CHAPTER 21
SOMEONE'S POV ▪
5 years later . . .
" Momma , pupunta po ba tayo sa The Black Apartment ? Matagal na po tayong hindi pumupunta doon. " Sabi ng isang bata na halos nasa limang taong gulang na.
" Later baby , Wala naman akong work ngayon e tapos pupunta tayo sa bahay. " Sagot ni Nayumii sa bata
" Nandoon po ba si tita Nathalie momma ? Miss ko na rin po siya e , si Nanny Nova lang palagi ang kasama ko dito. " Sabi pa ni Nyanza
" Anak , kasi busy pa si momma , kailangan si momma sa work dahil sa marami pa ang gown na kailangan tahiin at yong pagawaan pa ng mga jewelries pa di ba ? " sabi ni Yumii
'' opo momma , iloveyou po " sabi ng bata at niyakap si Nayumii
Pinag masdan ni Nayumii si Nyanza na naglalaro sa condo nila.
° FLASHBACK °
5 years ago.
Simula ng party nila sa isang resort ni Mr. Nasser Hynzon , iniwasan na ni Nayumii si Nolan dahil tinanong ni Nico kinabukasan kung naaalala ang sinabi niya ng Gabi , itinanggi naman ni Nolan kaya't parang lalong nasaktan si Nayumii. Kapag pumupunta siya sa TBA kapag may misyon ay sinisigurado niya na Wala doon si Nolan.
Nagtrabaho si Yumii sa isang pagawaan ng gown. Isang buwan ang nakalipas ay dumaan siya sa dating tirahan niya sa iskwater area para bisitahin ang mga bata doon.
" Ate Yumii ! Para sa amin po ba iyan lahat ? Wow parang may party " Sabi ng isang bata
" Oo. Para sa inyo ang lahat ng ito. " Sagot ni Nayumii
" Ate Yumii may mga pulis po dito kaninang umaga at may mga armadong lalaki , hinahabol po nila ang isang babaeng may dalang baby. "
" Bakit ? Mga sino daw yon ? Baka may ginawa kayong hindi maganda ha , 'di ba sinabihan ko na kayo noon. " Sabi ni Nayumii
" Hindi po kami ate Yumii , mukhang napadaan lang po dito. Hinahanap ka nga po pala ni Aleng Nena , hindi ka daw po yata makontak e " Sabi pa ng isa
Nagmadali si Nayumii na pumunta sa bahay ni Aleng Nena , pakiramdam niya kasi ay mayroong hindi magandang nangyari.
" Aleng Nena . . Tao po ! Aleng Nena . . " Tawag ni Nayumii
" Ay Diyos ko po , Nayumii ! Ikaw ba iyan iha ? Kanina pa kita tinatawagan , pasok ka dali , may sasabihin ako sa iyo. " Natataranta na Sabi ni Aleng Nena , medyo namumutla din ito.
Pumasok si Nayumii at napatingin siya sa isang baby na nakahiga sa isang malambot na higaan , napakunot noo si Nayumii.
" Aleng Nena , may anak po pala kayo ulit ? Anak niyo po ba ito o apo ? " Tanong ni Nayumii
" Yan nga yong sasabihin ko sa iyo kaya kita tinatawagan , kanina may babaeng hinahabol ng mga armadong lalaki , nagtago ang babe doon sa dating bahay mo. Nandoon ako at naglilinis , Sabi niya sa akin ay wag raw akong maingay. Hinahanap ka niya pero ang Sabi ay matagal ka ng Wala dito. " Sabi ni Aleng Nena
" Sino daw po yon ? Ako daw po ba talaga ang hinahanap ? " Tanong ni Nayumii
" Ibigay ko raw sa iyo itong sulat at ang baby. Hinabol ng mga pulis ang lalaking humahabol sa kanya pero nagkaputukan at may ligaw na Bala na tumama sa babaeng yon. Dinala siya ng mga pulis sa hospital pero 50/50 na daw ito ,patay na ang babae , patay na ang nanay ng bata. " Sabi pa ni Aleng Nena na nangingilig pa ang kamay , kinakabahan at hindi mapakali.
Napalunok si Nayumii , parang may idea na siya. " Ne-Nerie daw po ba ang pangalan ? " Tanong niya
" Oo Nayumii , siya nga. Basahin mo na ang sulat niya. Ang cute ng baby niya pero kanina pa ako kinakabahan. " Sabi pa ni Aleng Nena
BINABASA MO ANG
Suddenly , I'm In Love With A Stranger
Aksi[COMPLETED] ✓ "From a stranger to someone I can't stop thinking about." "I love you! More than you'll ever know." Nakilala ba ng puso ang nakalimutan na nang isip? "Parang kilala ko siya. Pamilyar sa akin ang mukha niya." Naging parte ba siya ng...