Nerd
Ipapatay ko na sana ang tawag ngunit bigla kong napagtanto na napaka dumi nga pala ng isip ni Gus baka isipin niyang iniiwasan ko siya matapos lahat ng magagandang naipakita ko sakaniya.
Isn't my sorry wasn't enough? Para layuan na niya ako, I thought I was right about my instinct na isang 'sincere sorry' ko lang lalayo na agad siya, but I was wrong.
"Oh?" Masungit kong tanong sakaniya mula sa cellphone.
Hindi siya agad nagsalita kaya't napag-isipan kong ibaba na sana ang tawag niya ngunit naunahan na niya ako pinaty niya mismo ang tawag. Ngayon lang ata na realize na mauubos ang load niya dahil sakin, wala ng pangtawag sa iba pa niyang babae.
Tsss napaka playboy. Bumalik agad ang atensyon ko kay Ezra.
"Saan na nga ulit tayo?" Tanong ko kay Ezra na napansin ata ang ginawa ko, isipin mo lang ang gusto mong isipin sakin Ezra kahit magmukang kontrabida pa ako jan sa isip mo.
Hindi pa lang nakapag salita si Ezra nag ring ulit ang phone ko. Same number and same person ano bang problema ng 'sang to?
tumingin ako saglit kay Ezra na binalot na ng kataka-taka ang mga mata niya.
"Sorry ha, ito kasing kapatid ko ang kulit hindi marunong mag saing." Palusot kong sabi.
Kung sasabihin ko lang naman ang totoo baka anong isipin niya tungkol saming dalawa ni Gus.
"Ganon ba, bat mo binababa?"
Bakit ko nga ba binababa? Oo nga noh teka anong sasabihin ko? Nako naman Kelly palagi mo nalang nilalagay sa problema sarili mo.
Sasagot na sana ako ngunit agad namang paulit-ulit ang pag tunog ng cellphone ko. Kaya wala akong choice kundi sagutin ito para naman malusotan si Ezra.
"Oh sissy?? Hanggang ngayon ba naman hindi ka marunong mag-saing??" Ani ko sa linya.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Sagot naman ng kabilang linya.
"Oo pauwi na ako jan, antayin mo ako." Sambit ko. Naririnig ko sa kabilang linya ang hininga ng boses ni Gus na mahinang tumatawa.
Gigil na gigil na rin ako lalo na't mukang nagdududa na sakin si Ezra.
"Yes sissy. Aantayin kita." Nagulat naman ako sa naging sagot ni Gus, binaba ko agad ang tawag niya bago pa ako may ibang masabi.
"Ah Ezra~"
"You may"
Naputol ang sasabihin ko sana nang pinangunahan niya ako. "Ah si-sige mauna na ako"
"Kelly.. Tomorrow lunch time" Pahabol niya, nginitian ko na lamang siya at mabilis na umalis.
Binalik ko ulit ang tingin ko sa cellphone ko may 3 unread message ako.
'Ok so tomorrow morning pwede ba tayo mag-usap?'
Iyan lamang ang mahabang text niya mula sakin iyong dalawang unread message puro 'Marie.' Hindi na lang ako nag reply sa mga messages niya tutal wala naman din akong pake sakaniya.
Kinaumagahan maaga akong pumasok hindi ko alam anng pumasok sa isip ko bakit napaka aga kong pumasok ngayon.
"Kelly! Thank God maaga ka." Hingal na sambit ni Bianca sakin.
"Uhm, wait teka bakit?" Pagtatakang tanong ko.
"Malapit na ang Intramurals kailan mo balak mag pa meeting?"

YOU ARE READING
She's more than just a girl
RomansaAng paaralang Welard University of Asia ay kinikilalang paaralang pinapasukan ng mga Matatalino at Competetive na studyante, ngunit lahat ng ito'y nagbago dahil sa dalawang taong babago sa daloy ng ikot ng WUA. The Eagle one and the Dragon collide i...