CHAPTER 6

40 2 0
                                    

CHAPTER 6

NAYUMII'S POV

Anong ginagawa niya dito ? Nakakahiya !

"No-nolan , anong ginagawa mo dito ? " Tanong ko

Tumingin muna siya sa paligid , nandito pa rin si aling Nene , yung babaeng nagtawag sa akin.

" May itatanong lang ako about dun sa kanta na ginagawa mo para sa play " Sabi niya pero medyo sumesenyas siya , syempre na gets ko kaagad kaya Sinakyan ko lang ang mga sinasabi niya.

" Ah yun ba ? Ilang stanza na lang matatapos na " Sabi ko

" Nayumii , papasukin mo na ang bisita mo. Mauuna na ako at Gabi na may gagawin pa ako "

" Sige po Aleng Nene , Salamat " Sabi ko at pinapasok na si Nolan sa loob.

" Yung totoo , anong ginagawa mo dito ? " Tapos ko at pinaupo siya sa isang bangko

" Nakita kasi kita doon sa may kanto nung nasa labas ako ng convenience store kaya sinundan kita , Sorry kung ginawa ko yun. " Sabi niya , naiilang ako dahil sa nalaman at naalala ko.

" Ano bang nangyari diyan ? " Turo ko sa may labi niya na nagdurugo saka may mga pasa na naman siya tapos marumi ang damit , nagtataka siguro si Aleng Nene kung bakit ganito ang itsura ng bisita ko.

" Nabugbog " sabi niya

" Na naman ? I mean bakit palagi , Sino ba nambugbog sa'yo​ , may nambubully ba sa'yo ? " Tanong ko , feeling close na. Bakit kasi dito siya sa akin nagpunta.

" Walang nambubully , Wala namang lumalapit sa akin e . Daddy ko , siya ang may gawa ng lahat ng ito sa akin " Sabi niya

" Bakit dito ka pumunta ? Bakit sa akin ? " Tanong ko

" Ikaw lang ang naalala ko , magaan kasi ang loob ko sa iyo e ewan ko nga e. Saka ikaw lang naman ang concern dito sa mga sugat at pasa kong natatamo. " Sabi niya , bakit Ganyan siya magsalita ? Hindi kaya kinukuha niya lang ang loob ko , papaikutin lang ako tapos yun pala para kumuha ng impormasyon sa akin.

Bakit kasi scorpion ang tattoo​ niya ? Sino yan ng isang grupo na nagnanakaw sa iba't ibang lugar , sa mga company bangko at mga store. Hindi kaya nagkataon lang ?

Kinuha ko ang mga gamot ko , naalala ko tinanggal ko nga pala yung band aid sa wrist ko. Nakita niya kaya ang tattoo ko ? Kinuha ko agad ang band aid at tinakpan iyon.

Kumuha rin ako ng damit na panglalaki , yung ginagamit ko sa pagdidisguise kapag may misyon.

" Magpalit ka muna " Sabi ko at inabot sa kanya ang damit bago ako tumalikod​

" Tapos ka na ? "

" O-oo "

Humarap ako ulit at ginamot ang mga sugat niya. " A-aray ! ''

" Oops sorry " Sabi ko , napadiin kasi yung bulak na may betadine

" Pasensya ka na , maliit lang itong bahay ko saka hindi maganda. Mag isa lang naman ako e. Kumain ka na ba ? " Tanong ko

" Okay lang. Salamat , Hindi pa ako kumakain pero ayos lang natitiis ko pa naman , umalis ako sa bahay nakalimutan ko naman yung natitira kong pera. Nagmamadali kasi akong umalis baka kasi madagdagan pa ito " sabay turo sa mga sugat niya

" Sige , bibili lang ako ng pagkain , Hindi kasi ako nagluluto e "  Sabi ko

" Sige. Maraming Salamat nayumii "

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa tindahan  ng mga pagkain , Karinderia.

" Pabili nga po ng kanin at ulam "

Suddenly , I'm In Love With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon