 8:20 when I finished my breakfast. Nag-ayos ako at tinapon ang mga pinagkainan sa basurahan.

Pagkapasok ko sa Auditorium ay may sumalubong sa kanyang babae. A senior? I thought.

"Hi! 1st year? I'm Carmela, by the way. Anong course ka?" Tanong ng isang morenang babae. Matangkad ito at maganda.

"Uhm, Architecture." Sagot ko.

May tinignan naman ito sa hawak niyang folder at may tinignan.

"Hmm. 2nd Floor, Rows 1-30." Sabi nito habang nakatingin parin sa hawak. Tinignan niya ako at ningitian.

"Welcome to Arc International School, sweetie." Sabi nito at nag-wink sa akin. She's really pretty ano kaya ang course niya?

Sinuklian ko lang ito ng ngiti at pumunta na sa second floor ng Auditorium. Really? Hindi ito mukhang Auditorium, but it shouts the appearance of a dome like pwede ng pang concert-an. As in, it's unbelievable. Iba talaga pag International School, ano? No wonder ang mahal ng tuition at mahirap makapasok dito.

Nang makapunta na ako sa second floor ay agad ako naghanap ng mauupuan. Sa awa ng Diyos ay agad kong nakakita nang bakanteng upuan sa medyo middle part ng Row 18.

8:25 na ang time at tumingin muna sa phone ko. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ko pinansin iyon. Medyo naiinip na rin ako rito. Actually, may orientation na noon pero hindi ako nakapunta.

"Hi miss, Architecture din ba yung iyo?" Tanong ng katabi ko.

Nilingon ko siya and damn! Ang gwapo niya. He's cute and hot. Oh well, normal naman sa akin magka crush, diba? I mean I'm a teen padin, right? Well, married actually. My conscience is talking to me and I hate it.

Well, you have your husband. My conscience told me again kaya agad kong winala yun sa isip ko.

"Yup." Sagot ko at ningitian siya.

"I'm Jiro, and you're?" sabi nito at naglahad ng kamay.

"Aphrodite, Aphro for short." tinanggap ko ang kamay niya at ningitian ulit.

"So, friends?" His smile is sweet. Habang hawak parin ang kamay ko.

"Friends." Sagot ko at tinanggal na ang aking kamay.

"I hope we're on the same block." Sabi nito.

"Sana nga." Ngumiti na lang ako.

Don't get me wrong, he's my first friend here and I really need to get over to that, ex boy best friend of mine. I mean it's not bad to have another friend right?

The Women Series: PaymentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon