Love faded
"Hi Gus... Uhm pwede... Pwede bang papi.." I cut her word.
"Pwede bang kung may gusto kang sabihin. Sabihin mo agad?" Yumoko na lamang siya at aalis na sana sa harapan ko ngunit bigla kong hinila ang braso niya.
"Give me your phone." Nagulat naman siya sa sinabi ko. Dinukot naman niya agad ang cellphone niya sa bulsa niya sabay abot sakin.
"Come closer." I said after i open her phone na walang password. I chuckled when i saw her wallpaper, dahil calligraphy ng pangalan ko ang meron.
Binuksan ko ang camera nito, ako na mismo ang hahawak sa phone niya para hindi naman siya magmukang desperate sa muka ng mga tao sa paligid. "Sigurado ka ba? May mga bandaid ako sa muka." Ani ko.
"Kahit may sugat ka hindi parin nawawala ang paghanga ko sayo Gus." Sambit ng babae, Wala lamang akong naging reaksyon sa sinabi niya at iniharap ko na lang ang camera saming dalawa.
"1.2.3"
*Click
Ngumiti naman siya matapos namin mag selfie, "Thank you Gus.. Ang bait mo naman pala." Hindi ko na lamang siya pinansin. Habang naglalakad ako sa hallway bitbit ang uniform ko ay may biglang bumangga sakin.
Ang lalim ng mga tingin nila sakin. Tatlong lalake na naglalakad papalayo sakin habang ang mga mata nasakin.
Napaka pamilyar nila.
Sila iyong mga bumogbug sakin kahapon. Tsk dahil sainyo nagmuka akong kawawa kahapon. Nobody has the ability to make me feel defeat, lasing lang ako kahapon at ginapos niyo kaya hindi ko kayo nalabanan.
I'm not done yet.
Sumugod ako sa kanila matapos nila akong iwasan at sinipa ng malakas ang nasa gitna nila na ngayon nadurog na ang muka sa sahig at ang dalawang naiwan isa isa kong sinuntok at hinila pauntog sa pader. Isinama ko na rin ang isa at sama sama silang pinagsisipa sa pader.
"The only one can make me feel weak is my feelings.... Ito tatandaan niyo hindi niyo kilala sinong binabangga niyo."
Iniwan ko silang duguan at matamlay na nakaupo sa gilid ng pader. Habang ang mga studyanteng nakatingin kanina sa ginawa ko ay biglang umalis ng napadaan ako sa gitna nila.
---
I'm late.. Damn it. Pagbukas ko ng pinto lahat sila nakatitig sakin. Maliban kay Marie "You want to say something?" Ani ni Ms.
Buti na lang mabait ang Adviser namin at hindi mahigpit samin "I'm sorry I'm late."
Napatango na lamang si Ms at bumalik sa pagsususlat niya sa board. Dumirtso na agad ako sa upuan ko at bumulong kay Marie na siyang ikinabibigla naman niya.
Ang sarap lang talaga niyang asarin kaya ginagawa ko ang mga ayaw niya. Nakasanayan ko narin naman ito.
"Tapos ka na bang nag report?" Bulong ko. Hindi siya humarap ngunit napangiti ako dahil napansin ko nanaman ang naka kamao niyang kamay. Hindi ko na lang ito pinakealaman muna, napatitig ako ngayon sa board.
Mga petsa na gaganapin ang Symposium lang naman pala ang meron kaya sana hindi na lang ako pumasok. Ibig sabihin hindi natuloy ang reporting ngayon matutulongan ko pa ang masungit na to, 'Finally'
---
"Sungit."
"Manikang Dragon."
"Tough girl."
"Marie!!"
Napalingon naman siya dala dala ang makunot niyang noo at maliit niyang labi, Nilapitan ko naman siya ngunit inihubad niya ang sapatos niya at pa aksyon na itatapon sakin.
"Subukan mong lumapit!" Sigaw nito. Napahinto naman ako dahil rito.
"Akala mo naman may gagawin ako sayo?" Seryoso kong sabi. Napahinga naman siya ng malalim sinubukan kong baguhin muna ang pagka pasaway mode ko sakaniya into serious mode.
Nilapitan ko siya habang tinakip takip ang ilong ko at ibinaba ang kamay niya na may dalang sapatos. Matapos ko itong binaba tinanggal ko na rin ang kamay ko sa ilong ko."Hindi mo talaga ako kayang tigilan ano?" pagrereklamo nito.
"Gusto ko lang namang tumulong sa report NATIN." Ani ko na siyang ikatataas naman niya ng sapatos niya.
"Diba sinabi kong hindi kita kailangan??" Ani nito habang nakataas ang kilay.
"Eh ako kailangan kita." Kumunot naman ang noo niya dahil rito. "Kailangan kita dahil kung wala ka wala akong grado sa PT natin... Don't be too unfair you pretty dragon." I said while pinching her nose.
"Ano ba!" Sambit ni Kelly, Naagaw ang atensyon ko kay Amaya na nakatayo ngayon sa likod namin kasama iyong kaibigan ni Kelly.
"Anong nangyayare dito?" Ani ng kaibigan ni Kelly, nakalimutan ko agad ang pangalan kung sino ba tong tao na to na hindi naman din ako interesadong kialalnin ngunit paminsan namang sumusulpot sa pananaw ko.
Nilingon ni Kelly sina Amaya at hindi man lang niya sinagot ang tanong ng kaibigan niya? Kailan ba magiging mabait ang isang Kelly marie.
"Lets go." Pagyaya ng Kaibigan ni Kelly kay Amaya "Wait.. Mauna na kayo." Ani nito habang hindi inaalis ang tingin sakin.
Tumingin muna sakin ang kaibigan ni Kelly bago ito umalis "Mag-usap tayo." Sambit ni Amaya at hinila ako papunta sa field na wala masyadong tao.
"What's with you?? I know na mahal mo parin ako Gus napipilitan ka lang hiwalayin ako dahil sa nasirang relasyon ng mga magulang natin. Bakit... Bakit hindi mo ako kayang ipaglaban? Why Gus.. Why?" Dahan dahan ng pumatak ang luha ni Amaya.
I don't wanna see her crying again like that, kaya ang pananaw ko ay nasa ibaba na lang."Yun na nga.. Hindi kita kayang ipaglaban dahil hindi na kita mahal, that's the point." Matapos ko iyong sabihin bigla ko siyang niyakap. I don't no why, parang may ibang tao ang kontrolado ako ngayon o hindi kaya napaghihinaan nanaman ako ng loob dahil sa konsensya ko sa sarili ko. Konsensya sa sinabi ko mula sakaniya.
"I still love you Gus..."
"You'll find someone better than me Maya."
![](https://img.wattpad.com/cover/169716979-288-k945276.jpg)
YOU ARE READING
She's more than just a girl
Любовные романыAng paaralang Welard University of Asia ay kinikilalang paaralang pinapasukan ng mga Matatalino at Competetive na studyante, ngunit lahat ng ito'y nagbago dahil sa dalawang taong babago sa daloy ng ikot ng WUA. The Eagle one and the Dragon collide i...