[Tough girl]
Kelly's POV
Ano bang nagyare sa lalakeng to? Kahapon lang halos magkasabunutan lang kami eh, Aba akala siguro niya gaya ako ng mga babaeng inaakit at pinupuri siya? Pwes ibahin mo ako.
"BITAWAN MO NGA AKO!" Binawi ko ang braso ko sa mahigpit niyang paghawak "Fine.. Fine.." ani nito sabay taas sa dalawa niyang kamay. "Ilang beses ko ba kailangang sabihin sayo na wag na wag mo akong hawakan?" Galit kung naging tugon sakaniya habang tinuturo turo ko siya gamit ang hintuturong daliri ko.
"Pwede bang hinaan mo ang boses mo wala tayo sa Club kung makasigaw ka kala mo naman may masama akong ginawa sayo." Aba't sumasagot sagot pa ang 'sang to ah"Hinaan mo muka mo! Eto tandaan mo sayo pa lang hindi na ako ligtas kaya wag na wag ka nang lumapit sakin." Huli kong naging habilin sakaniya bago ako umalis sa Infirmary.
---
"Bukas na bukas i will arrange your final seats kaya walang mag aabsent ok?" ani ni Ms. "Yes Ms."
"Nobayan ito nalang sana.."
"Ok na yan malay mo makakatabi mo si Gus."
Bulong bulongan ng dalawa sa mga chipmunks hanggang dito ba naman maririnig ko parin mga boses ng mga chipmunks mas mabuti na yang may bagong proper arrangement na.
"Class dissmissed." Nagsitayuan na kaming lahat, bigla kung napansin na walang katabi si Willy 'Kaya naman pala niya ako dinala sa Infirmary para pareho kaming wala sa klase.' Talino rin ah. "Kelly sabay na tayo! may urgent ka parin bang gagawin?" Tanong ni Willy sakin.
Bigla kong naalala ang nangyare kahapon. May nagtext na Unkown number at nakipag meet up sa Classroom na walang tao at patay ang ilaw, madilim na siyang ikakatakot ko, oras na malaman ko kung sino ang maygawa sakin nun hinding hindi ko talaga siya mapapatawag.
"Kelly ok ka lang?" Hindi ko napansing lumapit na pala sakin si Willy habang hinahawakan ang magkabila kong braso "Oo naman, tara."
Nasa elevator na kami ngayon ni Willy para puntahan si kaye sa lobby sa tuwing uwian na namin sa lobby kami nagkikita hindi kami pwedeng hindi sabay umuwi ng batang iyon kundi lagot talaga ako kay Mommy at Dada.
"Ayun si Kaye oh may kasamang kaibigan niya. Pero teka hindi naman niya kaibigan yan ah." tinitigan kong maagi ang dalawang babaeng kasama ngayon ni Kaye, kilala ko sila ah sila yung tumulak kay Amaya, agad kong nilapitan si Kaye kasama ang dalawang babae "Anong kailangan niyo?" Seryoso kong naging tanong sa dalawang babae.
Bago pa man siya nakapag-salita napatingin muna sila sa bandang likod ko "Anong meron?" Tanong ko sisilip na sana ako kung san sila tumitingin kaso bigla hnawakan ng babaeng kaharap ko ang kamay ko. "Kelly.. Uhm." Nauutal niyang sabi "About what happened last night. We're sorry kami ang may pakana nun." Ani ng kasama niya na tumulak kay amaya.
Malalim ko muna silang tinignan bago ko pabagsak na pinakawalan ang pagkakawak nila ng kamay ko "Kayo?" Malamig kung naging tanong sakanila "Kelly, hindi naman namin ginusto iyon." Panginginig na sambit ng babaeng humawak sa kamay ko.
"Hindi ginusto?" Hindi ko nakikita pero ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mga mata ko dahil sa hapdi nito na ayaw silang pigilan sa pagtitig "ALAM NIYO BANG ANONG PAGKAKAMALI ANG GINAWA NIYO!?" Dahil sa galit hindi ko na napigilang hindi sumigaw at walang pakealam kung sino man ang nasa paligid ko.
"Kelly gaya ng sinabi namin hindi namin yun ginusto."
"HINDI GINUSTO PERO NAGAWA NIYO NA!! KUNG HINDI NIYO YUN GINUSTO EDI SANA BINALIKAN NIYO AKO PARA TULONGAN EDI SANA HINDI AKO MAGKAKAGANON EDI SANA HINDI AKO MAGAGALIT NG GANITO!" Akmang sasampalin ko na sana ang isa sakanila ngunit biglang may humawak ng kamay ko.
"Marie pag-isipan mo muna ang gagawin mo." Ang tinig niya ang mahigpit na pagkakahawak niya sa kamay ko at ang tawag niya sakin ay nagsisimbolong kilala ko ang taong to, nilingon ko siya at tama nga ang hinala ko.. Si Gus.
Nanginginig na ang kamay ko na ayaw parin niyang bitawan "ANO BA BITAWAN MO AKO!" Pilit kung inaagaw sakaniya ang kamay ko pero walang nagyare mas lalo niya itong hinigpitan "Ano bang problema mo? narinig muna man ang buong nangyare diba? hindi ka naman ata din bobo para hindi maisip gumaganti lang ako diba? kaya bitawan mo ako!" Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkahawag niya sa kamay ko.
"ANO BANG PROBLEMA MONG PAKEALAMERO KA? NATATAKOT KA BANG PATULAN KO TONG MGA BABAE MO.... O baka naman sangkot karin sa nangyare?" Bigla ko nalang siyang pinag dudahan sa huli kong sinabi, dahan dahan niya ako binitawan at napayukoo sa harapan ko.
"Tama nga ang hinula ko..." Mahina kung bulong sakaniya habang bumuhos ang lahat ng patak ng luhang naipon ko mula sa namumula kong mata bigla naman siyang sinuntok ni Willy napatumba siya dahil dito bago pa man ako umalis tumingin muna siya sa mga mata kong lumuluha, nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala binuhat siya ulit ni Willy at sinuntok ng pangalawang beses.
Hinayaan ko na lamang sila at umalis , hayaan kong si Willy muna ang mag dispensya para sakin. Wala na akong pakealam anong mangyayare sakaniya ayaw kung magmukang kawawang babaeng umiiyak na para bang inaaway niya pag ako ang humarap sakaniya.
Simula ngayon hinding hindi na talaga kita kayang pataawarin..
YOU ARE READING
She's more than just a girl
RomanceAng paaralang Welard University of Asia ay kinikilalang paaralang pinapasukan ng mga Matatalino at Competetive na studyante, ngunit lahat ng ito'y nagbago dahil sa dalawang taong babago sa daloy ng ikot ng WUA. The Eagle one and the Dragon collide i...