CHAPTER 12
NAYUMII'S POV
" Hahahaha ! Swerte mo kasi sa panaginip mo girlfriend mo ako " Sabi ko at kunwari ay natatawa sabay pasimpleng kamot sa ulo
" Hi ate Yumii , ang aga niyo po ngayon "
" Oo mga tropa , may nangyari kasi sa school kaya suspended ang klase" sagot ko
" Hi Kuya . . . Kuya ? "
" Nolan " Sabi ni nolan
" Hi kuya Nolan , mabuti po bumalik na kayo at Wala na po kayong pasa sa mukha "
" Oo nga kuya Nolan , hinatid niyo pa ang ate Yumii namin , bagay kayo "
Mga batang 'to talaga. " Magsi uwi na kayo , kung anu-ano ang pinag sasasabi niyo e " Sabi ko
" Si kuya Nolan hindi nagsasalita , pinag iisipan yung sinabi namin " Sabi pa ng isa
'' kinikilig ayieeee " Sabi pa ng mga ito bago nagtakbuhan na palabas
" Wag mo na lang sila pansinin , makukulet lang talaga ang mga iyan " Sabi ko
" Okay lang. Ang sarap siguro magkaroon ng kapatid ano ? " Sabi niya
" Bakit ? Wala bang anak ang mga magulang mo , yung mga kumupkop sa iyo ? " Tanong ko
" Wala e hindi sila magka anak at wag na lang din , kawawa yung bata baka maranasan lang niya yung mga pananakit na ginagawa sa akin nila daddy '' Sabi niya
" Sabagay " yun na lang ang nasabi ko at pumasok na ng bahay
" Uuwi ka na ba ? " tanong ko
'' Hindi pa , okay lang ba ? Wala naman akong gagawin sa bahay e saka Wala din akong kaibigan na pupuntahan , dito na lang ako sayo " sabi niya , kinilig naman ako ng konti sa huli niyang sinabi hihi
" Okay lang , may pupuntahan tayo maya-maya , sasama ka ba ? " Tanong ko
Ngumiti siya " game ako diyan " Sabi niya
Nagbihis lang ako , pinahiram ko ulit siya ng damit. Nakakarami na 'to ah !
" Marunong ka bang mag basketball Nayumii ? "
" Hindi masyado e sepak takraw ang nilalaro ko simula pa nung bata ako kasi yung ang favorite sports ng Daddy ko "
" Cool nga e ikaw pa lang yata ang kilala kong babae na naglalaro ng sepak takraw " Sabi niya
Palagi niya akong tinitingnan tapos biglang ngingiti , wag kang ganyan Nolan baka mahulog na naman ako ng tuluyan sayo. Hindi naman masamang umasa diba ? Wag lang sobra.
" Tara na " Yaya ko sa kanya , sumunod nama siya
" Aleng Nene , aalis lang po ako mamayang hapon ay babalik din po ako " Sabi ko
'' walang problema Nayumii iha " Sabi niya at napatingin kay Nolan
" Siya ba yung kaibigan mo ? Parang pamilyar siya sa akin , parang nakita ko na siya sa TV ilang taon na ang nakalipas " nagulat ako sa tanong ni aleng nene , mabuti na lang at hindi gaanong narinig ni Nolan.
" Ahmmm kahawig lang po siguro, sige po Salamat " Sabi ko at niyaya na kaagad si Nolan.
" Sasakay ba tayo o maglalakad ? " Tanong ko
" Lakad na lang para matagal kitang makasama " sabi niya
" Ha ? Anong sinabi mo , may dumaan kasing sasakyan hindi ko gaanong naintindihan " sabi ko pero pinipigilan kong ngumiti
BINABASA MO ANG
Suddenly , I'm In Love With A Stranger
Aksi[COMPLETED] ✓ "From a stranger to someone I can't stop thinking about." "I love you! More than you'll ever know." Nakilala ba ng puso ang nakalimutan na nang isip? "Parang kilala ko siya. Pamilyar sa akin ang mukha niya." Naging parte ba siya ng...