CHAPTER 11
NAYUMII'S POV
Kakaalis lang ni Nolan , marami pa rin siyang sinabi at ikweninto sa akin. Lahat ng ginagawa ng pamilya nila. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain niya at naisipan niyang ikwento sa akin lahat e ilang linggo pa lang naman kameng magkakilala , yun ang alam niya.
*
" Miss Britania , mamayang 9:00 am may klase ka ba ? " Tanong ni coach" Wala po , 10:00 pa ang last subject ko. " Sagot ko
" Sige , training tayo kapag vacant niyo. Ma dala ka bang extra t-shirts ? " Tanong pa ulit ni coach
" Mayroon po " sagot ko
" Sige , mamaya sa field. Hintayin mo na rin yung dalawa para sabay sabay kayo " Sabi ni coach bago ako pumasok sa room.
" Yumii ! " Tawag ni niana sa akin , nasa labas siya ng room , hindi ko kasi siya kaklase e .
" Oh , anong balita ? " Tanong ko
" Si Boss , pupunta raw dito mamaya Sabi ni Master Nikolai " bulong niya sa akin
" Dito ? Bakit daw ? " Tanong ko
" Hindi ko din alam e Sabi niya lang sa akin na sabihin ko sa iyo. Pumasok na rin sila Nico , tanungin mo na lang si Nash mamaya " Sabi niya
" Sige , wala pa siya e classmate ko siya pero ngayong umaga lang " Sabi ko
" Alright , see you later. Pasok na ako " Sabi niya sa akin at pumasok na sa klase niya
Umupo ako sa tapat ng bintana , biglang may dumaan at kumakaway pa sa akin. Si Nolan , nakangiti pa siya. Okay na nga siya.
" Mukhang may gusto nga sa iyo yun Yumii "
" Ay putekk ! " Nagulat ako
" Ako putek ? I'm Mud at you hahahahahaha ! " Sabi ni Nash
" Kabute ka ba ? Bigla ka na lang sumusulpot diyan " Sabi ko
" Kanina pa kaya ako dito , siguro iba ang nasa isip mo kaya hindi mo napansin na katabi mo na ako. " Sabi niya
" May sinabi ni Niana "
" Alin dun ? Yung pupunta si Boss dito ? "
" Oo , bakit daw ? May problema ba ? "
" Oo , yung kasing bahay sa tabi nitong school may nakatira daw diyang magnanakaw. Kinuha nga yung mga pera sa cafeteria e lahat pati nga mga pagkain " Sabi ni Nash
" Eh Bakit si Tito ang pupunta ? '' tanong ko
" Ewan ko din , alam mo namang marami pa siyang kakilala. Alam niya ang lahat at kaya niya lahat. " Sabi ni nash
" Sabagay " Sabi ko at dumating na ang Prof namin.
Si Tito kasi kapag may mga ganitong issue , kahit alam niya e konti lang ang sasabihin niya. Ayaw niyang nawawalan ng trabaho ang iba. Nagbibigay lang siya ng clue sa mga pulis tapos hahayaan na niya. Hindi niya ugaling Maki alam , pero . . . Bakit siya ang pupunta dito ?
" Yumii , punta na ako sa next subject ko. Ikaw ? " Tanong ni Nash
" Training ako , mamaya pa ang kasunod na klase kasi Monday ngayon " sabi ko
" Sige , ingat " Sabi niya at lumabas na
Dala dala ko ang bag ko. Pumasok sa cr at nagbihis ng damit. Mapapawisan kasi yung uniform ko sa training e. Paglabas ko ay hawak Hawak ko na ang bola.
" Good luck nayumii " Sabi ng kaklase ko
" Salamat " sagot ko
" Hindi naman mapipili yan , hindi naman sila mananalo kasi pabebe yan e " sabi ng isang lalaki
BINABASA MO ANG
Suddenly , I'm In Love With A Stranger
Hành động[COMPLETED] ✓ "From a stranger to someone I can't stop thinking about." "I love you! More than you'll ever know." Nakilala ba ng puso ang nakalimutan na nang isip? "Parang kilala ko siya. Pamilyar sa akin ang mukha niya." Naging parte ba siya ng...