[Say sorry]
GUS POV
Binuhat ko si Marie sa likod ko dahil nahimatay siya matapos ng nangyare. Paglabas ng paglabas namin sa elevator naka-abang parin ang kapatid ata niya na may halong pagkakagulat sa harapan namin "At-te?" Ani nito.
"Sumunod ka sakin." seryoso kung sabi sakaniya. Patungo ako ngayon sa kotse ko sa labas "Sir sasusunod po wag niyo na pong ilagay ang kot~" Ani ng gaurd sakin matapos niyang humarang sa dinadaanan ko.
"Tabi." Sambit ko.
"Buksan mo ang pinto." Binuksan naman ng kapatid ni Marie ang Front seat ng kotse ko hindi naman siya nag dadalawang isip pumasok sa back seat ng wala pa akong sinasabi. 'Manang mana talaga sa Ate'
"San kayo nakatira?" Tanong ko sa kapatid niya binigay niya lamang sakin ang card niya, river street Blk 8 lot 6, malapit lang ito mula sa paaralan namin, mahatid ko lang sila magiging komportable na ako.
"Salamat nga po pala na bumalik pa kayo para lang sa Ate ko." Ani nito, wala lamang akong sinagot sakaniya at patuloy pa rin sa pagmamaneho.
"Akala ko ba hindi kayo magkakilala?" Napakadaldal naman ng isang to, nasa lahi ba nila ito? Ang pagiginng madaldal "Nevermind..alam mo pangalawa ka sa lalakeng humatid sakaniya sa bahay. "
Pangalawa? teka ilang beses na ba siyang nakulong sa isang room, hindi ata to ang unang nangyare sakaniya "Yung una namasyal sila ng mga kaibigan niya kaso nalasing sila kaya ayun hinatid sila ng kuya ng kaibigan niya, pangalawa ang hindi ko alam na aksidenteng nangyare sakaniya at iniligtas siya ng Prince charming niya." Ani ng kapatid ni Marie.
Ibig sabihin unang pangyayare palang ito na nangyare sakniya, ano na lang kaya kung may susunod pa rito. Nandito na kami sa labas ng bahay nila simple lang ang bahay nila at hindi gaano kagandahan binaba ko na si Marie bumaba narin yung kapatid niya. "Oo nga pala, wag mong sasabihin kay Ate na ikaw ang naghatid samin ah? Ayaw na ayaw kasi niya ang may nakakalam kung anong hitsura ng bahay namin sa mga studyanteng nag-aaral sa W.U aside kina Dindo at Willy." ani nito habang bitbit-bitbit ang kapatid niyang walang malay.
Ano namang pakealam ko sa bahay nila? Tumango tango lamang ako.
---
"Bakit ngayon ka lang nakauwi?" Seryoso tanong sakin ni mommy, inaabangan niya pala akong sa labas ng bahay namin "Wala na kayo dun.." Ani ko sinuot ko na lang ang earphoneko para maiwasan siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/169716979-288-k945276.jpg)
YOU ARE READING
She's more than just a girl
RomanceAng paaralang Welard University of Asia ay kinikilalang paaralang pinapasukan ng mga Matatalino at Competetive na studyante, ngunit lahat ng ito'y nagbago dahil sa dalawang taong babago sa daloy ng ikot ng WUA. The Eagle one and the Dragon collide i...