CHAPTER 5

37 2 0
                                    

CHAPTER 5

SOMEONE'S POV

Pagkagising na pagkagising pa lang ni Yumii ay nag ayos na siya , hinanda ang sarili sa mga possibleng mangyari at malaman niya.

" Number 15 , Sampaguita St. " Bigkas niya sa address na ibinigay ni aleng Nelia

" Hoooo " hingang malalim

" Mga tropa ! Kayo na muna ang bahala sa bahay ha " sabi ni yumii sa mga bata

" Ate yumii , linggo diba ? Wala ka namang trabaho ngayon , Wala rin pasok sa school tapos diba hapon ka nagsisimba ? " Tanong ng isang bata

" May pupuntahan lang ako , importante " sagot ni yumii

" Mag iingat ka ate yumii " Sabi pa ng isag bata

Naglakad si Yumii papunta sa sakayan ng tricycle.

" Kuya , Sampaguita St. Alam niyo po ba kung saan iyon ? " Tanong ni yumii

" Opo ma'am , sumakay na po kayo at ihahatid ko kayo roon " sabi ng tricycle driver

Binaybay ng tricycle ang daan patungo sa nasabing  Street at tumigil ito sa tapat ng isang di kalumaang bahay.

" Tao po ! Tao po ! Aleng Nelia "

Ilang beses pang nagtawag si yumii bago lumabas ang isang babae na di kalayuan ang edad sa kanya pero kaagad rin itong pumasok sa loob ng bahay , paglabas nito ulit ay kasama na si Aleng Nelia

" Nayumii iha , pumasok ka. Pagpasensyahan mo na ang bahay namin at hindi kagandahan " Sabi ni Aleng Nelia

" Ayos lang po iyon , mas luma pa nga po rito yung tinitirahan ko eh " sagot ni yumii

Lumapit sa kanya ang babaeng nakakita sa kanya kanina. " Ate Mimii ? Si ate  Nayumii nga ? " Sabi nito  

" Ahmm excuse me. B-bakit ? " Tanong ni Yumii

" Pasensya ka na iha , ang alam kasi talaga namin noon ay patay ka na dahil sa nangyari noon sa sinasakyan niyo kaya nagulat talaga itong anak ko hindi makapaniwala.  " Sagot ni Aleng Nelia

" Ate Mimii , namiss kita ng sobra. Hindi mo pa rin kame naaalala ? " Tanong ng anak ni Aleng Nelia

" Wala akong kaaganong maalala e " sagot ni Yumii

" Umupo ka muna Nayumii , may kukunin lang ako " Sabi ni Aleng Nelia at pumasok sa isang kwarto at may kinuha sa kabinet

" Ate Mimii ako si Niña , dati kang nakatira sa amin simula noong namatay ang mga magulang mo " Sabi ni niña kay yumii

Napatingin kaagad si Yumii kay Niña. " A-anong sabi mo ? Simula noong namatay ang mga magulang ko. Kilala mo sila ? " Tanong ni Nayumii

" Oo , kilalang kilala namin " Si Aleng Nelia ang sumagot

" Paano po ? " Tanong ni Yumii

" Katulong niyo ako noon Mimii , palagi mo ring kalaro noon si Niña at isang araw ay nalaman na lang namin sa news na pinasabog pala ang kotse na sinasakyan ng mommy at daddy mo. Kasama nila ang asawa ko kasi driver niyo si Nanding ( asawa ni aleng Nelia ) Galing sila noon sa isang business trip " Naiiyak na kwento ni Aleng Nelia at inabot sa kanya ang isang plastic envelope.

" Ano po ang mga iyan ? "

" Mga gamit mo ito noon , may nagbigay sa amin nito at sinabing patay ka na nga. Kaya nga sinundan kita nung nakaraan at nung hindi nga ako nagkamali saka pa lang kita nilapitan " Sabi ni Aleng Nelia

Isa isang tiningnan ni yumii ang mga papel. Isang papeles na nagsasabing siya ang may ari ng isang sikat na kompanya , kompanya na pag mamay ari ng mga magulang niya pero ninakaw lang pala ang mga papeles , kontrata at saka pinabagsak.

Suddenly , I'm In Love With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon