CHAPTER 10
NOLAN'S POV
Bakit nandito na ako sa loob ng condo ? Nakikita ko pa rin sa isip ko ang mukha ng babae kanina. Sabi ng nurse ay siya raw ang may ari nitong building na ito. Siya rin kaya yung kumakanta ?
Bumukas bigla ang pinto ng kwarto kung saan nakahiga ako.
" Kumusta na ang pakiramdam mo ? " Tanong ng guard
" Medyo maayos na po , paano po ako nakarating dito ? Ang huling naaalala ko ay napahiga ako doon a damuhan sa tapat nito. " Sabi ko
" Inalalayan ka namin papasok dito sa loob , nakita ka nung may ari nitong building , tinawagan niya ako at Sabi niya dalhin ka raw namin dito saka iho pinacheck up ka niya , matamlay ka kasi at parang wala sa sarili " Sabi ng guard
Ang bait naman ng may ari.
" Nasaan na po ang result ? Pwede ko po bang makilala kung sino ang may ari nito para makapag pasalamat manlang ako. " Sabi ko at napahawak sa ulo ko kasi medyo sumakit.
" Siya ang kumuha ng result mo , wala na dito ang may ari , naka alis na siya kani kanina lang. " Sagot nito
" Saan ba ang bahay mo at ipapahatid na kita "
" Wag na po , uuwi na lang po ako mag isa. Salamat nga po pala , pakisabi na lang din po sa may ari na Salamat. " Sabi ko at lumabas na kahit medyo sumakit na naman ang ulo ko.
Sumakay ako ng taxi at nagpahatid pauwi sa bahay namin.
Pag pasok ko pa lang ng bahay ay nakatingin na sa akin sila mommy at daddy , nakangiti sila.Nakakapagtaka !
" Kumusta anak ? " Tanong ni mommy , kumusta ? Ngayon ko lang narinig sa kanya yan ah. Anong nakain nila at parang nag iba ang pakikitungo nila sa akin ?
" Okay lang po ako " sagot ko
" Kumusta ang lakad niyo ni Nerie , nagsaya ba kayo ? " Tanong ni daddy
Nagsaya ? Bigla ko na namang naalala yung nakita ko at nalaman ko kanina. Bakit wala akong maalalang nangyari kagabi ? Bakit alam ng mga magulang ko na magkasama kame ni Nerie. Plano ba nila yun ? Kaya ba nakangiti sila ngayon , dahil ba dun ?
Naguguluhan na ako.
Iniwan ko na lang sila doon sa Sala na nagtatawanan, masaya sila ngayon siguro may pera na naman sila galing sa mga nakaw. Tsk tsk !
Umakyat ako sa kwarto ko at dumeretso sa banyo para maligo , nanatili akong nakatapat sa shower , gusto kong maagos pababa ng tubig ang mga problema ko. Ang mga hindi magandang nangyari.
Tattoo na arrow ? Naalala ko bigla ang nakita ko sa wrist ng babaeng may ari daw ng condo.
Napahawak ako sa leeg ko. Yung tattoo ko ay henna lang naman , hindi katulad ng sa Daddy ko at sa mga tauhan niya na totoong tattoo.
Napasuntok ako sa wall ng banyo ng maalala ko na nakatali ako sa isang upuan kagabi at si Nerie ay nasa harapan ko , kanina pareho kameng walang saplot sa katawan.
Anong ginawa niya !?
Napatingin ako sa bath tub , pinuno ko ng tubig at humiga ako ng nakalubog. Tutal naman wala na akong maalala sa nakaraan at ngayon nahihirapan na ako.
Pumikit ako at pinipigilang huminga.
* Bakit hindi mo inaalagaan ang sarili mo ? *
Pumasok bigla si Nayumii sa isip ko at napaupo ako , ubo at ng ubo dahil sa tubig.
" Nayumii " bulong ko
Bakit ? Bakit siya palagi ang naiisip ko kapag tinatangka kong magpakamatay , kapag binubugbog ako ni daddy , kapag sinasampal ako ni mommy.
BINABASA MO ANG
Suddenly , I'm In Love With A Stranger
Aksi[COMPLETED] ✓ "From a stranger to someone I can't stop thinking about." "I love you! More than you'll ever know." Nakilala ba ng puso ang nakalimutan na nang isip? "Parang kilala ko siya. Pamilyar sa akin ang mukha niya." Naging parte ba siya ng...