CHAPTER 22
NOLAN'S POV ▪
Hooooo ! Inhale , exhale !
Kinakabahan ako habang bunubuksan ang sulat na iniabot ni Nayumii.
Nolan ,
Ikaw talaga ang ama ng baby ko , mukhang hindi na ako tatagal Kay sumulat na ako. Kapag nakita mo ang baby natin , ingatan mo siya at palakihin ng maayos. Sorry sa lahat , Sana maka alala ka na at 'Wag mong sisisihin ang mga tao sa paligid mo. Ang daddy mo ang may kasalanan ng lahat. Salamat.
- Nerie
" A-anak ko nga ang bata " Sabi ko at tumango siya
" Oo , ako na mismo ang nagpa DNA test katulad ng ginawa ko sa inyo ni Tito Nasser " Sabi ni Nayumii
" Alam mo kung nasaan siya ? " Tanong ko , Wala naman kasi dito sa sulat kung nasaan ang bata
Nakakunot noo siya at biglang nagsalita. " Nyanza baby come here " tawag niya sa bata na kasama niya kanina , nagkatinginan silang dalawa bago lumapit sa akin ang bata at yumakap. Nagtataka ka ako , tatanungin ko na Sana siya kung ano ang pangalan niya pero naunahan niya akong magsalita.
" Hi po , ako po si Nyanza. Momma ko po si momma Nayumii, mommy ko si mommy Nerie at kayo po ang Dada ko , I love you Dada , nice to meet you po " Sabi ng bata sa akin
Parang nagliwanag ang mukha at isip ko , niyakap ko siya agad. Kaya pala ang ganda ng mata niya , nakuha niya sa mata ko parehas kami.
" Iloveyou too baby , sobrang saya ko. Sobra sobra. " Sabi ko at niyakap ko siya ulit.
Lumapit siya kay Nayumii. Umiiyak ba siya ? " Iloveyou momma , thank you " niyakap siya ni Nayumii
" Dada , sali ka po sa amin , yakapin niyo din po kami " tawag sa akin ni Nyanza. Lumapit ako sa kanilang dalawa are niyakap din sila. Tinitigan ko si Nayumii , naiiyak na ako sa sobrang saya.
Ang tanga ko. Yong babaeng gusto ko sobrang dami ng nagawa at naitulong sa akin tapos nasabihan ko siya ng hindi maganda.
" Sa iyo ba itong cellphone na ito ? " Tanong ko , napalaki ang mga mata niya at napalunok
" Sa'kin . . "
" Sa'kin na muna ito hanggat hindi ko pa naaalala ang lahat " Sabi ko sa kanya at ibinalik ko na sa bulsa ko
Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo. Hindi siya makagalaw , para siyang istatwa na nakatayo sa harap ko , tulala at hindi makapagsalita.
" I love you Mimii , iloveyou lampa kong girlfriend " Sabi ko at umiyak na naman siya
"Pa-paanong . . "
" Naaalala ko na yon , pero hindi pa lahat. Sorry sa lahat ng nasabi ko , Hindi ko alam e pero ngayon ang ko lang ay Mahal kita. Kahit noong wala pa akong maalala. Ikaw ? Hindi mo na ba Love ang payat mong boyfriend ? " Sabi ko na medyo nauutal na dahil kinakabahan at naiiyak na din.
" Clydeee * sniff * happy birthday " sambit niya na ikinagulat ko , birthday ko nga ngayon at alam niya ? Ngayon ang totoong birthday ko , Hindi ang sinabi ni mommy Nadia sa akin na sini celebrate ko ng ilang taon.
" Ahmm yong kwarto mo hindi mo pa naaayos ang mga gamit saka may pupuntahan kami ni Nyanza. "
" Saan ? Pwede ba akong sumama ? "
" H-ha ? E sa TBA tapos baka dumeretso kami sa bahay " Sabi niya
Bahay ? May iba pa silang bahay bukod dito sa condo ? " Sasama ako , okay lang ? "
BINABASA MO ANG
Suddenly , I'm In Love With A Stranger
Action[COMPLETED] ✓ "From a stranger to someone I can't stop thinking about." "I love you! More than you'll ever know." Nakilala ba ng puso ang nakalimutan na nang isip? "Parang kilala ko siya. Pamilyar sa akin ang mukha niya." Naging parte ba siya ng...