CHAPTER 3

49 2 0
                                    

CHAPTER 3

NAYUMII'S POV

Naupo na ako sa harapan , sila nakatayo lang ng tuwid at nakatingin sa akin lahat.

" Si Nash ? " Tanong ko

" Madame Daphne " sagot niya at pumunta sa harapan

" 50 ! Now , rules is rules " seryoso kong sabi , hindi ngumingiti. Kaya swerte mo kapag nginitian kita sa labas ng TBA.

Pumasok si Nash sa isang kwarto at nag push ups ng 50.

" Kayo ? Kung ano ang mga inutos ni kuya Nikolai , sundin niyo " Sabi ko sa mga natira , nagbow lang sila atsaka pumunta na sa mga training nila at sa pinapagawa sa kanila.

" Hi Daphne my little sister , how are you Princess ? " Tanong ni Kuya Nikolai na biglang lumabas sa kwarto niya

" Kuya ! I'm fine how about you ? " Tanong ko at saka nakipag apir sa kanya

" Ayos lang naman ang boss " sagot niya

" Boss ka diyan " biro ko

" Boss ako ngayon Madame Daphne , Wala ang totoong boss so ako muna " Sabi niya

" Master ka lang , isumbong kaya kita sa daddy mo " seryoso kong sabi

" Opss wag ganun 'lil sister , nagbibiro lang ako. Gusto mo ba maparusahan ang kuya mo ?  Mga tingin mong Ganyan e kinakabahan ako " Sabi ni Kuya Nikolai

" Bumalik ka na nga sa trabaho mo. Tingnan mo sila oh , paano na mamaya ? " Sabi ko

" Yes Madame Daphne masusunod po " Sabi niya at tatawa tawa pang pumasok sa isang kwarto.

Si Kuya Nikolai ay hindi ko kapatid , Anak siya ni Tito Nasser ang Boss ng grupong ito. Nasa Taiwan siya ngayon nagpapagaling , Kaya nga nagtaka ako ng nakita siya last week , may ipinagbilin lang pala na kailangan naming gawin ngayong gabi.

" Madame Daphne , tapos na po at sorry ulit " Sabi ni Nash

" Okay , back to training. May gagawin mamaya pumunta ka Kay Master Nikolai ngayon na " Sabi ko

-

* Anak , Mahal na Mahal ka namin , wag mong pababayaan ang sarili mo *

" Madame Daphne ! "

Nasapak ko kaagad ang humawak sa akin.

" A-aray ! Ang sakit nun ah " dumadaing na sabi ni Nico at nahihirapang tumayo

Biglang may tumulong luha sa mata ko , inabutan ako ni Niana ng tubig.

" Sorry Nico " mahinang sabi ko

" Ayos lang Madame Daphne , ayos lang po ba kayo ? " Tanong niya

" Okay lang ako " sagot ko at niyakap si Niana saka bumulong " nagyari na naman , narinig ko na naman " Sabi ko saka bumitaw

" Handa na ba kayo para mamayang gabi ? Hindi nila pwedeng makuha ang mga bagay na pinag-hihirapan ng iba ? " Sabi ko

" Yes Madame ! "

" Kailangan nating makuha ang mga iyon , Hindi tayo pwedeng maghirap dahil sa kasakiman nila. Alam niyo na ang pwesto niyo ? " Sabi ko pa ulit bago kame naghanda ng gamit na kakailanganin.

NOLAN'S​ POV

" Bakit kailangang kasama ako dad ? Marami ka namang tauhan diba ? " Inis na tanong ko , bakit nila ako isasama sa ganitong gawain.

" Lalo lang tayong mababaon sa utang kapag hindi ito natuloy ngayon " sagot ni daddy

No choice ako kundi sumama , Anak ako ng may ari ng mga company na ngayon ay bankrupt na kaya nabaon sa utang dahil sa pagsusugal ni Daddy at sa paglulustay ni mommy ng pera para sa mga kaibigan niyang sosyal. Tapos ngayon nalaman ko na ganito pala ang ginagawa nila.

Suddenly , I'm In Love With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon