CHAPTER 17

22 3 0
                                    

CHAPTER 17

NAYUMII'S POV ▪

" Oh my God Yumii , okay ka na ba ? Ang dami mong sugat " Sabi ni Niana , pumunta siya dito sa bahay nina Tita Nelia , pinapunta ko siya dito.

" Alam mo ba kanina sobrang nag aalala si Nolan sayo , yung mukha niya ay hindi maipaliwanag. Sinisisi niya ang sarili niya. Mabuti na lang at nagtext ka kanina na nakauwi ka na. " Sabi pa ni Niana

" Hindi na muna ako magpapakita sa kanya " Sabi ko

" Pero paano kapag pinuntahan ka niya ? " Tanong ni Niana

" Hindi niya alam ang condo ko , alam niya pala pero hindi niya alam na ako ang may ari n'on​ " Sabi ko

" May condo ka ate Mimii ? " Gulat na tanong ni Niña

" Oo. Ganito kasi yun , maupo ka. Tita Nelia halika po dito " tawag ko , kailangan ko ng sabihin sa kanila para hindi na rin sila mag alala.

" Tama ang mga narinig mo Niña may condo nga ako , ako ang may ari ng buong building. Nagtrabaho ako sa kompanya ng taong kumupkop sa akin , ako ang nagpalago n'on dahil lugmok sila at hindi na nagtatrabaho dahil sa pagkawala ng asawa at anak niya. Binigyan niya ako ng condo at kotse na bunga ng paghihirap ko sa company nila. " Kwento ko , nakikinig din si Niana  , mayroon din siyang hindi pa nalalaman.

" May . . . may grupo din kami , Boss namin yung nagpapaaral sa akin , si Niana at ang mga kaibigan ko ang mga kasamahan ko doon. Tita , napanood niyo po ba yong news last week ? " Tanong ko

'' Oo , yong mga nakawan at mga droga ? " Sagot ni Tita Nelia

" Kami po ang pumipigil sa mga magnanakaw " sabi ko

" Kayo ate ? Wow ang astig " Sabi ni Niña

" Tita Nelia , niña. . Yong lalaking tumulong sa akin at nagpapa aral sa akin ang Boss namin , siya po si Tito Nasser , totoong tatay ni Nolan. " Sabi ko na ikinagulat nila.

" Marami pong masasamang tao sa paligid na akala natin ay mabait , mag iingat po kayo palagi , aalis na ako sa iskwater , ayaw kong may madamay kapag bumalik ang kuya at pamilya ni Nerie " sabi ko pa , tinanggal ko ang band aid sa wrist ko. " Ito , ito yong tattoo ko " pinakita ko sa kanina " Kahit anong mangyari , please 'Wag niyo pong sasabihin kahit kanino "

" Safe ang sekreto mo sa amin ate Mimii , walang makaka alam " Sabi ni niña

" Salamat , Niana. . Sabihin mo sa kanila pero 'wag kay Tito at Kuya "

" Oo Yumii , sige. Uuwi na ako , mag iingat ka. Sigurado ako kilala na ni Nolan ang tatay at kuya niya. "

" Salamat. Sigurado ako na hindi na niya ako kukulitin. " Sabi ko

' Kinabukasan '

Madaling araw pa lang ay nagbyahe na kami papunta ng Maragondon Cavite , babalik ako doon sa maliit na bahay na nakita ko , Hindi ako pwedeng magkamali , buhay sila.

" Sigurado ka ba na kaya mong maglakad Nayumii iha ? " Tanong ni tita nelia

" Kaya ko po. Konti lang po ang mga sugat na ito kumpara sa mga pinag daanan ko. " Sagot ko

Bumaba kami sa isang waiting shed. kung saan ako nagpahinga kahapon. " Kinakabahan ako 'nay , kinakabahan na excited " Sabi ni Niña

" Ako din anak pero Sana nga totoo ang sinabi ng ate Mimii mo " Sabi ni tita nelia

Naglakad na kami pababa sa madamong lugar , bakas pa sa daan ang patak ng dugo ko dahil sa balikat ko. " Ayun na nga yong bahay " turo ni Niña

Naglakad pa kami hanggang makarating sa gate na yari sa kawayan.

Suddenly , I'm In Love With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon