CHAPTER 14
NOLAN'S POV
Kakaalis lang ni Nayumii , Bakit kaya iba ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya , masaya ako and I feel safe.
Si Nerie ! Naaalala ko ang kababuyang ginawa niya sa katawan ko. Nasa wisyo ako pero hindi ako makagalaw , nakatali ang mga kamay at paa ko. Hindi siya matinong babae.
Napatigil ako sa pag iisip ng bumukas ang pinto. " Mr. Nolan , ipinapasundo na po kayo ng daddy at mommy niyo " Sabi ng isang tauhan ni daddy , sumunod naman ako sa kanila , Wala yata silang dalang armas ngayon dahil bawal sa hospital. Tsk! Babalik na naman ako sa bahay ng mga . . Ugh !
" Sumakay na po kayo , hinihintay na kayo ng daddy mo doon " Sabi ng isa saka sila nagtawanan , masama ang kutob ko , mukhang may mangyayari na namang hindi maganda.
" Clyde , anong ginawa mo sa hospital ? Nagkakasakit ka rin pala , ano okay ka na ba ? " Tanong ni daddy at nag nod lang ako , Wala akong balak magsalita
" Sige na anak , magpahinga ka na sa kwarto mo " Sabi ni mommy , hindi ako sumagot at pumunta na lang ako sa kwarto ko. May pera pa siguro sila kaya mabait sila.
" HAHAHAHAHAH "
Ano ba yun ? Kanina pa sila nagtatawanan sa baba.
" So kailan ang kasal ? "
" Hintay hintay lang mare , ilang buwan na lang naman at graduate na ang mga bata. ''
Sino yun ? Sumilip ako sa baba. " Mga magulang ni Nerie ? Anong ginagawa nila dito ? "
Kasal ? Tama ba yung narinig ko ? Hindi ako papayag !
---
Paakyat na sana ako sa hagdan ng may tumawag sa akin. " Nolan "
Tsk ! " Bakit ? Anong kailangan mo ? " Tanong ko
" May sasabihin Sana ako sayo Nolan " Sabi ni Nerie
" Ano yun ? Bilisan mo at magsisimula na ang klase ko "
" Pwede ba after class na lang , sa may fast food chain sa tapat ng school " Sabi ni Nerie
" Hindi ba pwedeng ngayon na ? " Tanong ko
" Mamaya na lang. Importante ito nolan " sagot niya pero kanina pa siya nakatungo at hindi siya makatingin sa akin.
" Sige " Sabi ko at naglakad na pataas , napailing na lang ako.
Habang nagkaklase ay natulala pa rin ako , sobrang dami kong iniisip , naaalala ko na lahat ng nangyari noong bata pa ako pero yun lang. Palagi ko pa ring napapanaginipan ang magandang boses.
" Mr. Zamora "
" Yes sir ? " Tanong ko at napatayo
" Are you listening ? " Tanong ni Prof
" Y-yes Sir " sagot ko
" Alright. Good to hear , ipaliwanag mo ang nasa board " Sabi ni Prof
History ? Pumunta ako sa unahan at tumayo sa tabi ni Prof. Ipinaliwanag ko ang mga nakasulat , mabuti na lang at alam ko , nag advance reading ako e kung hindi , lagot na.
Pagkatapos ng klase ko ay pinuntahan ko si Nayumii pero sabi ng mga kaibigan niya ay may klase pa daw ito kaya kahit ayaw ko ay pumunta ako sa fast food chain sa tapat na sinabi ni Nerie.
" Nolan , akala ko hindi ka na pupunta , maupo ka " Sabi ni Nerie
" Hindi nga sana e kaso Sabi mo importante kaya pumunta na rin ako. " Sabi ko " ano ba yung sasabihin mo ? May lakad pa ako e "
BINABASA MO ANG
Suddenly , I'm In Love With A Stranger
Action[COMPLETED] ✓ "From a stranger to someone I can't stop thinking about." "I love you! More than you'll ever know." Nakilala ba ng puso ang nakalimutan na nang isip? "Parang kilala ko siya. Pamilyar sa akin ang mukha niya." Naging parte ba siya ng...