CHAPTER 23

29 2 0
                                    

CHAPTER 23

NAYUMII'S POV ▪

" Ahmm N-ngayon ko na ba sasagutin yan ? " Nauutal kong tanong , hindi ko kasi inexpect na tatanungin niya ako.

" Pwede namang mamaya " sagot niya at natawa naman ako , ngumiti na lang ako at hindi na muna sumagot.

Nagpatuloy siya sa pagmamaneho , itinuturo ko kung saan ang daan papunta sa bahay namin. " D'yan lang sa tapat ng puting gate " Sabi ko

" Bahay niyo yan ? Ang laki naman tapos kayong tatlo lang ang nakatira ? " Sabi niya

" May mga kasama kami d'yan , mamaya ipapakilala kita " Sabi ko , nagtataka siguro siya kung sino ang mga kasama namin

" Nyanza , wake up baby. Nandito na tayo " gising ko sa kanya , bumangon naman siya agad.

" Where is tita Nathalie ? " " Tanong niya agad

" Nasa loob siguro baby , halika na at pumasok na tayo. Nolan , ipark mo na lang d'yan sa tabi ang kotse mo. " Sabi ko

" Nandito na po kami tita Nathalie ! " Sigaw agad ni Nyanza papasok pa lang kami ng gate.

" Dada , come here po. I'm so excited " Sabi ni Nyanza​  , kanina pa nagtataka si Nolan

" Sumunod ka na lang " Sabi ko sa kanya , Tumango lang siya. Nagtago muna siya sa likuran ko.

" Nandito na kami. Hello , anybody home ? " Tawag ko at bumukas ang pinto , lumabas agad si Nathalie

" Hi ate , namiss kita pati na rin ang baby na makulet na ito. " Sabi ng kapatid ko at niyakap agad si Nyanza

" Nat Nat , nasaan sila ? " Tanong ko

" Nandito kami , kumusta anak ? " Tanong ni mommy , ano Kaya ang reaksyon ni Nolan ?

" May bisita nga po pala tayo " Sabi ko at lumabas si Nolan mula sa likuran ko

" Sino ? " Tanong ni daddy at pagkakita nila sa isa't isa ay nagkagulatan sila.

" Kuya Nolan ? " Si niña agad ang nag salita , tumingin sa akin si Nolan na nagtataka , ngumiti ako.

Niyakap agad ni mommy si Nolan pati na rin si Daddy , halos maiyak na si mommy. Close kasi sila dati

" Hindi po ba pwedeng pumasok muna ? " Tanong ko , natawa tuloy si daddy

" Pasok ka iho , kumusta ka na ? Sobrang tagal na nating hindi nagkita " Sabi ni mommy

" Nagtataka ka ? Hindi pa ba nasasabi ni Nayumii sa iyo ? " Tanong ni daddy

" Ah kaninang umaga lang po kami nagkita ulit. Marami na po kaming napag usapan na ibang bagay Pero wala po siyang nabanggit " Sabi niya " Pero naiintindihan ko naman po , kumusta po kayo ? Buhay po pala kayo " tanong ni Nolan

" Naaalala mo ba noong nahulog ako sa bangin ? " Tanong ko at bumaling siya sa akin ng tingin

" Oo naman , Hindi ko yon makalimutan " sagot niya

" Mars , may tumatawag sa iyo " tawag ni tita nelia

" Tita Nelia ? Nandito rin po pala kayo at si Mang nanding ? Buhay rin po kayo ? Hindi po ako makapaniwala. " Sabi ni Nolan

" God is good iho , lahat tayo may pinag daanan pero heto tayo nagpapatuloy sa buhay " Sabi ni Mang nanding

" Ate , pupunta lang kami ni baby Nyanza sa kwarto ko. " Sabi ni Nathalie

" Sige. Bantayan mo yan ha baka mahulog at mabukulan "

" Ate Mimii , babantayan ko 'tong dalawa na ito , usap muna kayo d'yan ayieee " Sabi ni Niña , bumalik sa pagluluto si tita nelia tapos tinutulungan siya ni Nova , si mommy naman sinagot ang tumatawag sa kanya , umalis naman si daddy at sumunod kay mang nanding sa likod bahay. Iniwan talaga kaming dalawa dito e.

Suddenly , I'm In Love With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon