Those day
Kelly's POV
Ilang minuto na akong nakaupo dito habang nasa malayo ang tingin, hindi ko parin magagalaw ang pagkain ko, ano bang nangyayare sakin? Dahil ba to sakanina? Bwist na tyanak iyon. Oo na kailangan ko ng tulong sa report namin dahil last year na to ng High school namin ayaw ko nang pahirapan sarili ko.
Aaminin ko sobrang dali lang ng gagawin namin gagawa lang kami ng own topic namin parang research lang pero Filipino ang pinagkaiba lang defend your topic but hindi na kailangan ng kahit anong evidences.
Gusto ko sana ako lang ang mag Dedefend tapos ang partner ko ang gagaawa ng topic but please bakit pa si Gus ang napili sakin? Hindi sa nag-iinarte ako, sinisira lang talaga nun ang araw ko.
"Huy, wala ka bang balak kumain?" Nagising ako sa sita ni Willy sakin.
"Ha? Oo... Hindi.. Ano kasi.. Wala akong gana." Palusot ko pero nahalata parin ni Willy.
"Alam mo kahit anong maging dahilan mo jan nakikita ko parin sa mga mata mo ang katotohanan na nagsisinungaling ka lang." Ani nito, Dinamay pa talaga mata ko eh noh.
"Oo nga wala akong gana.." Pagsisinungaling ko parin, nagulat naman ako ng bigla niyang kinain ang chicken wings ko.
"Akala ko ba wala kaang gana??" Sambit nito. Hanggang sa yung plato ko na ang kinuha niya.
"Willy!!" Sigaw ko sakaniya ngunit kain lang siya ng kain wala na akong ginawa kundi ngumisi na lang sakaniya.
---
"Papayag...Hindi...Papayag...Hindi...Papayag..." Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad at lutang sa pag-iisip kung papayag ba akong tutulong si Gus.
"MARIE!!" Akmang aakbayan na sana nniya ako ngunit bigla ko siyang hinarap. "Papayag na akong tumulong ka..." Tinakpan ko naman ang bibig ko dahil rito, Sht! Pati ba naman laman ng isip ko ginugulo rin niya para lumabas? Nanadya rin to eh noh.
Sinamaan ko siya ng tingin ngunit nag cross-arms lang siya sakin "Binabawi ko ang~" Agad naman nitong tinakpan ang bibig ko.
"Opps, wala ng Bawian.." Pabagsak kong inalis ang kamay niya mula sa bibig ko "Isang condition." Ani ko, Tinaasan niya lamang ako ng kilay while smirking on me.
"Don't ever call me Marie again at hindi ka na pwedeng humawak sakin, dahil hindi tayo magkaibigan... Naintindihan mo?" Serryoso kong paliwanag sakaniya.
"Yes Mar.....Mars!" Ani nito, Binuo ko naman ang kamao ko dahil sa bagong tawag niya sakin. "Yes Mars." Ulit pa nito at sinabayan pa ng ngiti. Talaga ngang sinisira talaga ng lalakeng to ang araw ko.
"Hindi ka ba natututo??" Pagrereklamo ko, "Nope, ang sabi mo hindi kita pwedeng tawaging Marie at wala akong narinig na pati Mars pagbabawalan mo." Masigla nitong sabi.
Tss! This crazy jerk really got into my nerves.
---
"Bye Kelly, mauna na ako." Paalam ni Willy sakin bago pa siya umalis.
"Mars tara na." Napatingin naman sakin buong kaklase ko dahil sa tawag sakin ni Gus, ganon rin ang gulat na tingin sakin ni Willy. Ugh lagot ka talaga sakin mamaya.
"Sa..saan kayo pupunta?" Tanong ni Willy samin "Gagawa ng report para bukas.." Seryosong wika ni Gus, ako lang ba ang nakakapansin? Bakit parang umiiba ang mood niya pag kaharap niya ang ibang tao ngunit pagdating sakin... Tsk sadyang nagpapadala lang talaga siya dahil kailangan niya ang talino ko.
"Ahh saan?" Seryosong tanong ni Willy, "Sa bahay niya." Mas lalong lumaki ang gulat ni Willy sa narinig niya ganon rin ako na masamang nakatingin sakaniya.
Narinig kong nagbulong-bulongan na ang mga kaklase ko.
"Sana ako na lang ang naging kapares ni Kelly para makapasok na rin ako sa bahay nila."
"Oo nga balita ko ang laki daw.."
Issue sakanila matagal na kung anong hitsura ng bahay namin at gaano kami kayaaman, bilang isang matalino at Goddess of beauty ikanga dito sa paaralan na to expect na nilang maykaya ako, kaya nga hindi ko hinahayaan ang sino mang malaman saan ang bahay namin pwera na lang sa dalawa kong kaibigan.
Sinamaan ko sila ng tingin pagkatapos nun umiwas naman sila dahil rito at sabay sabay lumabas ng room.
"Totoo?" Gulat na tanong ni Willy, "Hindi.." Nakahinga naman ng maluwag si Willy dahil sa sinabi ko, ayaw ko ng harapin muna mga tanong ni Willy sakin baka ano pa maisip niya.
Tuluyan na akong umalis sa room sumunod naman si Gus, Tinext ko na rin si Kaye na baka aanatayin niya ako sa lobby pagkatapos ng 20mins , alam kong hindi to magtatagal hindi ko hayaang makakasama ko siya ng matagal.
Nasa library na kami ngayon tahimik naman siyang nakaupo sa tabi ko.
"Mag-isip ka ng magiging topic at gumawa ka ng report tungkol sa topic na ginawa mo pagkatapos nun ako na mag Defend bukas. Titignan ko kung tama ba ang plot ng ginawa mong report, ayaw na ayaw kong magkamali, naintindihan mo?"
Hindi ko na pnakinggan kong ano ang sinasabi niya pinasok ko na lang agad ang earphone ko sa magkabilang tenga ko at iniharap ang Novel book na palage kong binabasa.
Nagulat naman ako ng tinanggal niya ang earphone ko sa kabilang tenga ko "Hindi ka pa pala nakapag simulang gumawa?" Seryoso nitong tanong, Ang totoo meron na akong nagawa ngunit hindi ako komportable kapag ako lang ang gagawa ngunit bibigyan parin siya ng grado kahit hindi man lang siya tumulong.
Buti na lang nagkataon na hindi na natuloy kanina kundi makikipag bangayan talaga ako kay Ms kung bibigyan siya ng kahit isang tuldok man lang ng punto.
"Hindi." Masungit kong ani at binalik ulit ang earphone sa tenga ko, hindi nagtagal tinanggal nanaman niya ito.
"Gusto mo talaga ako makasama noh?" Ani nito.
Sa totoo lang? Ang sarap ng batukan ng lalake na to, kung hindi lang sana ako nangako kay Mommy kanina pa to bugbog sakin. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay "Ang bait mo ata ngayon ah?"
"Pwede bang magsimula ka na dahil hindi ako pwedeng mataglan." Pagrereklamo ko.
"Pwes ihahatid ko kayo kung matatagalan man tayo dito." Ani nito.
Kayo? pano niya nalamang may kasama ako? "Pano~"
"Shhhhh, ang daldal mo." Ani nito pagkatapos niyang putulin ang sasabihin ko at binalik ang earphone ko sa tenga ko, nagsimula na rin siyang mag sulat.
Bigla kong naalala na iyong araw na iniligtas niya ako nandun rin si Kaye. May puso rin pala talaga tong tyanak na to hindi lang talaga mawala wala ang init ng sikmura ko pagmakita o makasama ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/169716979-288-k945276.jpg)
YOU ARE READING
She's more than just a girl
RomanceAng paaralang Welard University of Asia ay kinikilalang paaralang pinapasukan ng mga Matatalino at Competetive na studyante, ngunit lahat ng ito'y nagbago dahil sa dalawang taong babago sa daloy ng ikot ng WUA. The Eagle one and the Dragon collide i...